Paano Ko Maipagtatanggol ang Aking Sarili sa Pagsalakay ng Gang?
Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .
Paano Ko Maipagtatanggol ang Aking Sarili sa Pagsalakay ng Gang?
ISANG malamig na gabi ng taglagas, ang 12-anyos na si Tom ay pumunta sa kalapit na tindahan upang bumili ng ilang bagay. Nininerbiyos si Tom sapagkat nasa teritoryo siya na sakop ng isang lokal na gang sa kalye, at ang kaniyang takot ay agad na nagkatotoo. Walang kaabi-abiso, ilang miyembro ng gang ang sumalakay sa kaniya, ibinuwal siya sa lupa at pinagsusuntok.
Dahil sa inihulang “paglago ng katampalasanan,” marami ang naninirahan sa mga pook na napakarahas na hindi masupil kahit ng mga awtoridad. (Mateo 24:12) At kung ikaw ay nakatira sa isang lugar kung saan palasak ang pagkilos ng gang, ang karanasan ni Tom ay pangkaraniwan lang. Isaalang-alang, halimbawa, ang kalagayan sa Los Angeles County, E.U.A. Sang-ayon sa magasing Maclean’s, sa 257 kaugnay-sa-gang na mga namatay na naganap doon noong 1988, kalahati ang nagsangkot ng di-napukaw na pagpatay ng mga gang sa mga hindi kamiyembro! Kaya, nakakaharap ng mga kabataang nakatira sa mga lugar na aktibo ang mga gang ang isang tunay na hamon: ang pagtatanggol sa kanilang sarili.
Ipinakikita ng naunang artikulo ang kahangalan ng pagsali sa isang gang. a Naipaliwanag na ang pagsali sa gang ay aktuwal na higit na nagsasapanganib na ikaw ay masaktan, maaresto, o mapatay pa nga. At hinggil sa pagdadala ng patalim, o baril, o anumang iba pang sandata, ito’y salungat sa payo ng Bibliya sa Isaias 2:4 at Mateo 26:52. Isa pa, ang paggawa ng gayon ay lalo lamang magpapatindi sa alitan sa halip na pawiin ito. Kapareho rin ito ng pag-aaral ng martial arts, gaya ng judo o karate, bilang paraan ng pagtatanggol-sa-sarili. Kaya nga, mas maigi ang iwasang harapin ang isang gang. Ngunit papaano?
Ang mga Gang at ang Kanilang Kulay
Una, isaalang-alang ang iyong pananamit, pag-aayos, at tindig. Maraming gang ang nagsusuot ng may mapagkikilanlang pananamit, kulay, o kagamitan na magtatangi sa kanila sa ibang mga gang. Ang bandana o kahit na ang paraan ng pagsusuot ng sombrero ay maaaring pagkakilanlan ng pagiging miyembro ng gang. Kadalasan, ang mga gang ay may sariling kilos at sariling bokabularyo at tindig.
Ang problema ay na ang kulay ng kasuotan ng mga gang at ang iba pang gayong mga tatak-pangkalakal ay kadalasang nagiging uso sa mga kabataan sa pangkalahatan—pati na sa mga hindi miyembro ng gang. Ganito ang puna ng pahayagan sa Canada na The Globe and Mail: “Ginagaya
ng ilang tinedyer ang pananamit ng ilang gang, kahit hindi sila miyembro . . . Marahil nais nilang magpasikat sa ibang tin-edyer.”Maliwanag na inaakala ng ibang kabataan na ang pantanging kasuotan ay pinagtitingin silang siga. Ang iba naman ay nangangatuwiran na kapag sila’y nadaramtan ng kasuotan ng gang maaari itong magbigay sa kanila ng proteksiyon. Ipinalalagay nilang ang iba ay hindi maglalakas-loob na inisin sila, sa pag-aakalang kasama sila sa isang gang. Matinong pangangatuwiran ba ito? Hindi nga. Tahasang sinasabi ng The Globe and Mail: “Nanganganib silang mabugbog kung sila ay makita ng mga tunay na miyembro ng gang.”
Pinatutunayan ito ni Bernard, dating miyembro ng isang gang ngunit ngayo’y isa nang Saksi ni Jehova. Ginugunita ang nakalipas na mga araw, sabi niya: “Kung may nakadamit na gaya ng isa sa amin subalit hindi siya kaisa namin, malamang na siya ay magiging isang target. Alin sa sumali siya sa aming gang o kaya siya’y masaktan.”
Sulit ang Maging Iba!
Ang pagkaalam nito ay dapat na maging gabay mo sa pagpili ng pananamit. Tutal, hindi ba’t ang paraan ng ating pananamit ay nangungusap tungkol sa atin—nagpapakilala pa nga sa atin? Totoo ito libu-libong taon na ang nakalipas nang ang Bibliya ay isinusulat. Sa aklat ng 2 Hari, mababasa natin ang ulat ng ilang mensahero kay Haring Ahazias ng Israel. Sinabi nilang nakatagpo nila ang isang lalaking nagbigay sa kanila ng isang mensahe. Ang hari ay nagtanong, “Ano ang anyo ng lalaki?” Nang ilarawan nila ang kaniyang kasuotan, agad na sinabi ng hari, ‘Si Elias na propeta! ’ Papaano niya nalaman? Sapagkat suot ni Elias ang mapagkikilanlang suot ng isang propeta. (2 Hari 1:5-8) Ngayon, gaya noon, maaaring iugnay tayo ng paraan ng ating pananamit sa ilang uri ng tao, kahit na hindi natin ginagawa ang kanilang ginagawa o pinaniniwalaan ang kanilang pinaniniwalaan. Baka akalain pa nga ng iba na tayo sa paano man ay nakikisimpatiya sa mga uri ng tao na nananamit sa gayong paraan.
Si Michael, isang dating miyembro ng gang na sinipi sa Sports Illustrated, ay nagsasabi: “Ang sapatos, mga jacket at sombrero ay mga simbolo lamang . . . Maaari akong magtungo sa lansangan at ituro ang isang miyembro ng gang sa paraan lamang ng kaniyang pananamit.”
Anong kamangmangan nga, kung gayon, para sa isang kabataang Kristiyano na mag-ayos, magdamit, maglakad, magsalita, o kahit na tumindig na gaya ng mga miyembro ng isang gang sa lansangan! Ang payo ni Jesus na “huwag maging bahagiJuan 17:16) Oo, madaling makilala ng mga miyembro ng gang ang hindi nila kauri. Gunita ni Michael: “Makikita namin ang isang lalaki na nakasuot ng disenteng pantalon, magandang sweater, balat na sapatos. Hindi mo ako makukumbinsi na siya’y miyembro ng isang gang.”
ng sanlibutan” ay partikular na kapit dito. (Ganito pa ang sabi ni Bernard, na sinipi kanina: “Ang mga miyembro ng gang ay kadalasang mahilig manamit ng pinakabagong uso.” Dahil dito, dapat na mag-ingat sa paggaya ng istilo ng pananamit at pag-aayos na maaaring popular sa paaralan o sa inyong lugar na maaaring kang maging target na karahasan ng gang dahil sa ika’y napagkamalan. Ang pananamit nang hindi gaanong sunod sa uso ay maaaring maging isang proteksiyon.—Ihambing ang 1 Timoteo 2:9.
Mag-ingat din, tungkol sa uri ng salita at bokabularyong ginagamit mo. Kung susubukin mong patunayan na ikaw ay sunod sa uso sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang-lansangan na karaniwang ginagamit ng mga miyembro ng gang, malamang na matawag mo ang pansin ng mga miyembro ng gang. Iwasang umastang parang siga. Tandaan: “Mas maigi ang buháy na aso kaysa isang patay na leon.”—Eclesiastes 9:4.
Ang isa pang pananggalang ay iwasang maging “kaibigan ng sanlibutan” pagdating sa iyong pagpili ng mga kasama. (Santiago 4:4) Baka isipin mo na ang pagkakaroon ng ilang “sigang” kaibigan ay para sa iyong kapakinabangan. Subalit mula sa naranasan niya sa pakikisama sa gang, sabi ni Bernard: “Kung may mga kaibigan ka na kasali sa isang gang, malamang na ikaw ay mapilitang sumali sa gang.” Kahit na ang mga pagsisikap na akayin ang mga miyembro ng gang sa landas ng buhay ay dapat gawin nang may pag-iingat.—Mateo 28:19, 20.
Oo, ang pinakamabuti mong landas ng proteksiyon ay malamang na ang pagkakilala sa iyo bilang isang huwarang Kristiyano. Oo, sapagkat hindi ka ‘nakikitakbong kasama nila sa ganitong takbuhin sa pusali ng pagpapakasama, sila’y nagsasalita ng masama tungkol sa inyo.’ (1 Pedro 4:4) Ngunit maaari rin nila kayong igalang nang bahagya. Sa paano man, maaaring isipin nila na hindi ka karapat-dapat maging miyembro ng gang.
Pag-iwas sa Panganib
Gayumpaman, ang isang mabuting pangalan ay hindi laging sapat upang ilayo ka sa landas ng panganib. Ganito ang mabuting payo na ibinibigay ng Kawikaan 27:12: “Nakikita ng pantas ang kasamaan at nagkukubli; ngunit dinaraanan ng walang karanasan at naparurusahan.” Idiniriin ng matinong payong ito ang pangangailangang maging mapagwari at alisto kapag napaharap sa posibleng mapanganib na mga kalagayan. Halimbawa, kung ikaw ay inanyayahang pumunta sa isang lugar o okasyon, tanungin ang iyong sarili, Sinu-sino ang naroroon? Iyon ba’y kilalang istambayan ng gang?
Isang dating miyembro ng gang ang nagbigay ng kahawig na payo: “Iwasan ang mga dako na pinag-iistambayan ng mga gang. Umiba ka ng daan hangga’t maaari.” Oo, iwasan ang di-kinakailangang pagtungo sa mga kilalang dakong mapanganib. At kapag magkaroon ng karahasan, huwag hayaang mapatay ka ng pag-uusyoso. Ang Kawikaan 17:14 ay nagsasabi: “Ang pasimula ng pagkakaalit ay gaya ng pagbuga ng tubig; kaya’t iwan ninyo ang pagtatalo bago mag-init sa pagkakaalit.”
Subalit ipagpalagay nang sa kabila ng lahat mong pagsisikap na iwasan ang gulo, hinarap ka ng mga indibiduwal na nais nilang sumali ka sa kanilang gang. Mahinahon mong sabihin na hindi ka maaaring sumali sa kanila. Kadalasang idinaragdag ng mga kabataang Saksi ni Jehova na ang kanilang panahon at pagsisikap ay ginagamit nila sa ministeryong Kristiyano. Anuman ang sabihin mo, iwasan ang pagiging hindi magalang o mapanlaban. Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad sa Mateo 10:16: “Magpakatalino nga kayong gaya ng mga ahas subalit magpakatimtimang gaya ng mga kalapati.” Minsan pa, ang iyong pag-uugali, pananamit, at pag-aayos ay dapat na kasuwato ng iyong paninindigan.
Gayunman, talastasin mo na kahit na ang pinakamahigpit na pag-iingat ay hindi lubusang makagagarantiya sa iyong kaligtasan. (Eclesiastes 9:11) Ngunit taglay ang makatuwirang pagsisikap, malamang na maiwasan mong maging biktima ng karahasan ng gang.
[Talababa]
a Tingnan ang artikulong “Dapat ba Akong Sumali sa Isang Gang?” na lumabas sa Hunyo 8, 1991, na labas ng Gumising!
[Larawan sa pahina 19]
Umalis sa mga tagpo ng karahasan. Huwag mong hayaang mapatay ka ng dahil sa pag-uusyoso