Ang mga Saksi ni Jehova ay ‘Dinadala sa Lokal na mga Hukuman’
Ang mga Saksi ni Jehova ay ‘Dinadala sa Lokal na mga Hukuman’
ANG Kristiyanismo ay sinalansang mula sa simula nito. Sa pagbibigay ng mga tagubilin sa kaniyang mga alagad, si Jesus ay nagbabala: “Magpakaingat kayo sa mga tao; sapagkat kayo’y ibibigay nila sa mga lokal na hukuman, at kayo’y hahampasin nila sa kanilang mga sinagoga. Oo, kayo’y dadalhin sa harap ng mga gobernador at mga hari dahil sa akin, sa pagpapatotoo sa kanila at sa mga bansa.” (Mateo 10:17, 18) Sa karamihan ng mga bansa ngayon, ang pagsalansang sa Kaharian ay mas tuso ang paraan kaysa nakamamatay na daluyong ng pag-uusig na sumiklab pagkatapos ng pagpatay kay Jesus. Sa masalimuot na daigdig na ating kinabubuhayan, ang mga usaping ibinangon ng mga kalaban ay higit pa sa pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian.
Mga Bagay na May Kaugnayan sa Pangangalaga-sa-Anak
Ang isang hukuman kung saan ang ilang Saksi ni Jehova ay dinadala nang madalas ay sa hukumang pampamilya. Sa Austria, Belgium, Canada, Pransiya, Norway, Estados Unidos, at iba pang bansa, sinikap ng isang maliit na grupo ng mga sumasalansang na gawing pangunahing isyu ang relihiyon sa pagtiyak sa mga usaping may kaugnayan sa pangangalaga-sa-anak kapag ang tapat na mga Saksi ni Jehova ay diniborsiyo ng di-sumasampalatayang asawa. Dahilan lamang sa sila’y mga Saksi ni Jehova, hindi ipinagkakaloob sa mga magulang na Saksi ang pangangalaga sa kanilang mga anak.
Hindi ipinagkaloob sa isang Saksi ang pangangalaga sa kaniyang tatlong-taóng-gulang na anak na lalaki at ipinagbawal kahit ang pagbanggit ng relihiyon sa mga panahon ng pagdalaw sa kaniyang anak. Inapela ng Legal Department ng Samahang Watchtower ang utos na ito at natalo sa hukuman ng paghahabol. Ang apelasyon ay saka dinala sa Ohio State Supreme Court. Nakatutuwa naman, noong Abril 15, 1992, ang hukuman ay nagpasiya pabor sa kalayaan ng Saksi. Ang 11-pahinang pormal na pahayag ay isang sampal sa taong nagbigay ng patotoo sa apelasyon, na sa katunayan ay isang taong tiwalag na nag-aangking isang sikologo. Ang hukuman ay nagsabi na siya “ay tumestigo, batay sa maanyong pahayag na isinulat niya, na ang sakit sa isipan ay mas karaniwan sa mga Saksi ni Jehova kaysa mga mamamayan sa pangkalahatan. Ang patotoong ito ay maliwanag na isang pagsisikap na panlahatang ilarawan ang buong relihiyon. . . . [I]tong isang pirasong estadistikal na katibayan ay walang-saysay.”
Iniutos ng hukuman ang isang bagong paglilitis, na ang sabi: “[A]ng pangangalaga ay hindi maaaring ipagkait sa isang magulang dahilan lamang sa hindi niya pasisiglahin ang kaniyang anak na sumaludo sa bandila, magdiwang ng mga kapistahan, o makibahagi sa ekstrakurikular na mga gawain. Binabaligtad namin ang pasiya ng hukuman sa paglilitis tungkol sa mga utos na may kaugnayan sa pangangalaga at pagdalaw sapagkat ang mga pasiyang ito ay hindi tamang nasasalig sa relihiyosong paniniwala [ng magulang].” Bunga nito, ang inang ito ay nasiyahan sa pagdalo sa Memoryal ng kamatayan ni Kristo noong Abril 17 kasama ng kaniyang anak sa tabi niya sa Kingdom Hall.
Ang Legal Department ng tanggapang sangay ng Samahang Watch Tower sa Canada ay may dalawang kaso ngayon na nakabitin pa sa Korte Suprema ng Canada tungkol sa usapin ding ito. Ang sangay sa Austria ay nasangkot sa isang kahanga-hangang tagumpay sa isang kaso sa European Commission of Human Rights. Karagdagan pa,
ang Belgium, Pransiya, at Norway ay nag-ulat kamakailan ng mga tagumpay sa hukuman ng paglilitis sa naligalig na mga Saksi sa iba pang mga kaso ng pangangalaga-sa-anak kung saan ang relihiyon ang tudlaan ng pagsalakay. Sa bawat pagkakataon, gaya ng sinabi ni Jesus, ito’y naging isang patotoo hindi lamang sa hukuman at sa mga abugado kundi sa mga bansa sa pamamagitan ng publisidad na ginagawa ng mga news media.Usapin Tungkol sa Dugo
Isa pang bagay kung bakit ang mga Saksi ay humaharap sa mga hukuman ay may kaugnayan sa usapin tungkol sa dugo. Sa kabila ng mga tagumpay kamakailan sa relihiyosong kalayaan at personal na kalayaan ng mga Saksi ni Jehova sa mga Korte Suprema ng Florida, Illinois, Massachusetts, at New York at sa kabila ng walang lubay na pagsisikap ng Hospital Information Services at ng maraming hospital liaison committee ng mga Saksi ni Jehova sa buong bansa, ang di-kanais-nais na usaping ito ay laging muling lumilitaw. Gayunman, ang mga tagapaglaan ng pangangalagang-pangkalusugan ay tumatanggap ng patotoo, at sinisikap ng ilang ospital na madali at maliwanag na kilalanin ang mga pasyenteng Saksi ni Jehova.
Iginalang ng hukuman sa paglilitis na nagdaraos ng pormal na sesyon sa San Diego ang paninindigan tungkol sa dugo ng isang Saksing Hapones sa California. Siya’y nagkaroon ng aneurismo sa utak at walang malay-tao. Ang kaniyang Medical Directive na may wastong lagda at ang patotoo ng isang pediatrician na nagtanong sa kaniya nang husto tungkol sa isyu may kaugnayan sa dugo nang makausap niya ang pediatrician sa gawaing bahay-bahay ay sapat na upang kumbinsihin ang hukom na ang walang-malay na Saksi ay hindi tatanggap ng dugo sa ilalim ng anumang kalagayan.
Isang kaso sa Long Island kung saan isang Saksi ay iginapos at sinalinan samantalang ang kaniyang asawang lalaki’y inaresto at dinala sa Mataas na Hukuman ng New York ng Legal Department ng Samahang Watchtower. Isang hatol na pabor sa personal na karapatan ng mga Saksi ni Jehova ang nakuha, at ang kaso ay nagdaraan ngayon sa proseso bago ang paglilitis sa isang asuntong sibil. Isang asunto alang-alang sa isang 16-anyos at sa kaniyang ina sa hukumang pederal sa Atlanta ay malapit nang litisin. Ang binatilyo ay tinalian at sinalinan ng dugo sa loob ng walong oras. Ang pagdinig upang kumuha ng isang court order na nagbibigay karapatan sa pagkilos na ito ay ginanap sa ospital at nakuha nang hindi ipinagbibigay-alam sa binatilyo o sa kaniyang ina. Maraming iba pang kaso ang nakabitin sa mga hukuman ng paghahabol at bagong mga kaso ang bumabangon araw-araw. Ang mga pakikipagbaka ay napananalunan, subalit ang pagpupunyagi para sa mga karapatang pantao ay nagpapatuloy. Ang mga Saksi ni Jehova ay umaasa na ipagbabangong-puri ng Diyos na Jehova ang kaniyang batas tungkol sa usaping ito, sa kaniyang takdang panahon.
Mula noong 1943 iilang Saksi ni Jehova sa Estados Unidos ang dinadala sa lokal na mga hukuman dahil sa usapin na may kaugnayan sa pangangaral. Gayunman, linggu-linggo ang Samahang Watchtower ay tumatanggap ng dose-dosenang tawag sa telepono at mga sulat mula sa mga lupon ng matatanda na humihingi ng tulong kung may naeengkuwentrong mga problema ang mga Saksi ni Jehova sa kanilang pangmadlang ministeryo. Isang ulat mula sa estado ng Washington ay may nakatatawang pangyayari. Ikinandado ng isang galit na maybahay ang isang grupo ng mga Saksi na nakasakay sa kotse sa kaniyang nababakurang bahay at tumawag ng pulis. Ang kaniyang galit na mga sigaw at mga pagbabanta ng karahasan ay nagpangyari sa mga Saksi na mahinahong maghintay sa loob ng kanilang kotse. Nang dumating ang kotse ng pulis na may radyo, sa halip na arestuhin ang mga Saksi sa salang pagpasok nang walang pahintulot, sila’y pinasalamatan ng mga pulis. Kasi, pinaghinalaan ng mga pulis na ang maybahay ay isang takas, subalit hindi sila makapasok sa kaniyang bahay. Ngayong inanyayahan niya sila sa kaniyang bahay, pinatunayan nila ang kaniyang pagkakakilanlan at dinala siya at ang babaing kinakasama niya sa bilangguan, samantalang ang mga Saksi ay nagpatuloy sa kanilang gawaing pangangaral at pagtuturo.
Ipinakikita ng mga kalagayan na magkakaroonDeuteronomio 7:22) Ang pagpapasulong ng mga karapatan ng makabagong bayan ni Jehova ay nahahawig din; unti-unti silang nakagagawa ng pagsulong. Manalo man o matalo, tiyak na kailanma’t ang bayan ni Jehova ay dalhin sa harap ng mga gobernador, hari, hukuman, o ninuman, ito’y nagiging isang patotoo sa kanila at sa mga bansa.
ng higit pang legal na mga pakikipagbaka alang-alang sa mga kapakanan ng Kaharian. Pinahahalagahan ng Samahang Watchtower ang interes, pagkabahala, at mga panalangin ng maraming Saksi sa buong daigdig para sa pag-akay at patnubay ni Jehova sa pakikitungo sa masalimuot na mga usaping legal na nakakaharap sa pagsasagawa ng gawain ng Diyos ngayon. Sinabi ni Jehova sa bansang Israel na hindi nila malulupig ang Lupang Pangako nang minsanan kundi ito ay magagawa nang “unti-unti.” (Sa malapit na hinaharap lubusang ipagbabangong-puri ni Jehova ang kaniyang sarili hindi lamang sa mga usaping may kaugnayan sa dugo at pangangalaga kundi gayundin sa usaping legal may kaugnayan sa kaniyang pagkasoberano. Sa panahong iyon ay mararanasan ng kaniyang bayan ang kapayapaan mula sa lahat ng mananalansang at magtatamasa ng katangi-tanging kasiyahan sa ilalim ng pamamahala ng Kaharian—sapagkat si Jehova ay maibigin sa katarungan.—Awit 37:28.
[Blurb sa pahina 12]
Ang binatilyo ay tinalian at sinalinan ng dugo sa loob ng walong oras