Bakit Napakaraming Maling Alarma?
Bakit Napakaraming Maling Alarma?
Ang Katapusan ng Sanlibutan—Gaano Kalapit?
ANG kuwento ay nagsasaysay tungkol sa isang batang lalaki na nagbabantay ng tupa ng mga taganayon. Upang magkaroon ng kaunting katuwaan, isang araw siya ay sumigaw, “Lobo! Lobo!” gayong wala namang lobo. Ang mga taganayon ay sumugod na may dalang mga pambambo upang itaboy ang lobo, upang malaman lamang na wala namang lobo. Iyon ay lubhang nakatutuwa anupat nang maglaon ay inulit ng batang lalaki ang kaniyang sigaw. Minsan pang sumugod ang mga taganayon na dala ang kanilang mga pambambo, upang matuklasan na ito ay isa na namang maling alarma. Pagkatapos niyan ay dumating nga ang lobo, at ang batang lalaki ay sumigaw, “Lobo! Lobo!” subalit hindi pinansin ng mga taganayon ang kaniyang sigaw na inaakalang ito’y isa na namang maling alarma. Madalas silang malinlang.
Gayundin ang nangyari sa mga naghahayag ng katapusan ng sanlibutan. Sa nilakad-lakad ng mga dantaon mula noong panahon ni Jesus, napakaraming hula ay hindi natupad anupat hindi na ito iniintindi ng marami.
Si Gregorio I, ang papa mula noong 590 hanggang 604 C.E., sa isang liham sa isang hari sa Europa, ay nagsabi: “Nais rin naming malaman ng Inyong Kamahalan, gaya ng nalaman namin buhat sa mga salita ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat sa Banal na Kasulatan, na ang katapusan ng kasalukuyang sanlibutan ay malapit na at na ang walang-katapusang Kaharian ng mga Santo ay malapit na.”
Noong ika-16 na siglo, inihula ni Martin Luther, ninuno ng Iglesya Lutherano, na ang wakas ay malapit na. Ayon sa isang awtoridad, sabi niya: “Sa bahagi ko, natitiyak ko na ang araw ng paghuhukom ay napakalapit na.”
Tungkol sa isa sa unang mga pangkat ng Baptist, iniulat na: “Ang mga Anabaptist noong maagang Ikalabing-anim na Siglo ay naniwala na ang Milenyo ay mangyayari noong 1533.”
“Si Edwin Sandys (1519-1588), Arsobispo ng York at Primado ng Inglatera . . . ay nagsasabi, . . . ‘Tayo’y pakatiyak na ang pagdating ng Panginoon ay malapit na.’”
Si William Miller, karaniwang ipinalalagay na siyang nagtatag ng Iglesya Adventista, ay sinipi na nagsasabi: “Ako’y kumbinsidong lubos na sa pagitan ng Marso 21, 1843, at Marso 21, 1844, ayon sa pagtutuos ng panahon ng mga Judio, si Kristo ay darating.”
Ang kabiguan ba ng mga hulang iyon na magkatotoo ay humahatol sa mga gumawa nito na mga bulaang propeta, sa pagpapakahulugan ng Deuteronomio 18:20-22? Ang tekstong iyon ay kababasahan: “Ang propeta na magsasalita ng salitang may pagpapalalo sa aking pangalan na hindi ko iniutos sa kaniyang salitain o magsasalita sa pangalan ng ibang mga diyos, ay papatayin nga ang propetang yaon. At kung iyong sasabihin sa iyong puso: ‘Paanong malalaman namin ang salita na hindi sinalita ni Jehova?’ pagka ang isang propeta ay nagsasalita sa pangalan ni Jehova at kung ang bagay na sinasabi ay hindi mangyari ni magkatotoo, ay hindi sinalita ni Jehova ang bagay na yaon.”
May mga ilan na gumagawa ng kahindik-hindik na mga hula tungkol sa katapusan ng sanlibutan upang makatawag ng pansin at makahila ng mga tagasunod, subalit ang iba ay taimtim na kumbinsido na ang kanilang mga pahayag ay totoo. Sinasabi nila ang inaasahang mangyayari batay sa kanilang sariling interpretasyon ng ilang teksto sa kasulatan o ng pisikal na mga pangyayari. Hindi nila inaangkin na ang kanilang mga hula ay tuwirang paghahayag mula kay Jehova anupat sa diwang ito ay nanghuhula sa pangalan ni Jehova. Kaya nga, sa mga kasong iyon, kapag ang kanilangDeuteronomio 18:20-22. Dahil sa kanilang pagkakamali bilang mga tao, nabibigyan nila ng maling kahulugan ang mga bagay. a
mga sinabi ay hindi nagkatotoo, hindi sila dapat malasin bilang bulaang mga propeta gaya niyaong binabalaan saHindi nahahadlangan ng naunang mga kabiguan, ang ilang tao ay waring nauudyukan ng dumarating na taon 2000 at gumawa ng higit pang mga hula tungkol sa katapusan ng sanlibutan. Ang The Wall Street Journal ng Disyembre 5, 1989, ay naglathala ng isang artikulong pinamagatang “Pagkahumaling sa Milenyo: Dumami ang mga Propeta, Malapit Na ang Wakas.” Sa nalalapit na taóng 2000, inihuhula ng iba’t ibang ebangheliko na si Jesus ay darating at na ang mga taon ng 1990 ay magiging “isang panahon ng kahirapan na hindi pa nangyari noon.” Sa panahon ng pagsulat nito, ang pinakahuling pangyayari ay sa Republika ng Korea, kung saan ang Misyon sa Dumarating na mga Araw ay humula na noong Oktubre 28, 1992, sa hatinggabi, darating si Kristo at dadalhin ang mga mananampalataya sa langit. Ang iba pang grupo na nangangaral ng katapusan ng mundo ay gumawa ng katulad na mga hula.
Ang pagbaha ng mga maling alarma ay malungkot. Ang mga ito’y tulad ng mga sigaw na lobo-lobo ng batang pastol—hindi magtatagal ay hindi rin ito papansinin ng mga tao, at kapag dumating na ang tunay na babala, ito man ay wawaling-bahala.
Subalit bakit ba nagkaroon ng gayong hilig sa loob ng mga dantaon hanggang sa ating panahon na ihayag ang maling alarma, gaya ng sinabi ni Jesus na gagawin nila? (Mateo 24:23-26) Si Jesus, pagkatapos sabihin sa kaniyang mga tagasunod ang tungkol sa iba’t ibang pangyayari na magtatanda sa kaniyang pagbabalik, ay nagsabi sa kanila, gaya ng mababasa natin sa Mateo 24:36-42: “Tungkol sa araw at oras na iyon ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit kahit ang Anak man, kundi ang Ama lamang. Sapagkat kung paano ang mga araw ni Noe, gayundin ang pagkanaririto ng Anak ng tao. . . . Patuloy na magbantay kayo, kung gayon, sapagkat hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon.”
Sila’y hindi lamang sinabihan na maging mapagbantay at maging handa kundi rin naman magbantay na may pananabik. Ang Roma 8:19 ay nagsasabi: “Sapagkat ang may kasabikang pag-asa ng sangnilalang ay ang hinihintay na pagkahayag ng mga anak ng Diyos.” Likas sa tao na kapag mayroon tayong taimtim na inaasahan at hinahangad at hinihintay na may kasabikan, tayo’y nag-iisip na ang ating mga inaasahan ay matutupad sa napakalapit na hinaharap kahit na kung ang katibayan ay hindi sapat. Sa ating pananabik maaaring ipahayag ang maling alarma.
Ano, kung gayon, ang magpapakilala ng tunay na babala mula sa mga huwad na babala? Para sa kasagutan, pakisuyong tingnan ang sumusunod na artikulo.
[Talababa]
a Ang mga Saksi ni Jehova, sa kanilang pananabik sa ikalawang pagparito ni Jesus, ay nagmungkahi ng mga petsa na hindi wasto. Dahil dito, tinatawag sila ng ilan na bulaang mga propeta. Gayunman, sa mga pagkakataong ito ay hindi nila kailanman ipinalagay na sila’y nanghula ‘sa pangalan ni Jehova.’ Kailanman ay hindi nila sinabi, ‘Ito ang mga salita ni Jehova.’ Ang Bantayan, ang opisyal na babasahin ng mga Saksi ni Jehova, ay nagsabi: “Wala kami ng kaloob ng panghuhula.” (Enero 1883, pahina 425) “Ni ipinalalagay man namin na ang aming mga sinulat ay pagpitaganan o ituring na hindi nagkakamali.” (Disyembre 15, 1896, pahina 306) Sinabi rin ng Ang Bantayan na ang bagay na ang ilan ay nagtataglay ng espiritu ni Jehova ay “hindi nangangahulugan na ang mga sinulat sa magasing ito ng Ang Bantayan ay kinasihan at hindi nagkakamali o walang pagkakamali.” (Mayo 15, 1947, pahina 157) “Ang Bantayan ay hindi nag-aangkin na kinasihan sa mga sinasabi nito, ni ito man ay dogmatiko.” (Agosto 15, 1950, pahina 263) “Ang mga kapatid na naghahanda ng mga publikasyong ito ay nagkakamali. Ang kanilang mga sinulat ay hindi kinasihan na gaya ng mga isinulat ni Pablo at ng iba pang mga manunulat ng Bibliya. (2 Tim. 3:16) Dahil dito, kung minsan, habang lumiliwanag ang pang-unawa, kinakailangang iwasto ang mga palagay. (Kaw. 4:18)”—Pebrero 15, 1981, pahina 19 (sa Ingles).