Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

‘Moral na Katiwalian sa Unibersidad’

‘Moral na Katiwalian sa Unibersidad’

‘Moral na Katiwalian sa Unibersidad’

“SA NAKALIPAS na 6 na buwan isang pangkat ng mga awditor ang nagsusuri sa mga kuwenta ng 14 na nangungunang mga pamantasan ng bansa [E.U.A.], tinitingnan ang mga gastusin na ‘di-sinasadyang’ siningil sa pondo ng gobyerno. ‘Natuklasan namin na isinama ng 14 na paaralan ang halos $20.4 milyong di-ipinahihintulot na gugol’ ” sabi ng mga awditor na sinipi sa isang report na inilathala sa magasing Britano na New Scientist ng Enero 25, 1992.

Ang mga awditor ng gobyerno ay naniktik noong nakaraang taon nang matuklasan nito na ginamit ng Stanford University ang mga $25 milyon ng pera ng mga namumuwisan. Kasama sa mga gastusing iyon ang araw-araw na sariwang bulaklak para sa bahay ng presidente ng pamantasan, isang handaan sa kasal, pagbaba ng halaga ng isang yate, mga butaw sa country-club, at pamamahala sa isang shopping center. Nakakaharap ang di-kaayaayang mga katotohanang ito, ang presidente ng Stanford noon, si Donald Kennedy, ay nagsabi na aalisin niya “ang mga gastos na hindi maintindihan ng publiko” at sa gayo’y “iwasan ang anumang kalituhan na maaaring maging bunga nito.” Ang Boston Herald, Enero 1, 1992, na nagkokomento tungkol sa kaniyang sagot, ay nagsabi: “Sa ibang salita, ang tanging problema ay na maaaring hindi maunawaan ng hindi edukadong publiko ang ginagawa ng marangal na mga tagapagturo.”

Pagkatapos ng mga pagbubunyag na ito tungkol sa Stanford na ang mga awditor ng gobyerno ay isinugo sa kanilang bagong paglalakbay sa 14 na pamantasan at natuklasan nila ang karagdagang $20.4 milyon na pinansiyal na pagsasamantala. Kasangkot dito ang prestihiyosong mga pamantasan na gaya ng University of Michigan, Johns Hopkins, Yale, at Emory. Kalakip sa mga gastos na isinumiti ng 14 na pamantasan ang mga bagay na gaya ng “gastos para sa pasahe sa eruplano ng mga asa-asawa ng mga presidente; pasahe sa eruplano patungo sa Grand Canyon upang dumalo sa isang miting ng mga namumuhunan; mga bayad upang dumalo sa mga laro ng football; perang ibinayad upang umupa ng isang magkukuwento sa isang Krismas parti; at pagiging miyembro sa mga samahang atletiko ng pamantasan at iba’t ibang samahang panlipunan kasali na ang isang samahan sa yate.”

Nang ipahayag ng pederal na mga imbestigador na pupunta rin sila sa M.I.T. (Massachusetts Institute of Technology) at sa Harvard, ipinahayag ng mga institusyong ito ang malalaking bawas. Ang M.I.T. ay nagbawas ng $731,000 mula sa hinihingi nito para sa mga gastusin sa pananaliksik; ang Harvard ay nagbawas ng $500,000 mula sa gastusin nito. Natuklasan ng Duke University ang “di-sinasadyang mga pagkakamali” sa sinisingil nito. Ang California Institute of Technology ay nagpasiya na hindi na nito sisingilin ang gobyerno sa pagiging miyembro nito ng country-club. Hindi na kukunin ng University of Pittsburgh ang pera ng mga namumuwisan upang ibayad sa mga tiket sa opera o para sa mga tiket sa eruplano para sa presidente nito at sa asawa niya patungo sa Grand Cayman Island.

“Ang moral na katiwalian,” sabi ng The Boston Herald, “ay higit pa sa pinansiyal na mga bagay. Nagkataon lamang na may nagtaob sa bato at ipinakita sa publiko kung ano ang gumagapang sa ilalim nito. . . . Ang kapuna-puna sa mga iskandalo sa paggasta sa Stanford at sa iba pang piling institusyon ay hindi ang halaga ng perang nasasangkot kundi ang moral na isyu na nasasangkot. Tanging ang karahasan ng publiko at ang mga pagbabago ng institusyon ang malamang na makahinto sa kalakarang ito.”