Ang Diborsiyo ay May mga Biktima
Ang Diborsiyo ay May mga Biktima
KUNG paniniwalaan mo ang lahat ng naisulat ng “mga eksperto” tungkol sa diborsiyo sa nakalipas na ilang dekada, maaaring mahinuha mo na sa modernong diborsiyo, walang may kasalanan at walang nasasaktan.
Maraming magulang ang naimpluwensiyahang magdiborsiyo dahil sa ilang malaganap na kasabihan, gaya ng: Ang diborsiyo ay mas mabuti sa mga bata kaysa isang di-maligayang pag-aasawa; hintayin mong ‘magkaedad ang mga bata,’ upang hindi sila masaktan; malilimutan din ng mga bata ang malungkot na karanasan pagkaraan lamang ng ilang taon.
Itinataguyod ng ilan ang optimistikong mga ideyang ito. Halimbawa, hindi lubos na pinaniniwalaan ng mga awtor na sina Susan Gettleman at Janet Markowitz “ang alamat ng napinsalang anak.” Iginigiit nila na ang diborsiyo ay hindi kinakailangang maging traumatiko para sa mga bata basta ba ‘maygulang na napangangasiwaan ito’ ng mga magulang. Sinasabi pa nga nila na ang diborsiyo ng mga magulang ay maaari pa ngang makatulong sa mga bata na makayanan ang kanilang sariling mga diborsiyo balang araw! Sabi nila: “Ang talagang dapat na baguhin ay ang institusyon ng pag-aasawa at ang alamat tungkol sa pamilya mismo.”—The Courage to Divorce.
Ngunit totoo ba ang mga iginigiit na iyon? Sa isang daigdig ng dumaraming diborsiyo, ano ba ang tunay na epekto ng diborsiyo sa mga bata? Totoo ba na walang sinumang nasasaktan?
Katakut-takot na Pinsala
Noong 1971, sinimulan ng mga mananaliksik na sina Judith Wallerstein at Joan Berlin Kelly ang isang mahalagang pag-aaral tungkol sa pangmatagalang mga epekto ng diborsiyo sa mga pamilya. Pinili nila ang 60 pamilya na nasa bingit ng pagdidiborsiyo. Lahat-lahat, ang mga pamilyang ito ay may 131 mga anak na sa pagitan ng 2 at 18 taóng
gulang. Sa pagtataka ng mga mananaliksik, nasumpungan nila na ang diborsiyo ay halos hindi kailanman naging isang ginhawa sa mga bata. Totoo ito kahit na ang kanilang mga magulang ay hindi maligaya sa pag-aasawa. Bagkus, ang diborsiyo ay nag-iwan sa mga bata na naguguluhan.Ang mga epekto ba ay panandaliang trauma lamang? Nakalulungkot sabihin, hindi. Pagkalipas ng limang taon, 37 porsiyento ng mga bata ay bahagya o lubhang nanlulumo. Karamihan sa kanila ay umaasa pa rin na magkabalikan ang kanilang mga magulang—kahit na sila ay nag-asawa nang muli! Pagkaraan ng 10 o kahit na 15 taon, halos kalahati ng mga bata sa pag-aaral ay “pumasok sa pagiging maygulang na nababalisa, hindi gaanong matagumpay, nagtatakwil-sa-sarili, at kung minsan ay galít na mga binata at dalaga.”
Ang gayong mga resulta ay laban sa karaniwang karunungan. Gaya ng sulat ni Wallerstein: “Ang mga tuklas namin ay lubos na salungat sa aming mga inaasahan. Ito ay hindi magandang balita sa maraming tao, at kami’y tumanggap ng galít na mga sulat buhat sa mga terapis, magulang, at mga abugado na nagsasabing kami’y walang alinlangang mali.”
Gayunman, ang mga bata’y hindi nagsisinungaling; pinatutunayan ng iba pang pag-aaral ang pasiya nina Wallerstein at Kelly. Ang Journal of Social Issues ay bumabanggit na karamihan ng mga propesyonal, gaya ng siyentipiko sa paggawi, “ay naniniwala na ang paghihiwalay ng mga magulang at ang pagkabuwag ng pag-aasawa ay may matinding negatibong epekto kapuwa sa mga bata at sa mga adolesente.” Isinusog pa ng babasahin na ang gayong mga paniwala “ay, sa malaking bahagi, napatunayan,” binabanggit ang mga tuklas na gaya nito: Mas maraming delingkuwente at laban sa lipunang mga paggawi sa mga anak ng nagdiborsiyo kaysa mga anak na ang pamilya ay buo; doble ang dami ng mga anak ng nagdiborsiyo na ipinapasok sa mga ospital para sa may mga sakit sa isipan kaysa mga anak na ang pamilya ay buo; marahil ang diborsiyo ang pangunahing sanhi ng panlulumo ng mga bata.
Kumusta Naman ang Nakatatandang mga Anak?
Mas nakakayanan ng nakatatandang mga anak ang diborsiyo kaysa mga nakababata. Kapag nasaksihan ng mga tinedyer ang pagdidiborsiyo ng kanilang mga magulang, maaaring dumanas sila ng matinding pagbabago ng palagay na pumipinsala sa kanilang pangmalas tungkol sa pag-aasawa at sa iba pang institusyon, gaya ng paaralan. Ang iba ay naghihinuha na ang lahat ng kaugnayan ay hindi maaasahan, balang araw ay magkakanulo at magtataksil.
Nawawalan ng panimbang, ang iba ay tumatagilid sa kalabisan nang magdiborsiyo ang kanilang mga magulang. Ang iba ay bumaling sa droga, ang ilan ay nagpakasama sa pagkahandalapak sa sekso, ang iba ay naglayas. Sa simula para bang tanggap ng iba ang diborsiyo, upang dumanas lamang ng naantalang reaksiyon. Gaya ng binabanggit ng magasing The Washingtonian, marahil hindi nagkataon lamang na dahil sa pagdami ng mga diborsiyo ay nagkaroon din ng pagdami ng mga sakit na kaugnay ng pagkain sa gitna ng mga tinedyer at mga pagpapakamatay pa nga.
Kaya ang mga magulang na matiyagang naghihintay ng kanilang pagkakataon, naghihintay hanggang ang kanilang mga anak ay ‘nasa hustong gulang na’ bago simulan ang diborsiyo, ay maaaring maghintay ng matagal. Waring walang mahikong ‘tamang edad’ kung saan ang mga anak ay a Iminungkahi pa nga ng sosyologong si Norval D. Glenn sa magasing Psychology Today na ang mga anak ay maaaring pahirapan ng negatibong mga epekto ng diborsiyo na “namamalagi sa lahat ng panahon.” Hinuha niya: “Dapat seryosong pag-isipan ng isa ang nakalilitong ideya na ang dumaraming bilang ng mga anak ng nagdiborsiyo ay hahantong sa mabagal subalit patuloy na pagguho ng populasyon sa pangkalahatang antas ng kahusayan.”
hindi nasasaktan sa diborsiyo.Subalit ang mga tuklas, pag-aaral, at mga estadistikong ito, bagaman nakatatakot, ay hindi nangangahulugan na ang bawat anak ng nagdiborsiyo ay nakatalagang magkaroon ng magulong buhay. Gayunman, ipinakikita nila na ang diborsiyo ay naghaharap ng tunay na panganib sa mga anak. Ang tanong ay: “Paano ba mapagsasanggalang ang mga anak mula sa mga epekto ng diborsiyo?
Anong Pag-asa Para sa mga Anak?
Wala nang huhusay pang proteksiyon kaysa pagsawata. Gaya ng pagkakasabi rito ni Dr. Diane Medved sa kaniyang aklat na The Case Against Divorce: “Dapat na huwag nating hayaan ang makasariling mga pagkabahala na maging ang tanging pamantayan sa kaangkupan ng diborsiyo.” Walang alinlangang sinira na ng walang iniisip kundi ang sarili, ng saloobing maka-ako na lumaganap na sa makabagong lipunan ang di-mabilang na mga pag-aasawa. Paano malalabanan ng mga mag-asawa ang impluwensiyang ito at gawing panghabang panahon ang kanilang pag-aasawa?
Sinasabi ng Bibliya na ang Awtor nito ang Disenyador ng pag-aasawa. Bilang patotoo sa pag-aangking ito, ang payo ng Bibliya tungkol sa pag-aasawa ay talagang maaasahan. Natulungan nito ang angaw-angaw na mga lalaki’t babae na pagbutihin ang kalidad ng kanilang buhay pampamilya. Naagaw ng Bibliya ang di-mabilang na mga pag-aasawa mula sa pagdidiborsiyo. Maaari ring makatulong ito sa iyo. b
Gayunman, nakalulungkot sabihin na ang diborsiyo ay hindi laging maiiwasan o mahahadlangan. Isa itong katotohanan sa modernong daigdig. Ang ilang mga magulang ay natuto tungkol sa mga pamantayan ng Diyos sa pag-aasawa pagkaraan na sila’y magdiborsiyo. Ang iba ay matapat pa ring namumuhay sa mga pamantayang iyon, upang ipagkanulo lamang ng isang sakim, imoral na kabiyak. Kinikilala mismo ng Bibliya na ang ilang labis-labis na pangyayari ay nagpapahintulot sa diborsiyo. (Mateo 19:9) Subalit itinuro ni Jesus, na imposibleng gumawa ng anumang matalinong disisyon nang hindi muna ‘tinataya ang halaga.’—Lucas 14:28.
Kung ang diborsiyo ay isang katotohanan, tiyak na hindi ito ang panahon upang padaig sa pabigat ng pagkadama ng pagkakasala o pagsisisi. Ito ang panahon upang pagaanin ang hampas nito sa mga bata. Magagawa ito! Tinitiyak ni Dr. Florence Bienenfeld, isang iginagalang na tagapayo at tagapamagitan sa diborsiyo, sa diborsiyadong mga magulang: “Ang diborsiyo ay hindi kinakailangang maging isang trahedyang Griego kung saan ang lahat ay namamatay. Ang lahat ay maaaring mabuhay, at sa paglipas ng panahon ay makabawi, gumaling at bumuti.”—Helping Your Child Succeed After Divorce.
Ngunit papaano? Ano ang magagawa ng mga magulang, mga kamag-anak, at mga kaibigan upang tulungan ang mga anak ng nagdiborsiyo?
[Mga talababa]
a Sa katunayan, ipinakikita ng mga pag-aaral kamakailan na kahit na ang may kabataang mga adulto sa kanilang maagang 20’s ay lubhang nagdusa nang magdiborsiyo ang kanilang magulang. Ang maliwanag na kabaligtaran ng mga moral ng kanilang mga magulang ay nag-iiwan sa kanila na nalilito, ulat ng The New York Times Magazine. Marami ang lumulukso sa hedonismo at kahandalapakan, samantalang ang iba naman ay lumalayo sa lahat ng romantikong mga kaugnayan, ang iba ay sumusumpa na hinding-hindi mag-aasawa.
b Tingnan ang aklat na Pinaliligaya ang Inyong Buhay Pampamilya, lathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.
Salungat sa kung ano ang inaakala ng iba, ang diborsiyo ay talagang nakapipinsala sa mga anak