Bakit Hindi Ako Tinatanggap ng Iba?
Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .
Bakit Hindi Ako Tinatanggap ng Iba?
“Ito ang pinakamahirap na balakid na nakaharap ko.”—Craig.
“Napakalungkot ko.”—Jessica.
“Ako’y bigung-bigo.”—Chris.
“Ako’y nagalit at nabalisa. Umiyak ako nang umiyak.”—Sommar.
“Ako’y nalito at talagang nasaktan.”—Erin.
MGA salitang naglalarawan ng malaking kapahamakan? Hindi, binabanggit ng mga indibiduwal na ito ang masasakit na damdaming nadama nila sapagkat noong kanilang kabataan hindi sila tinanggap ng kanilang mga kasama. At kung naranasan mong hindi matanggap sa isang pangkat ng mga kabataang nais mo bilang mga kaibigan, alam mo kung gaano kasakit ang karanasang iyon.
Mangyari pa, natural lamang na gusto mong tanggapin ng iyong mga kasama. Inilalarawan ng mga siyentipikong panlipunan ang mga tao na palakaibigan; tayo’y likas na naggugrupu-grupo. Ang simbuyong ito ay lalo nang malakas kapag ikaw ay isang tinedyer. Sabi ng 14-anyos na si Micalah: “Kami’y nakadarama ng kapanatagan at tinatanggap kapag kami’y kasama ng mga taong may katulad na mga interes na gaya namin.” Maaaring kabilang sa gayong interes sa isa’t isa ang pagkasumpong ng kasiyahan sa magkatulad na isports, pagkain, mga gawain sa paaralan, pananamit, o musika. O maaari namang ito’y ang isang hilig o napipiling libangan na nagbubuklod sa isang grupo ng magkakaibigan.
Nagkakaroon ng problema kapag ang mga tali na nagbubuklod sa isang grupo ay ginagamit bilang makitid-isip na mga dahilan upang huwag isama ang ibang kabataan. Ganito ang gunita ni Brendan: “Kung hindi ka nagsusuot ng tamang sapatos na tenis, hindi ka bagay sa grupo. Hindi ka bahagi ng barkada.” Tila man din kalukohan, kapag ang lahat ay popular at ikaw ay hindi popular, talaga namang nakasasakit.
Kung Kailan Hindi Dapat Makisama
Gayunman, tanungin mo ang iyong sarili, ‘Talaga bang nais kong tanggapin o makasama ng grupo?’ Kahit na noong panahon ng Bibliya, kadalasang sinikap ng suwail na mga kabataang isama ang iba sa kanilang samahan ng mga kaibigan. “Sumama ka sa amin,” mapanghikayat na sasabihin nila sa iba. “Ika’y makipagsapalaran sa gitna namin.” Subalit ang Bibliya ay nagbababala: “Anak ko, huwag kang lumakad sa daan na kasama nila. Pigilin mo ang iyong paa sa kanilang landas. Sapagkat ang kanilang mga paa ay nagsisitakbo sa kasamaan.”—Kawikaan 1:11-16.
Gayundin naman sa ngayon, baka ikaw ay matuksong sumama sa ilang popular na grupo. Subalit anong uri ng mga kabataan ang kasali rito? Maaaring sila ay maibigin-sa-katuwaan, subalit sila ba’y may takot sa Diyos? Ang pakikisama kaya sa kanila ay magpapalakas ng iyong kaugnayan sa Diyos o sisirain kaya nito? “Ang masasamang kasama ay sumisira ng kapaki-pakinabang na mga ugali,” babala ng 1 Corinto 15:33.
Tanungin mo rin ang iyong sarili, kung ano kaya ang magiging kabayaran ng pagsali mo. ‘Maraming
panggigipit upang makasunod,’ sabi ng isang kabataang nagngangalang Grace. ‘Nang ako’y bata-bata pa, ako’y magmumura sapagkat sasabihin ng mga kaibigan ko, “Sige na.” Sa totoo lang ay talagang ayaw mong maiwanan.’ Ang awtor na si Mary Susan Miller ay nagbibida tungkol sa isa pang kabataan na nakipagkompromiso upang tanggapin. Sinadya niyang pababain ang kaniyang mga marka “upang huwag lumitaw na siya ay mas matalino kaysa mga kaklase na gusto niyang maging kaibigan.”—Childstress!Mangyari pa, wala namang masama sa paggawa ng makatuwirang pagsisikap na makasundo ang iba. (Ihambing ang 1 Corinto 9:19-23.) Subalit kung ang pagiging tanggap ay nangangahulugan ng paninigarilyo, pag-inom ng droga o inuming nakalalasing, pagmumura, pagtawa sa malalaswang biro, pagtatalik, o katulad nito, hindi na ito tama! Sobra na iyan! Ni matalino mang hayaang idikta ng ibang kabataan ang bawat detalye ng iyong pananamit, pananalita, o pag-aayos.
Isa pa, ang mga Kristiyano ay inuutusang huwag makisama sa mga hiwalay sa Diyos. Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: “Kinapootan sila ng sanlibutan, sapagkat sila’y hindi bahagi ng sanlibutan, gaya ko naman na hindi bahagi ng sanlibutan.” (Juan 17:14) Hindi ba mas maigi na kamtin ang pagsang-ayon ng Diyos kaysa pagsang-ayon ng mga kasama na hindi naglilingkod sa Diyos?—Ihambing ang Santiago 4:4.
Pakikisama sa mga Kapuwa Kristiyano
Ngunit paano naman kung nahihirapan kang makisama sa kapuwa mga Kristiyano—mga kabataang kaisa mo sa paniniwala at pananalig? Marahil may lehitimong mga dahilan.
Halimbawa, maaaring bago ka sa isang lugar, at ang mga kabataan doon ay maaaring mahiyain o maingat tungkol sa mga estranghero. Habang kinikilala ka ng iba, ang mga bagay ay malamang na magbago. Naranasan ito ni Jessica nang ang kaniyang pamilya ay lumipat sa isang bagong kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova. Gunita niya: “Ang lahat ay palakaibigan at mabait sa akin, subalit kumuha pa rin ng isang taon bago ko madama na kabilang ako roon sa personal na paraan. Ginugunita ang nakaraan, natatalos ko ngayon na kailangan ang panahon upang magkaroon ng mga kaugnayan.” Sabi pa ni Jessica na ang pakikibahagi sa gawaing pangangaral sa madla na kasama ng iba sa bagong kongregasyon ay isang malaking tulong upang madama niya na siya’y bahagi nito.
Binabanggit ni Stephen ang isa pang aspekto sa pagtatatag ng pagkakaibigan. Sabi niya: “Sa loob ng mga taon hindi ako isinasali sa pagkakaibigan sapagkat ako’y mahiyain. Pagkatapos ay natanto ko na kung nais ko ng mga kaibigan, kailangang manguna ako sa pagiging palakaibigan.” Ang resulta? Si Stephen ngayon ay maraming mabubuting kaibigan. Magagawa mo rin iyon kung magsusumikap ka. Sa halip na maghintay sa iba na kilalanin ka, sikapin mong kilalanin sila. Anyayahan ang ilang kabataan sa inyong tahanan, o maaaring hilingin mo sa iyong mga magulang kung maaari bang sumali ang iyong mga bagong kasama sa ilang gawain ng pamilya. Ito ay maaaring maging simula ng nagtatagal na pagkakaibigan.
Subalit, kung ang iba ay hindi tumugon sa iyong mga pagsisikap, kadalasan nang ito ay dahilan sa ilang di-pagkakaunawaan. Si apostol Pablo ay iniwasan ng mga Kristiyano sa Jerusalem dahil sa maling palagay nila na siya ay isa pa ring mang-uusig ng mga Kristiyano. Tanging nang maliwanagan na ang mga bagay saka tinanggap si Pablo ng kongregasyon doon. (Gawa 9:26-28) Kung ikaw ay naging biktima ng ilang di-pagkakaunawaan—marahil dahil sa nakapipinsalang tsismis—bakit hindi mo gawin ang magagawa mo upang ayusin ang mga bagay? a
Gayumpaman, hindi lahat ng problema ay may madaling lunas. Kung minsan kahit na ang mga kabataang Kristiyano ay nakokonsensiya sa pagtatatag ng hindi kanais-nais na mga grupo at sa di-makatuwiran hindi pagsali sa iba sa grupo. Ito’y maaaring maging napakasakit sa isa na hindi isinasali. Gayunman, nakatutulong na tandaan na tulad mo, ang iyong mga kasama ay bata at marami pa silang dapat gawin upang marating ang pagkamaygulang. Balang araw maaaring mawala na nila ang kanilang paggugrupu-grupo. Subalit hanggang sa panahong ang mga kabataang iyon ay magpakita ng higit na saloobing Kristiyano, malamang na mas makabubuting huwag ka nang mapasama sa kanilang grupo.—Tingnan ang 2 Timoteo 2:20, 21.
‘Pagpapalawak’
Samantala, huwag mong hayaang gawin kangColosas 3:13) Ganito ang gunita ng kabataang si Tiffany, na tinanggihan ng isang grupo: “Nanalangin ako kay Jehova na bigyan ako ng lakas upang matiis ko ito at sinikap kong maging makatuwiran. Sinikap ko ring huwag labis na masaktan ang aking damdamin.”
mapait ng kalagayan. Maaaring sikapin mong ipakipag-usap sa iyong mga magulang o sa isang tagapangasiwang Kristiyano ang tungkol dito. Tandaan din, na ang mga Kristiyano ay pinag-uutusang ‘magtiisan sa isa’t isa,’ kahit na kung may lehitimong dahilan upang magreklamo. (Hinihimok din ng Bibliya ang mga Kristiyano na “palawakin” ang kanilang pakikisama. (2 Corinto 6:13) Napansin ng mga mananaliksik na sina Jane Norman at Myron Harris ang tungkol sa mga miyembro ng grupo: “Tinatakdaan nila ang kanilang pagkakaibigan at ikinakaila nila sa kanilang sarili ang pagkakataon na matuto kung paano nag-iisip at kumikilos ang mga tao maliban sa kanilang mga sarili.” Marami pang iba—pati na ang mga may edad na—na maaari ninyong maging kaibigan.
Pagharap sa Iyong mga Kapintasan
Maaaring harapin mo rin ang masakit na posibilidad na binibigyan mo ng makatuwirang dahilan ang iba na iwasan ka. Halimbawa, nasumpungan ng kabataang si Dana na hindi siya tinatanggap ng mga kabataang Kristiyano na palaisip sa espirituwal na mga bagay. Sila ba’y mga suplado? Hindi, sabi niya: “Ang aking pananalita at pananamit ay makasanlibutan,” yaon ay, hindi angkop para sa isang Kristiyano. Kaya bagaman ang iba ay mabait at palakaibigan sa kaniya, iniiwasan nila siya sa sosyal na paraan.
Si Dana ay gumawa ng ilang pagbabago. Gunita niya: “Nakita ko na kailangan kong maging higit na palaisip sa espirituwal na bagay kung nais kong ako’y tanggapin.” Kailangan mo bang gumawa ng katulad na mga pagbabago? Ang paggawa ng gayon ay hindi lamang mangangahulugan ng pakikipagkaibigan sa mga kabataang maka-Diyos kundi makakamit mo rin ang pakikipagkaibigan ng Diyos mismo.—Ihambing ang Kawikaan 27:11.
Maaaring mayroon ka ring mga katangian na hindi nagugustuhan ng mga tao. Gunita ni Wally: “May hilig akong magdadadaldal at magsalita tungkol sa mga bagay na hindi kawili-wili sa mga tao. Nang matanto ko kung gaano kayamut-yamot ito, binago ko ang aking pagkatao. Sa palagay ko ito’y nakatulong sa akin na lalong akong tanggapin ng iba.” Sa pamamagitan ng pakikipag-usap ng mga bagay na ito sa iyong mga magulang o sa isang pinagkakatiwalaang adulto, baka matuklasan mo na mayroon ka ng kahawig na mga kapintasan. Marahil ang mga bagay ay maaaring mapagbuti sa pamamagitan ng pagiging higit na palakaibigan o sa pamamagitan ng hindi gaanong pagsasalita at pakikinig nang higit.
Ang ika’y hindi tanggapin, bagaman ito ay masakit, ay hindi naman nakamamatay. Makontento ka sa pag-alam na kung mayroon kang maka-Diyos na pagkatao at talagang nababahala ka sa mga tao, hindi ka mawawalan ng mga kaibigan.
[Talababa]
a Tingnan ang artikulong “Ano ang Dapat Kong Gawin Kung Itsinitsismis Ako ng mga Tao?” sa aming labas ng Hulyo 22, 1989.
[Larawan sa pahina 25]
Masakit na iwang mag-isa