Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Tugon sa “Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos”

Tugon sa “Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos”

Tugon sa “Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos”

ISA sa mga tampok ng “Dalisay na Wika” na Pandistritong mga Kombensiyon, na idinaos ng mga Saksi ni Jehova mula noong kalagitnaan ng 1990 hanggang sa maagang 1991, ay ang paglalabas ng aklat na Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos. Ito’y nagbibigay ng maikli at malinaw na paliwanag tungkol sa pinagmulan, kasaysayan, at mga paniwala ng pangunahing mga relihiyon sa daigdig, at sinasabi nito kung paano masusumpungan ang tunay na Diyos. Paano tumugon ang mga mambabasa sa buong daigdig?

“Ang aking taimtim na papuri sa Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos,” komento ni E. G., isang di-Saksi buhat sa Alemanya. “Ang gayong detalyado at puspusang pagsusuri ng bawat relihiyon ay talagang kahanga-hanga at kawili-wiling basahin. Isa pa, ang aklat ay hindi kulang sa lohika​—bagkus ang kabaligtaran. Inirerekomenda ko sa mga tao na suriin nila ang kanilang relihiyon batay sa aklat na ito.”

Isang mambabasa buhat sa Flushing, New York, E.U.A., ang sumulat: “Ako’y isang Muslim, at Al-Islaam ang aking relihiyon. Pinahahalagahan ko ang inyong bagong aklat na Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos. Partikular kong pinahahalagahan ang impormasyon ninyo tungkol sa aking relihiyon.”

Sa Netherlands, si A. v. D., isang 17-anyos, ay nakapagpasakamay ng isang kopya ng aklat sa isang kamag-aral, na ginamit ito sa paghahanda ng isang asainment sa eskuwela. Nais malaman ng guro kung saan nanggaling ang kaniyang materyal. Pagkakita sa aklat, ang guro ay pumidido ng tatlong kopya. Ganito pa ang susog ni A. v. D.: “Kinabukasan ibinigay ko ang tatlong aklat sa guro, na ipinakita naman niya agad sa iba pang guro. Pagkalipas ng maikling panahon, sinabi ng guro sa akin, ‘Ayos ito. Mayroon akong pagsang-ayon ng administrasyon ng paaralan na pumidido ng 35 ng mga aklat na ito.’ ”

Mula sa British Columbia, Canada, isang mag-asawa ang sumulat: “Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos ay maaaring lubhang makaapekto sa mas maraming tao mula sa mas maraming pinagmulang kultura kaysa anumang dating publikasyon ng Watch Tower.”

Mula sa Le Havre, Pransiya, si M. H. ay sumulat: “Masasabi kong ganap na nahigitan ng aklat na ito ang aking mga inaasahan; napakalinaw nito, wasto, at kaaya-aya sa mata. Magnifique!”

Si H. W. W. buhat sa Texas, E.U.A., ay sumulat: “Ang aklat na ito ay kawili-wili at kabigha-bighani, hindi ko mailapag ito. Nasumpungan ko ang aking sarili na nagbabasa hanggang sa kalaliman ng gabi. Ang pagkakasulat ay superyor. Tinatalakay ng aklat ang mga paniwala ng ibang tao sa makatuwiran at magalang na paraan, samantalang pinatitibay-loob sila na magpatuloy sa kanilang paghahanap sa tunay na Diyos, si Jehova. At ang mga salita ay napakapersonal, halos para bang may nakaupo sa tabi mo na nakikipag-usap sa iyo.”

Isang mag-asawa sa Panama, sina G. at S., ay nagsabi: “Agad na tinatanggap ng mga taong nagsasalita ng Kastila ang aklat. Tuwang-tuwa sila sa makulay na mga larawan ng mga templo at mga idolo.”

Si D. M., isang marino sa U.S. Navy ay sumulat: “Isang araw ay may nakilala akong isang babae na nagsabi, ‘Nais mo ba ng espirituwal na aklat?’ at sinabi ko, ‘Oo,’ hindi ko nalalaman kung anong klaseng aklat ito. Sa aking pagtataka ito ang aklat na malaon ko nang hinahanap.”

Isang propesor na nagturo tungkol sa relihiyon ng daigdig sa isang unibersidad sa Amerika ay sumulat: “Ang maikli at malinaw na pangungusap at ang panlahat na kawastuan ng paliwanag ng pangunahing mga turo ng sarisaring relihiyon ay kahanga-hanga. Ang pagbanggit sa maraming kilalang manunulat sa larangan ng relihiyon ay nagpapaliwanag na batid ng may-akda ang kapanahong karunungan at gamit. May ganap na katapatan at walang itinatagong agenda.”

Isang kabataang babae, si N. Y., ay sumulat mula sa Lungsod ng Nagoya, Hapón: “Ako po’y 12 anyos at nag-aaral ng kasaysayan sa eskuwela. Tinatalakay ng aklat na ito ang tungkol sa mga relihiyon ng Hapón nang detalyado. Gayundin, lubusan akong nasiyahan sa pagbabasa tungkol sa mahiko at espiritismo sa kabanata 4 at ang ‘Isang Panunumbalik sa Tunay na Diyos’ sa kabanata 15.”

Maraming iba pang liham ng pagpapahalaga ang tinanggap buhat sa Argentina, Colombia, Inglatera, Puerto Rico, at Espanya, gayundin sa iba pang bansa. Kung nais mong magkaroon ng isang kopya ng Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos, ngayo’y inilalathala na sa 26 na wika, tingnan ang pahina 32.