Ano Kung Hindi Ako Itaguyod ng mga Magulang Ko sa Aking Pananampalataya?
Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .
Ano Kung Hindi Ako Itaguyod ng mga Magulang Ko sa Aking Pananampalataya?
MARAMING kabataang Kristiyano ang may mga magulang na hindi sumasampalataya. “Ako lamang ang nag-aaral ng Bibliya sa aking pamilya,” sabi ng isang 12-anyos na babae. “At nais akong pahintuin ng nanay ko sa pag-aaral nito.” Ang iba ay may mga magulang na hindi nangunguna sa espirituwal. Ang mga kalagayang ito ay maaaring maging isang tunay na pagsubok para sa taimtim na kabataan na nagnanais maglingkod sa Diyos.
Ang pagsisikap na maging isang tunay na Kristiyano nang walang tulong at pampatibay-loob ng mga magulang ay mahirap. Subalit maaari kang magtagumpay! Pinatutunayan iyan ng maraming halimbawa, kapuwa noon at ngayon.
Tapat na mga Kabataan Noong Panahon ng Bibliya
Isaalang-alang si Abel, ang anak ng unang mag-asawa, sina Adan at Eva. Dapat sana’y nabigyan nina Adan at Eva ang kanilang mga anak ng sakdal na espirituwal na pagtaguyod. Subalit sila’y naghimagsik at tinalikuran nila si Jehova, pinabayaan ang kanilang mga anak na pangalagaan ang kanilang sarili kung tungkol sa relihiyon. Sa halip na maawa sa kaniyang sarili o hayaang ang kakulangan ng kaniyang mga magulang sa espirituwal na humadlang sa kaniya mismong pagpapahalaga sa mga bagay na banal, maliwanag na si Abel ay natuto ng dapat niyang matutuhan tungkol sa Maylikha. Si Jehova ay nakipagtalastasan sa mga anak ni Adan, sina Cain at Abel, at si Abel ay nagkaroon ng kaugnayan sa Diyos at lumaki bilang isang lalaking may pananampalataya. “Sa pananampalataya si Abel ay naghandog sa Diyos ng isang hain na mas mahalaga kaysa kay Cain, na sa pamamagitan ng pananampalatayang iyon ay pinatotohanan siya na siya’y matuwid.”—Hebreo 11:4; Genesis 4:2-15.
Si Josias ay isa pang halimbawa ng kabataan na nanampalataya nang walang relihiyosong pagtaguyod ng kaniyang mga magulang. Ang kaniyang ama, si Haring Amon ng Juda, ay pataksil na pinatay nang si Josias ay walong taóng gulang pa lamang. Samantalang nabubuhay, si Haring Amon ay “gumawa ng masama sa paningin ni Jehova, gaya ng ginawa ni Manases na kaniyang ama; at naghain sa lahat ng larawang inanyuan na ginawa ni Manases na kaniyang ama, at patuloy na naglingkod sa mga yaon. . . . Si Amon ang siyang sumalansang nang higit at higit.” (2 Cronica 33:22, 23) Kaya nga, isip-isipin ang nakapanghihinang espirituwal na kapaligiran na kinalakhan ng anak ni Amon na si Josias.
Gayunman, si Josias “ay gumawa ng matuwid sa paningin ni Jehova at lumakad sa mga lakad ni David na kaniyang ninuno . . . Kaniyang pinasimulang hinanap ang Diyos ni David na kaniyang ninuno; at sa ikalabindalawang taon [sa gulang na 20] ay kaniyang pinasimulang nilinis ang Juda at Jerusalem na inalis ang mga mataas na dako at mga asera at ang mga larawang inanyuan at ang mga larawang binubo.”—2 Cronica 34:2-4.
Paano nagkaroon si Josias ng gayong lakas nang walang tulong ng isang ama? Siya’y nagpatulong sa2 Hari 23:24; 2 Cronica 34:14-19) Ang Kautusang iyon ay humihiling sa mga hari na gumawa ng isang personal na kopya nito at pag-aralan ito araw at gabi. (Deuteronomio 17:18; Josue 1:8) Tiyak na ang paggawa ng gayon ay nakatulong nang malaki sa espirituwal na paglaki ni Josias.
espirituwal na mga lalaki, gaya ng mataas na saserdoteng si Hilcias at sa kalihim nitong si Saphan. Ang positibo nilang espirituwal na impluwensiya sa batang si Josias ay tumulong sa kaniya na “isagawa ang mga salita ng kautusan.” (Paghanap ng Tulong Ngayon
Ikaw man ay maaaring lumaki sa espirituwal, kahit na ikaw ay hindi tumatanggap ng tulong na nais mong makuha buhat sa iyong mga magulang. Ang tulong ay kadalasang makukuha mula sa espirituwal na mga kapatid na lalaki at babae at mga ina at mga ama sa loob ng mga kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova. (Marcos 10:30) Maaaring may ilang palaisip-sa-espirituwal, mga kabataan sa kongregasyon, na maaari mong kaibiganin. O maaaring may ilang mas matatandang Saksi na magkakainteres sa iyo. Halimbawa, isang tinedyer na nagngangalang Jerry na ulila sa ama ang inanyayahan ng isang elder sa kongregasyon na samahan siya sa isang pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Pagkatapos ng pag-aaral, madalas na sila’y kakain sa isang fast-food na restauran at mag-uusap. “Siya’y naging parang isang ama sa akin,” gunita ni Jerry. Ngayon si Jerry ay may-asawa na at naglilingkod bilang isang ministeryal na lingkod. Gayon na lamang ang kaniyang pasasalamat sa tulong na ibinigay sa kaniya ng elder na iyon.
May mga nakatatanda bang nag-alok ng tulong sa iyo sa ilang paraan? Kung gayon bakit hindi tumugon nang positibo? At kung wala pang nag-alok ng gayong tulong, gumawa ka ng pangunguna na linangin ang magandang kaugnayan. Maaari mo pa ngang sikaping lapitan ang isa sa mga tagapangasiwa sa lokal na kongregasyon. Marahil kailangan mo ang isa na magdaraos ng isang pantahanang pag-aaral sa Bibliya na kasama mo o tutulong sa iyo sa paghahanda ng mga atas para sa Paaralang a O baka basta kailangan mo ang kaaya-ayang pakikisama ng pamilya. Nauunawaan naman, maaari kang nerbiyusin tungkol sa pagsasabi mo ng iyong mga pangangailangan sa ganitong paraan. Subalit tandaan, ang mga elder sa kongregasyon ay inatasan upang pangalagaan ang espirituwal na mga pangangailangan ng lahat sa kongregasyon—pati na ang sa mga kabataan. (1 Pedro 5:2) Sila ay maaaring maging isang malaking tulong.
Teokratiko sa Pagmiministro.Pagpapaunlad ng Pagtaguyod sa Tahanan
Nangangahulugan ba ito, kung gayon, na wala kang magagawa upang mapabuti ang kalagayan sa tahanan? Hindi naman. Kunin halimbawa, ang kabataang si Joe. Inilalarawan niya ang espirituwal na tulong na ibinibigay sa kaniya ng kaniyang di-sumasampalatayang mga magulang na “limitado.” Gayunman, inaamin ni Joe na maaaring siya ang aktuwal na dahilan ng kanilang kakulangan ng pagtaguyod. Paano? Bueno, waring nang unang makipag-aral si Joe ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova, kaunti lamang ang kaniyang ginawa upang ikapit ang kaniyang natututuhan sa kaniyang personal na buhay. Kaya patuloy niyang sinusuway ang kaniyang mga magulang. Natural, kaunti lamang ang nakita nilang dahilan upang sila man ay mag-aaral ng Bibliya, at lalo nang wala silang makitang dahilan na pasiglahin siya na mag-aral ng Bibliya.
Kumusta ka naman? Kung ang iyong mga magulang ay mga hindi sumasampalataya, ang iyo bang mga kilos ay nagbibigay sa kanila ng dahilan na maniwala na ikaw ay seryoso tungkol sa pagnanais mong maglingkod sa Diyos? Ang mga babaing Kristiyano ay sinabihang hikayatin ang kanilang di-sumasampalatayang mga asawa sa pamamagitan ng kanilang mabuting ugali. Ang iyo bang mga magulang ay maaari ring “mahikayat nang walang salita” kung ikaw ay mas masunurin at magalang sa kanila? (1 Pedro 3:1; Efeso 6:1-3) Kung gayon, hindi ba mas malamang na itaguyod ka nila?
Ano nga, kung ang iyong mga magulang ay mga Kristiyano subalit hindi nila ginagawa ang lahat ng kanilang magagawa upang tulungan at patibayin ka? Anuman ang kanilang dahilan, malaki ang magagawa mo upang paunlarin ang isang malusog na espirituwal na kapaligiran sa inyong sambahayan sa pagpapakita ng isang mabuting halimbawa. (1 Timoteo 4:12) Kapag oras na upang dumalo sa mga pulong Kristiyano, magbihis at maging handa. Magboluntaryo sa paggawa ng ilang ekstrang gawain sa pamilya upang ang iyong mga magulang ay makapaghanda rin. Anong malay mo? Marahil ang iyong kasiglahan sa mga pulong ay makaimpluwensiya sa kanila.
Ang iyo bang mga magulang ay nagdaraos sa iyo ng lingguhang pantahanang pag-aaral sa Bibliya? Kung hindi, bakit hindi hilingin sa mabait na paraan, hindi nangungulit o nagrereklamo, na gawin nila iyon. Kapag ang pag-aaral ay idinaraos, huwag gawing mahirap para sa kanila na papagkomentuhin ka; lubusang maging handa na makibahagi. Gawin mo ang iyong bahagi na gawin itong isang kasiya-siyang okasyon. Pasalamatan sila sa pagkakaroon ng pag-aaral. Maaaring ito ang magbigay sa iyong mga magulang ng kinakailangang pampatibay-loob upang regular na idaos ang pag-aaral.
Kumusta naman kung may kaunti lamang pagtugon sa iyong pagsisikap? Huwag sumuko. (Galacia 6:9) Hayagang ipahayag ang iyong pag-ibig sa Diyos at sa katotohanan ng Bibliya. Huwag mawalan ng sigasig o ng diwa ng pagkaapurahan sa pagtulong sa iba na matuto tungkol sa Diyos. Patuloy na ‘papagtibayin ang iyong sarili sa iyong lubhang banal na pananampalataya, at nananalangin taglay ang banal na espiritu.’ (Judas 20) Gayon nga ang ginagawa ng isang kabataang nagngangalang Laverne. “Naipasiya kong huwag hayaang hadlangan ako ng aking ama sa pagkaalam ng katotohanan,” aniya. “Kaya’t ako’y nag-aaral ng Ang Bantayan sa ganang sarili sa halip na manood ng TV. b Nagbabasa rin ako ng teksto sa Bibliya tuwing umaga. Nagagawa ko ring makibahagi sa gawaing pangangaral sa pamamagitan ng pagsama sa ibang Kristiyanong mga kapatid na lalaki at babae.”
Magpakita ng gayunding determinasyon. Huwag mong hayaang ang kakulangan ng pagtaguyod sa tahanan na magpahina ng iyong loob. Manatiling malakas sa iyong mga paniniwala. Kung maaari, maging malapit sa mga kaedad at nakatatanda sa kongregasyon na palaisip sa espirituwal. At mayroon man o walang pagtaguyod, maging determinadong panatilihin ang iyong pakikipagkaibigan sa Diyos. Maaasahan mo siya para sa kinakailangang tulong.—Ihambing ang Awit 119:116.
[Mga talababa]
a Para sa impormasyon tungkol sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro, tingnan ang artikulong “Paano Makatutulong sa Akin ang mga Pulong Kristiyano?” sa Hulyo 8, 1991, na Gumising!
b Ang Bantayan ay ang kasamang magasin ng Gumising! Makukuha ito sa pagsulat sa mga tagapaglathala ng magasing ito.
[Larawan sa pahina 19]
Ang maygulang na mga miyembro ng kongregasyon ay maaaring tumulong sa pagkakaroon ng interes sa iyo