Ang Katotohanan Tungkol sa Paggahasà
Ang Katotohanan Tungkol sa Paggahasà
SA PANAHONG mabasa mo ang dulo ng pahinang ito, isang babae ang magagahasa sa isang dako sa Estados Unidos. Siya ay mag-iisa at masisindak ng isang gawa ng karahasan at kaimbihan ng isa na marahil ay kilala niya. Siya ay maaaring binugbog. Siya ay maaaring nanlaban. Tiyak na matatakot siya na siya ay papatayin.
Ang paggahasà ang pinakamabilis na lumalagong marahas na krimen sa Estados Unidos, na mayroon nang isa sa pinakamataas na bilang ng mga paggahasà sa daigdig. Ayon sa mga ulat ng pulisya, 16 na paggahasà ang tinatangka, at 10 babae sa katamtaman ang ginagahasa sa bawat oras. Idagdag pa riyan ang bagay na ang mga paggahasà na hindi iniuulat ay maaaring sampung ulit na mas mataas!
Ang Estados Unidos ay hindi siyang tanging bansa na may ganitong nakatatakot na estadistika. Sa Pransiya ang bilang ng mga biktima na nag-ulat na ginahasa ay tumaas ng 62 porsiyento sa pagitan ng 1985 at 1990. Noong 1990, nakita ng Canada ang mga ulat tungkol sa seksuwal na pagsalakay na dumoble tungo sa 27,000 sa loob lamang ng anim na taon. Ang Alemanya ay nag-ulat ng isang seksuwal na pagsalakay sa mga babae sa bawat pitong minuto.
Sinasaktan din ng paggahas̀a ang walang malay na mga lalaki. a Ang mga lalaki “ay pinahihirapan ng pamumuhay sa isang lipunan kung saan ang kalahati ng populasyon ay may katuwirang maghinanakit, maghinala, at matakot,” sabi ng sikologong si Elizabeth Powell. Maaari rin silang maging biktima sa pamamagitan ng laging pag-aalala tungkol sa kani-kanilang asawa, ina, kapatid na babae, anak na babae, at mga kaibigan, o kailangang pakitunguhan nila ang mga damdamin ng pagkakasala at kirot kapag ang isa na kanilang minamahal ay naging isang biktima ng paggahasà.
Bakit ang Pagdami?
Ang paggahasà ay lumalaganap sa mga lipunan na nagpapahintulot ng karahasan at seksuwal na pagmamaneobra. Sa maraming bansa, ang mga lalaki at mga babae ay pinauulanan mula sa pagkabata ng mapangwasak na mga mensahe at maling impormasyon tungkol sa sekso, sa pamamagitan ng media, ng pamilya, at ng kanilang mga kasamahan. Natututuhan nila ang nakalalasong mga opinyon na ang sekso at karahasan ay nauugnay at na ang mga babae ay umiiral upang maglaan ng seksuwal na kasiyahan sa mga lalaki, anuman ang kagustuhan ng mga babae.
Pansinin ang saloobin ni Jay, isang 23-anyos na kawani. “Sinasabi ng lipunan na kailangang madalas kang makipagtalik sa maraming babae upang maging isang tunay na lalaki,” sabi niya. “Buweno, ano ang mangyayari kung hindi mo gagawin ito? Kung gayon ikaw ba ay isang tunay na lalaki?” Dahil sa panggigipit na iyan, kung siya ay ginalit o binigo ng isang babae, maaaring dahasin niya ang babae.
Ang gayong marahas at agresibong saloobin sa mga babae ay karaniwan sa mga kulturang mahilig-sa-paggahasà, paniwala ng mananaliksik na si Linda Ledray. “Karaniwan nang ikinikilos ng manggagahasa kung ano ang nasa iskrip ng lipunan,” aniya. Ang mga pelikula at telebisyon ay may bahagi sa mapangwasak na iskrip ng lipunan na iyon. Ang paggahasà ay isang karaniwang paksa sa pornograpya, subalit ang pornograpya ay hindi siyang tanging salarin. Ipinakita ng mga pag-aaral na ang mararahas na pelikula na walang nilalamang sekso ay nagbubunga ng higit na agresibong mga saloobin sa mga babae kaysa mga pelikula na nagtatampok ng maliwanag na sekso subalit walang karahasan. Ang telebisyon ay kasangkot din kapag “inilalarawan nito ang ilan sa pinakamaimpluwensiyang sekso na masusumpungan saanman,” sabi ni Powell. Ang mensahe buhat sa media? “Kapag nagagalit, saktan mo ang isa.”
Ang mensaheng iyan ay makikita sa araw-araw na mga kaugnayan, taglay ang kalunus-lunos na mga resulta. Sa isang daigdig na lubhang maluwag sa disiplina, kadalasang inaakala ng mga lalaki na may pagkakautang ang mga babae sa kanila sa sekso,
lalo na kung ang lalaki ang gumagasta sa babae o kung sa simula ay waring tinatanggap ng babae ang mga pasaring ng lalaki.“Pagdating sa seksuwal na mga kaugnayan, ang pagtanggi ay kadalasang nawawalan ng kabuluhan kapag ang mga salita ay galing sa isang babae,” sabi ng peryudistang si Robin Warshaw. At kadalasan na, ang resulta ay paggahasà.
“Ang Ikalawang Paggahasà”
Si Kathi ay 15 anyos nang siya ay dahasin ng tatlong miyembro ng koponan sa hockey ng kaniyang mataas na paaralan. Nang ang kaniyang pamilya ay magdemanda, siya ay nilayuan at niligalig ng mga kaibigan, mga kapitbahay, at mga estranghero. “Ang mga lalaki ay kikilos na gaya ng mga lalaki,” ang pamilya ay sinabihan. Sa paaralan si Kathi ay binansagan ng masasamang pangalan, at mga mensaheng nagbababala ay iniwan sa kaniyang locker. Ang mga humalay sa kaniya ay pinarusahan ng probasyon at paglilingkod sa pamayanan at naging atletikong mga bayani sa paaralan. Si Kathi ay pinarusahan ng panliligalig sa loob ng mga buwan. Sa wakas siya ay nagpatiwakal.
Ang kaso ni Kathi ay isang kalunus-lunos na halimbawa kung paanong ang mga biktima ng paggahasà ay kadalasang sinasalakay una sa pisikal na paraan ng manggagahasa, at pagkatapos ay sa emosyonal na paraan ng iba. Nasusumpungan ng maraming kababaihan na ang biktima pa ang nasisisi sa krimen ng mga saloobin at mga maling opinyon tungkol sa paggahasà. Ang mga kaibigan, pamilya, pulis, doktor, hukom, at mga hurado—yaong mga taong dapat tumulong sa biktima—ay maaaring may gayong maling opinyon at sinasaktan ang biktima na halos kasintindi ng ginawa ng humalay. Ang problema ng pagsisi ay napakatindi anupat ito ay tinawag ng ilan na “ang ikalawang paggahasà.”
Ang mga katha-katha tungkol sa paggahasà ay lumilikha ng isang huwad na diwa ng seguridad. Sa ibang salita, kung makasusumpong ka ng ilang pagkakamali sa pag-uugali ng biktima—siya’y nagdamit nang hapit na hapit o siya’y lumabas na mag-isa sa gabi o na talagang nais niyang makipagtalik—ikaw o ang iyong mga mahal sa buhay ay magiging ligtas kung ang paggawing iyon ay iiwasan; kung gayon ikaw ay hindi kailanman mahahalay. Ang mapagpipilian, na ang paggahasà ay isang walang saysay na gawa ng karahasan na maaaring mangyari kanino man, paano man siya manamit, ay lubhang nakatatakot tanggapin.
Isang babae, na ginahasa ng isa na inaakala niyang “mabait, kagalang-galang,” ay nagsusumamo: “Ang pinakamasamang bagay na magagawa mo ay maniwala na hindi ito mangyayari sa iyo.”
Mga Katha-katha at Katotohanan Tungkol sa Paggahasà
Ang sumusunod ay ilan sa malaon nang maling paniwala tungkol sa paggahasà na sumisisi sa biktima at nagpapanatili sa mga saloobin na humihimok sa mga nagsasagawa ng masama:
Katha-katha: Ang paggahasà ay nangyayari lamang kung ang babae ay sinalakay ng isang estranghero.
Katotohanan: Ang karamihan ng mga babae na ginahasa ay sinalakay ng isa na kilala nila at pinagkakatiwalaan. Nasumpungan ng isang pag-aaral na kilala ng 84 na porsiyento ng mga biktima ang mga sumalakay sa kanila at na 57 porsiyento ng mga paggahasà ay nangyari sa mga date. Isa sa 7 babaing may-asawa ay dadahasin ng kaniyang sariling b Ang paggahasà ay marahas at traumatiko ang sumalakay man ay isang estranghero, asawa, o isang ka-date.
asawa.Katha-katha: Ito ay matatawag lamang na paggahasa kung pagkatapos ay ipakikita ng babae ang katibayan ng paglaban, gaya ng mga pasâ.
Katotohanan: Sila man ay pisikal na nanlaban o hindi, iilang babae ang nagpapakita ng nakikitang katibayan, gaya ng mga pasâ o sugat.
Katha-katha: Ang isang biktima ng paggahasà ay masisisi rin malibang siya ay aktibong manlaban.
Katotohanan: Ang paggahasà ayon sa kahulugan nito ay nagaganap kapag pinilit o ang banta ng pamimilit ay ginamit upang makipagtalik, anumang uri ng pagtatalik, laban sa kagustuhan ng isang tao. Ang paggamit ng manggagahasa ng dahas laban sa kagustuhan ng biktima ay gumagawa sa kaniyang isang manggagahasà. Samakatuwid, ang isang biktima ng paggahasà ay hindi nagkakasala ng pakikiapid. Tulad ng isang biktima ng insesto, siya ay maaaring puwersahin na pumayag sa isang gawa na ayaw niya dahil sa nakikitang kapangyarihan sa kaniya ng isang tao. Kapag ang isang babae ay pinuwersang sumunod sa isang manggagahasa dala ng sindak o matinding takot, hindi ito nangangahulugan na siya ay pumapayag sa gawa. Ang pagsang-ayon ay salig sa pagpili na walang banta at aktibo, hindi walang ginagawa.
Katha-katha: Ang paggahasa ay isang gawa ng pagsinta.
Katotohanan: Ang paggahasa ay isang gawa ng karahasan. Ang mga lalaki ay nanggagahasa, hindi lamang dahil sa sekso, kundi upang madama ang kapangyarihan sa ibang tao. c
Katha-katha: Maaaring tuksuhin o akitin ng isang babae ang lalaki hanggang sa punto na hindi na masupil ng lalaki ang kaniyang mga simbuyo sa sekso.
Katotohanan: Ang mga lalaking nanghahalay ay walang mas malakas na simbuyo sa sekso kaysa ibang mga lalaki. Bagkus, sangkatlo ng lahat ng mga manggagahasa ay hindi natapos ang pagtatalik. Sa karamihan ng mga kaso ang mga paggahasà ay mga gawang binalak, hindi kusang mga simbuyo. Kapuwa ang estranghero at kakilalang mga manggagahasa ay karaniwang nililinlang ang kanilang mga biktima—ginagawa ito ng estranghero sa pamamagitan ng lihim na pagsubaybay sa biktima hanggang siya ay nag-iisa, ginagawa naman ito ng kakilala sa pamamagitan ng pag-aayos ng isang kalagayan kung saan ang babae ay nag-iisa.
Katha-katha: Ang mga babae ay nagsisinungaling tungkol sa paggahasà upang makaganti sa isang lalaki o dahil sa nakokonsensiya sila tungkol sa pakikipagtalik.
Katotohanan: Ang huwad na mga ulat tungkol sa paggahasà ay kasindalas na nangyayari na gaya ng anumang ibang marahas na krimen: 2 porsiyento. Sa kabilang dako, ang mga mananaliksik ay sumasang-ayon na ang paggahasà ay lubhang hindi iniuulat.
Katha-katha: Ang isang babae ay maaaring “nag-aanyaya” na halayin sa pagsusuot ng pumupukaw-damdamin na pananamit, pag-inom ng alak, pagpapahintulot sa isang lalaki na siyang magbayad sa mga gastos sa isang date, o sa pagpunta sa bahay ng lalaki.
Katotohanan: Ang paggamit ng hindi mabuting pagpapasiya, ang pagiging musmos o walang muwang, ay hindi nangangahulugan na ang isang babae ay dapat na dahasin. Ang manggagahasà ang nagdadala ng tanging pananagutan sa paggahasà.
[Mga talababa]
a Halos 1 sa 10 biktima ng paggahasà ay lalaki.
b Ang paggahasà sa asawa ay nangyayari kapag dinahas ng lalaki ang kaniyang asawa at pinupuwersang makipagtalik sa kaniya ang babae. Ang ilang asawang lalaki ay maaaring naniniwala na ang “awtoridad” na binabanggit ni Pablo na taglay ng lalaki sa katawan ng kaniyang asawa ay walang takda. Gayunman, binanggit din ni Pablo na “dapat ibigin ng mga lalaki ang kani-kanilang asawa na gaya ng kanilang sariling katawan.” Sinasabi ni apostol Pedro na dapat “pakundanganan [ng mga asawang lalaki ang mga babae] na gaya ng marupok na sisidlan, ang babae.” Walang dako riyan ang karahasan o sapilitang pagtatalik.—1 Corinto 7:3-5; Efeso 5:25, 28, 29; 1 Pedro 3:7; Colosas 3:5, 6; 1 Tesalonica 4:3-7.
c “Ang layon ng krimen ay hindi tungkol sa gawa ng ‘sekso’ kundi bagkus ang seksuwal na gawa ang kasangkapan na ginagamit ng gumagawa ng masama upang gumawa ng isang marahas na krimen.”—Wanda Keyes-Robinson, hepe ng sangay, Sexual Offense Unit, Baltimore City, Maryland.
[Blurb sa pahina 3]
Sa Estados Unidos, 1 sa bawat 4 na babae ay maaaring biktima ng paggahasà o tinangkang paggahasà
[Blurb sa pahina 4]
Ang paggahasà ay lumalaganap sa mga lipunan na nagpapahintulot ng karahasan at seksuwal na pagmamaneobra