Ang Gumising! ay Tumutulong sa mga Maninigarilyo na Ihinto ang Bisyo!
Ang Gumising! ay Tumutulong sa mga Maninigarilyo na Ihinto ang Bisyo!
LIMAMPUNG MILYON. Ganiyan karaming tao ang naninigarilyo sa Estados Unidos lamang. Sa bilang na iyan, dalawang-katlo ang nais ihinto ang bisyo. At hindi kataka-taka, sapagkat sa Estados Unidos, halos 400,000 katao ang namamatay taun-taon bunga ng paggamit ng mga produkto ng tabako. Sa Pransiya, 65,000 katao ang namamatay sa bawat taon bunga ng paninigarilyo. Sa Alemanya ang bilang ay 70,000.
Sa layuning maglitas ng buhay, ang Gumising! ay naglathala ng isang serye ng mga artikulo tungkol sa paninigarilyo sa labas nito noong Hulyo 8, 1989, sa ilalim ng paksang “Kamatayang Ipinagbibili.” Ang larawan sa pabalat—isang bungo na may sigarilyo sa bibig nito—ay kapuwa nakatatawag-pansin at nakababalisa. Gumawa ito ng madulang kontrapunto sa huling artikulo, “Sampung Paraan Upang Ihinto ang Paninigarilyo.” Ang tanong ay, Talaga kayang makatutulong ang labas ng magasin sa mga malakas manigarilyo?
Si Rolf, isa sa mga Saksi ni Jehova na nakatira sa Alemanya, ay nagpasiyang alamin ito. Mayroon siyang kasamahan na malakas manigarilyo sa loob ng maraming taon at ilang beses nang sinubok na huminto ngunit nang walang tagumpay. Kaya siya ay binigyan ni Rolf ng isang
kopya ng labas ng Gumising! na “Kamatayang Ipinagbibili.” Ang resulta?“Sa tulong ng payo na ibinigay sa Gumising!” ulat ni Rolf, “hindi na siya nagsigarilyo sa loob ng 18 buwan. Kailanma’t nakadarama siya ng pangangailangan na kumuha ng isang sigarilyo, inilalabas niya ang magasin sa kaniyang mesa, at ang pagkakita sa bungo na may sigarilyo sa bibig nito ay sapat na upang pigilin siyang manigarilyong muli.” Ang madulang pagbabagong ito ay napansin ng iba. Tinanong ng ikalawang kasamahan ang una kung paano niya nagawang ihinto ang paninigarilyo. Iniabot nito sa kaniya ang Gumising!, at sinabi, “Sa pamamagitan nito.” Ang resulta? Siya man ay huminto sa paninigarilyo at ngayon ay hindi na naninigarilyo sa loob ng mahigit na isang taon!