Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Isang Daigdig na Walang Digmaan

Isang Daigdig na Walang Digmaan

Isang Daigdig na Walang Digmaan

ANG nagbibigay-inspirasyong hula ng Isaias kabanata 2 ay tunay na natutupad sa ating kaarawan. Malapit na ang isang daigdig na walang digmaan. Angaw-angaw nang mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig ang pumukpok ng “kanilang mga tabak upang maging mga sudsod at ang kanilang mga sibat upang maging mga karit.” Bagaman sila’y galing sa lahat ng bansa at pinagmulan, natutuhan nilang pagtagumpayan ang anumang dating maling opinyon at pagkapoot, at natutuhan nila ang mga daan ng Diyos ng tunay na kapayapaan, si Jehova. (Isaias 2:4) Dahil sa maibigin-sa-kapayapaan na paninindigang ito, naranasan din nila ang mabilanggo sa mga kampong piitan na kasama ng mga Judio (1933-45).

Kung paanong maliwanag ang mga pag-asa sa hinaharap, ito ay hindi maliwanag para sa lahat. Si Jehova ay hindi maghihintay magpakailanman sa lahat ng tao na pukpukin ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod. May mga ayaw gawin iyon. Tiniyak ng salmista ang kahihinatnan ng mga iyon: “Sapagkat ang mga manggagawa ng kasamaan ay mangahihiwalay, ngunit yaong nagsisipaghintay sa PANGINOON​—ay mangagmamana sila ng lupain. Sapagkat sandali na lamang at ang masama ay mawawala na; iyong uusisaing mainam ang kaniyang dako​—at siya’y mawawala na.” (Awit 37:9, 10) Oo, sa malapit na hinaharap, si Jehova ay kikilos, ‘pinatitigil ang mga digmaan sa buong lupa.’​—Awit 46:9-11 (46:8-10, NW).

Itinampok din ng hula ni Jesus na nagbigay sa tanda ng mga huling araw ang pagkanalalapit ng pakikialam ng Diyos. Sinabi ni Jesus: “Ang salinlahing ito [ang salinlahi ng 1914 na nakasaksi sa wakas ng “itinakdang mga panahon”] ay hindi lilipas sa ano mang paraan hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay na ito.” (Mateo 24:34; Lucas 21:24, NW) Ang salinlahing iyon ay malapit nang maubos. Oo, ngayon na ang panahon ng pagpapasiya para sa lahat ng sangkatauhan! Ngayon, sa mga huling araw na ito, o “katapusan ng mga araw,” (JP) dapat tayong pumili kung tayo ba ay ‘aahon sa bundok ni Jehova’ upang ‘turuan sa Kaniyang mga daan’ o hindi. Subalit gaya ng naunawaan natin mula sa pagtalakay na ito, higit pa ang nasasangkot sa pagkilala sa tunay na Diyos, ‘sa pagiging naturuan sa Kaniyang mga daan, sa paglakad sa Kaniyang mga landas.’ (Isaias 2:2, 3, NW, Ta) Ang paggawa ng gayon ay hindi lamang basta pagbasa ng isang brosyur o pagkuha ng isang maikling pag-aaral. Ito’y nagsasangkot ng mas malalim na pagtuturo na nakaaapekto sa buong paraan ng pamumuhay ng isa. Nais mo bang malaman ang higit pa tungkol sa Diyos ng kapayapaan?

Ang mga Saksi ni Jehova ay handang tumulong sa iyo na gumawa ng gayong taimtim na pagsusuri. Hinihimok ka naming patuloy na suriin ang paksang ito nang buong sigasig, upang ikaw man ay makasama roon sa mga ‘umaahon sa bundok ni Jehova, na tinuturuan sa Kaniyang mga daan.’ Para sa higit pang tulong, makipagkita sa mga Saksi ni Jehova sa isang Kingdom Hall na malapit sa inyo, o sumulat sa mga tagapaglathala ng magasing ito. (Tingnan ang pahina 4.)