Mula sa Niyog Hanggang sa Coir
Mula sa Niyog Hanggang sa Coir
Ng kabalitaan ng Gumising! sa India
HALOS lahat ay alam ang niyog. Subalit ano ba ang coir? Ito ay isang bonus na nanggagaling sa bawat niyog.
Sa palibot ng masarap na maputing laman ng buko ay ang matigas na bao. Ang bumabalot sa bao ay ang makapal na himaymay ng bunót, na ipinapalagay ng ilan na basura lamang. Dito sa timugang India, kung saan ang niyog ay napakarami, ang mga bunót ay inihihiwalay mula sa mga niyog at ibinababad sa tubig hanggang sa walong buwan. Ang mga ito ay pinipitpit ng mga kamay upang palambutin at pagkatapos ay hinihimay ng makina na maging mahimulmol, ginintuang hibla na tinatawag na coir.
Ang coir ay maaaring itina sa iba’t ibang kulay. Pagkatapos ito’y pinipilipit ng kamay na maging pisi at inikid na maging sinulid na coir. Ang panghabi sa kamay at panghabing makina ay ginagawa na maging napakagagandang doormat, mga mourzouk (makakapal na rug na coir), alpombra, panapin sa sahig, at mga entrepanyo sa dingding.
Ang produktong coir ay mabili sa buong mundo at sa mabuting dahilan. Ang matibay na coir ay hindi apektado ng halumigmig; may panlaban sa mga tangà, pagkabulok, at fungus; walang estatik; at hindi madaling masunog sa apoy. Ito ay napatunayan din na mahusay na pang-insula laban sa init at ingay. Isip-isipin—lahat ng iyan ay galing sa bunót lamang na karaniwan nang itinatapon na waring walang kabuluhan!
[Larawan sa pahina 16]
Ang mga bunót ay ibinababad sa tubig hanggang sa walong buwan
[Mga larawan sa pahina 16]
Ang mga doormat ay yari sa kinulayang coir