Ang Paghahanap sa Layunin
Ang Paghahanap sa Layunin
MULA nang panahon ni Charles Darwin, nagkaroon ng napakalaking panggigipit mula sa mga biyologo na tanggapin ang teoriya na ang buhay, bilang resulta ng ebolusyon, ay walang layunin. Gayunman, marami ang likas na tumatanggi rito. Isang batang mag-asawa, pinagmamasdan ang kanilang magandang bagong silang na sanggol, ay mahihirapan na maniwala na ang bagong buhay na ito ay walang layunin. Sa kanila, ito ay isang himala, isang nagpapasigla-sa-buhay na himala.
Maging ang ilang mga siyentipiko ay hindi sumasang-ayon na ang buhay ay walang-kabuluhang nagkataon lamang. Bakit hindi? Dahil sa tinatawag ng The Encyclopedia Americana na “di-karaniwang antas ng kasalimuutan at ng kaayusan sa buháy na mga nilalang.” Ang Americana ay nagpatuloy sa pagsasabi: “Ang isang masusing pag-aaral sa mga bulaklak, insekto, o mamal ay nagpapakita nang halos di-kapani-paniwalang kawastuan ng kaayusan ng mga bahagi.”
Kung isasaalang-alang ang gayong kasalimuutan at magandang kaayusan—na nakikita maging sa pinakasimpleng nabubuhay na mga nilalang—ang taga-Timog Aprika na siyentipikong si Dr. Louw Alberts ay sinipi sa Cape Times na nagsasabing: “Ako’y nagkakaroon ng higit na intelektuwal na kasiyahan sa pagtanggap na may Diyos kaysa pagtanggap na iyon [buhay] ay nagkataon lamang.” Kung ang pag-uusapan ay ang kemikal na kayarian ng nabubuhay na organismo, ang Britanong astronomo na si Sir Bernard Lovell ay sumulat: “Ang probabilidad ng . . . isang pagkakataon na umaakay sa pagbuo ng isa sa pinakamaliit na molekula ng protina ay talagang napakaliit. . . . Iyon ay aktuwal na wala.”
Sa gayunding kaisipan, ang astronomong si Fred Hoyle ay sumulat: “Ang buong balangkas ng ortodoksong biyolohiya ay nangungunyapit pa rin na ang buhay ay lumitaw nang ala-suwerte. Subalit habang natutuklasan ng mga biyokemiko ang higit at higit pa tungkol sa kahanga-hangang kasalimuutan ng buhay, maliwanag na ang mga tsansa na ito ay nagkataon lamang ay napakaliit anupa’t iyan ay maaaring lubusang huwag tanggapin. Ang buhay ay hindi basta nagkataon lamang.”
Ano ang ibig sabihin nito? Kung ang buhay ay hindi basta nagkataon lamang, iyon ay dapat naAwit 139:14) Ngunit ano ang sinasabi nito sa atin tungkol sa kung ang buhay ba ay may layunin o wala?
idinisenyo. At kung gayon nga, iyon ay kailangang may Disenyador. At anong husay na Disenyador! Ang salmista ay may kawastuang nagsabi: “Sa kagila-gilalas na paraan ako’y nalikha nang kakila-kilabot.” (Kung sa bagay, ang mga tao rin ay nagdidisenyo at gumagawa ng mga bagay. Sila’y gumagawa ng mga eroplanong jet. Sila’y gumagawa ng mga nagpoproseso ng langis. Sila’y gumagawa ng mga planta ng kuryente. At sila’y gumagawa ng di-mabilang na iba pang mga bagay na higit o di-gaanong masalimuot. Subalit ang mga tao ay hindi nagdidisenyo at gumagawa ng gayong masalimuot na mga bagay nang walang dahilan. Lahat ay ginagawa taglay ang layunin sa isipan.
Yamang walang ginawa ang mga tao na halos kapantay ng kahanga-hangang kasalimuutan ng nabubuhay na mga bagay, tiyak na ang Disenyador ng buhay ay hindi lilikha ng buhay na walang layunin ukol doon. Totoong di-makatuwirang maniwala na tayo’y “kagila-gilalas na ginawa” at pagkatapos ay iwanan na walang patnubay at patutunguhan at walang layunin.
Ang Paghahanap sa Layunin
Na ang Maylika ang gumawa sa mga tao upang tuparin ang isang layunin ay matibay na inaalalayan din ng katotohanan na tayong mga tao ay likas na naghahanap ng layunin sa ating buhay. Si Gilbert Brim, isang sikologo, ang nagsabi tungkol sa likas na pangangailangan ng tao ukol sa layunin nang kaniyang sabihin: “Maraming tao ang nakasusumpong ng pagkakataon para sa personal na pag-unlad at hamon sa lugar ng trabaho. Ngunit ang mga hindi makasumpong ay maghahanap ng pantanging mga hamon at tagumpay sa ibang dako: sa pagpapapayat, pagdadalubhasa sa mahihirap na ‘shot’ sa golf, paggawa ng masarap na torta o sa paghahanap ng abentura—iyon man ay hang gliding o pag-eeksperimento ng bagong mga pagkain.” Ang saykayatris na si Viktor Frankl ay nagpahayag: “Ang pagsisikap ng tao na hanapin ang kahulugan ng buhay ay ang pangunahing nag-uudyok na puwersa sa tao.”
Ating suriin ang ilan sa mga tunguhin na itinatakda ng mga tao sa kanilang buhay.
Ano ang Nagbibigay ng Layunin sa Buhay?
Isang tin-edyer, nang tanungin hinggil sa kaniyang layunin sa buhay, ang nagsabi: “Ang aking pangarap ay basta magkaroon ng isang magandang condominium, isang magarang kotse, at isang guwapong lalaki na makakasama sa kotse. Kukunin ko kung ano ang gusto ko. Ako’y maka-akong tao. Nais ko ang anumang magpapaligaya sa akin, hindi kung ano ang magpapaligaya sa buong lipunan.” Kung iniisip mong iyan ay napakasakim, tama ka. Gayon nga. Bagaman nakalulungkot sabihin, iyon ay pangkaraniwang saloobin.
Subalit, ang paghahangad ba ng materyal na mga bagay at mga kalayawan ay nagbibigay-lugod sa pangangailangan na magkaroon ng kahulugan ang buhay ng isa? Hindi. Pagka kalayawan lamang ang ating tanging tunguhin, hindi kasiya-siya ang kalayawan. Ang mga indibiduwal na ginagawang pangunahing tunguhin iyon sa kanilang buhay ay karaniwan nang inuulit sa kanilang mga puso ang damdamin ng isang mayamang hari noong sinaunang panahon na ginamit ang kaniyang kapangyarihan at kayamanan upang tuklasin ang iba’t ibang aspekto ng kasiyahan na mayroon noon. Makinig sa kaniyang konklusyon:
“Nagtipon ako ng pilak at ginto para sa sarili ko, at ng tanging kayamanan ng mga hari at ng mga lalawigan. Gumawa ako ng mga lalaking mang-aawit at mga babaing mang-aawit para sa sarili ko at ng pambihirang kaluguran ng mga anak ng mga tao, ng isang babae, o maging ng mga babae. . . . At,Eclesiastes 2:8, 11.
narito! lahat ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.”—Marami ang nakasusumpong ng kasiyahan sa kanilang karera o sa paggamit ng kanilang mental at pisikal na lakas sa pag-abot ng sa wari’y kapaki-pakinabang na mga tunguhin. Subalit, pagkalipas ng ilang panahon hindi lubusang sinasapatan ng isang karera ang pangangailangan na magkaroon ng layunin sa buhay. Si Peter Lynch, inilalarawan bilang isang “investment superstar,” ay nagbitiw sa kaniyang malaking-kita na trabaho nang kaniyang mapagwari na totoong may nawawala sa kaniyang buhay. Ano? Ang kaniyang kaugnayan sa kaniyang pamilya. Siya’y nagtapat: “Naiibigan ko ang aking ginagawa, subalit ako’y naghinuha, at gayundin ang iba: Para sa ano . . . natin ginagawa ito? Wala akong nakikilala na humiling sa kaniyang banig ng kamatayan na sana’y gumugol pa siya ng higit na panahon sa opisina.”
Kaya, isang tin-edyer na babae ang nagpakita ng isang antas ng pagkakatimbang nang kaniyang isaalang-alang ang kaniyang mga tunguhin sa buhay at nagsabi: “Isa sa aking mga pangarap ay ang magkatrabaho. Ngunit sa palagay ko ang aking pangunahing pangarap ay ang magkaroon ng isang maligayang pamilya.” Oo, ang ating pamilya ay makapagbibigay ng kabuluhan at layunin sa buhay. Ang isang batang may-asawang babae ay nagsabi: “Maaga sa aking buhay nakita ko ang pagiging magulang ay isa sa mga bagay na aking gagawin, isa sa mga layunin ng buhay, at hindi ko kailanman pinag-alinlanganan iyon.”
Ang iba ay naghahanap ng layunin sa buhay sa ibang mga gawain. Ang ilan—marahil kasama na yaong mga siyentipiko na nagsasabing ang buhay ay isang walang-saysay na nagkataon lamang—ay nakasusumpong ng layunin sa paghahangad ng kaalaman. Ang ebolusyunistang si Michael Ruse ay sumulat: “Tayo ay may pagka-uhaw sa kaalaman, at ito ang nagtataas sa atin mula sa mga hayop. . . . Kabilang sa ating pinakadakilang mga pangangailangan at mga tungkulin ay yaong paglilipat, sa ating mga anak, ng natipong karunungan ng nakaraan, lakip ang ating kasigasigan at ating mga tagumpay. . . . Ang paghahanap ng kaalaman, at ng mga tagumpay, ay gumagawa sa isa ng mga dakilang tanda ng kalikasan ng tao.”
Ang ilan ay nakasumpong na ang pagtataguyod ng isang paniniwala ang siyang nagbibigay ng layunin sa kanilang buhay. Sila’y nagsisikap na pangalagaan ang bihirang uri ng mga hayop. O kanilang sinusugpo ang polusyon at ang pagkawasak ng kapaligiran. Ipinaglalaban ng mga taong nagmamalasakit ang karapatan ng mga bata o gumagawa sila alang-alang sa mga walang tirahan o sa mahihirap. O sila’y nagpapagal na iwasan ang paglaganap ng pagkasugapa sa droga. Ang mga taong iyon kung minsan ay nakagagawa ng malaking kabutihan, at ang ginagawa nila ay nagbibigay ng kabuluhan sa kanilang buhay na may layunin.
Mga Pagkasiphayo at Pagkabigo
Gayunman, kailangang kilalanin natin na ang mga tao ay karaniwang nabibigo sa pag-abot ng kanilang mga tunguhin kahit na kung ang kanilang mga tunguhin ay mahahalaga. Ang mga magulang na nagbuhos ng pag-ibig at pagsisikap sa pagpapalaki sa kanilang mga anak ay kung minsan nawawalan ng anak dahil sa mga aksidente, krimen, sakit, o pagka-abuso sa droga. O pagka lumaki na ang mga anak, maaari silang mahawa sa mapag-imbot na espiritu ng sanlibutang ito at hindi sinusuklian ng pag-ibig ang kanilang mga magulang.
Yaong mga walang pag-iimbot na gumagawa upang paunlarin ang kapaligiran ay kadalasang binibigo ng maka-komersiyong mga interes o ng bagay na ang iba ay talagang walang pakialam. Yaong mga gumagawa para sa ikabubuti ng mahihirap ay nadaraig ng napakaraming gawain. Ang indibiduwal na nakasusumpong ng kasiyahan sa kaniyang gawain ay nasisiphayo pagka sapilitang pinagretiro. Ang mananaliksik na nakasusumpong ng lubusang kaluguran sa paghahanap ng kaalaman ay nabibigo pagka ang kaniyang buhay ay nalalapit na sa kawakasan at mayroon pa ring napakaraming katanungang di-nasasagot. Ang isang tao na gumugol ng kaniyang buhay sa pagpapayaman ay nakasusumpong na, sa wakas, kailangang iwan niya iyon sa iba.
Ang sinaunang hari na sinipi kanina ay inilarawan ang ilan sa mga kabiguang ito nang kaniyang isulat: “Aking kinamuhian lahat ng aking paggawa at pagpapagal sa ilalim ng araw, yamang ang mga bunga nito ay aking iiwan sa aking kahalili. Anong uri ng tao ang susunod sa akin, na magmamana ng ginawa ng iba? Sinong nakaaalam kung siya’y magiging isang pantas o isang mangmang? Gayunma’y siya ang magpupunô sa lahat ng bunga ng aking pinagpaguran at gawa.”—Eclesiastes 2:18, 19, The New English Bible.
Kung gayon, ang buhay ba sa wakas ay walang layunin, gaya ng ipinahihiwatig ng talagang-totoong
mga salitang ito? Ang iba’t ibang tunguhin ba na hinahangad ng mga tao ay tulong lamang upang maabot nila ang 70, 80, o 90 taon ng buhay na ipinagkaloob sa marami? Bukod pa riyan, ang mga tunguhin bang ito ay pangunahin nang walang kabuluhan? Hindi. Sa katunayan, iyon ay nagpapahiwatig na totoong may mahalagang bagay hinggil sa pagkagawa sa atin, at iyon ay naglalaan ng katunayan na ang buhay, tunay nga, ay may kamangha-manghang layunin. Ngunit paano natin masusumpungan ang layuning ito?[Mga larawan sa pahina 7]
Ang ilan ay nakasumpong na ang paghahanap ng kaalaman ang nagbibigay ng kabuluhan at layunin sa kanilang mga buhay
Ang mga tao ay hindi gumagawa ng masalimuot na mga bagay na walang layunin sa isipan
[Credit Line]
Larawan ng NASA