Paano Ko Maihihinto ang Pag-iisip sa Hindi Kasekso?
Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .
Paano Ko Maihihinto ang Pag-iisip sa Hindi Kasekso?
‘ARAW-ARAW, sinisira ng media ang moralidad ng mga tin-edyer sa pamamagitan ng pangungutya at mapang-uyam na panunukso hinggil sa sekso; mga awiting rock na kumukulili sa kanilang mga tainga tungkol sa mga pakikipagtalik; binabalot ng mga imahinasyon ng dumaragsang pinakamabiling mga nobela tungkol sa romansa ang katotohanan hinggil sa sekso anupat napakatamis na gaya ng kendi na napakadaling lulunin.’ Gayon ang sabi ng manunulat na si Lesley Jane Nonkin. Oo, bilang isang tin-edyer, ikaw ay nililipos ng mga panghihikayat mula sa media na mag-isip tungkol sa hindi kasekso.
Mangyari pa, normal na magkainteres sa isang di-kasekso. a Subalit kapag ang romantikong mga kaisipan, mga pangangarap ng gising, at mga imahinasyon ang nangibabaw sa iyong isipan anupat ang mga ito ay humahadlang sa iyong pagtulog, mga panalangin, paggawa ng takdang-aralin, pagbabasa ng Bibliya, o mga gawaing bahay, kung gayon ipinakikita nito na ang kalagayan ay naging mapanganib sa loob ng ilang panahon. Totoo naman, ang gayong di-mabuting pinagkakaabalahan ng isip ay maaaring umakay sa maling paggawi.—Santiago 1:14, 15.
Hindi naman ibig sabihin na huwag mo nang pansinin ang mga babae—o mga lalaki. Subalit gaya ng sinasabi ng Kawikaan 23:12, kailangang “ihilig mo ang iyong puso sa disiplina.” Wala, walang madaling solusyon, walang biglang lunas upang tulungan ka na gawin ito. Kaya, sa pamamagitan ng pagsisikap, maaari mong gawing timbang ang iyong pag-iisip. Suriin natin ang ilang praktikal na paraan upang magawa mo ito.
Maging Mapagbantay sa Iyong mga Kasama
Pansinin mo ang iyong mga kasama. Ganito ang inamin ng isang kabataan: “Pinag-uusapan ng lahat sa iyong paligid ang tungkol sa imoralidad sa sekso na para bang kasingkaraniwan na gaya ng pagkain sa labas.” Ang lagi bang pagkahantad sa gayong usapan ay makaaapekto sa iyo? Walang alinlangan. Ayon sa isang surbey sa mga kabataan, inamin ng tatlong kaapat na “ang pagiging gaya (o hindi gaya) ng mga kasama ang umuugit sa kanilang saloobin hinggil sa sekso.”
Kumusta ang iyong mga kaibigan? Ang bawat pag-uusap ba ay nauuwi sa nag-aalab na usapan tungkol sa isang di-kasekso? Ang gayon bang usapan ay hindi napipigilan at nagiging malaswa o mahalay? Kung gayon nga, ang pagsali—o basta pakikinig—ay magpapahirap para sa iyo na ituon ang iyong isip sa malilinis na bagay. Ang Bibliya ay nagpapayo: “Subalit ngayon ay talaga ngang alisin ninyo ang lahat ng mga iyon sa inyo, poot, galit, kasamaan, mapang-abusong pananalita, at malaswang pananalita mula sa inyong bibig.”—Colosas 3:8.
Gayunman, magiging mahirap na maikapit ang payong ito kung ang iyong mga kasama ay hindi gaanong nagpapahalaga sa mga simulain ng Bibliya; ang kanilang mga saloobin ay tiyak na makaiimpluwensiya sa iyo sa katagalan. (Kawikaan 13:20) Isaalang-alang ang karanasan ng isang Kristiyanong babae, na nagsabi: “Ayaw kong sabihin sa mga bata sa paaralan na ako’y isang Saksi ni Jehova. Kaya malaya silang nakikipag-usap sa akin tungkol sa sekso sa lahat ng panahon.” Hindi nagtagal siya’y nahulog sa imoralidad sa sekso at nagdalang-tao. Ang Kawikaan 9:6 ay may katalinuhang nagpapayo: “Iwan ninyo ang mangmang na mga kasama, at mabuhay. Magsilakad sa daan ng kaalaman.” (Today’s English Version) Oo, palibutan mo ang iyong sarili ng mga kaibigan na kaisa ng iyong Kristiyanong moralidad at mga pamantayan, mga kaibigan na makapagpapatibay sa iyo sa espirituwal—hindi makapagpapahina sa iyo.
Mangyari pa, maging ang mga kabataang Kristiyano na pangkaraniwang nagpapakita ng maka-Diyos na saloobin ay maaaring “natitisod sa salita” sa pana-panahon. (Santiago 3:2) Kapag nangyari iyon at nagsimulang mauwi sa hindi magandang usapan, ano ang maaari mong gawin? Sinasabi sa atin ng Bibliya na si Haring Solomon ay nahumaling sa isang kabataang pastol na babae. Gayunman, ang babae ay hindi nagpakita ng romantikong interes. Nang ang ilang kabataang kasama niya ay nagsikap na pukawin ang kaniyang damdamin para kay Solomon, hindi niya hinayaang malipos siya ng romantikong usapan. Siya’y nagsalita, na nagsasabi: “Pinagbilinan ko kayo . . . na huwag ninyong pukawin o gisingin man ang aking pagsinta hanggang sa ibigin niya.” (Ang Awit ng mga Awit 2:7) Sa gayunding paraan, kailangang maging matatag ka na sabihin ang iyong nadarama kapag lumalabis na ang usapan. Hindi, hindi mo naman kailangang sermunan ang iyong mga kaibigan. Ngunit maaari mo lamang baguhin ang paksa, ibinabaling ang usapan sa mas kapaki-pakinabang na paksa.
Paglilibang—Ang Pangangailangan na Maging Mapamili
Ang isa pang bagay na dapat isaalang-alang ay ang paglilibang. Ang pinakabagong pelikula, video, o disc ay maaaring waring nakahihikayat. Gayunman, ang Bibliya ay nagpapaalaala sa atin: “Ang lahat ng bagay sa sanlibutan—ang pagnanasa ng laman at ang pagnanasa ng mga mata at ang pagpaparangya ng kabuhayan ng isa—ay hindi nagmumula sa Ama, kundi nagmumula sa sanlibutan.” (1 Juan 2:16) Gaya ng nabanggit sa simula, ang karamihan sa libangan sa ngayon ay nilayon upang pukawin ang seksuwal na damdamin. Halimbawa, ang popular na mga awitin at mga pelikula, ay naging matindi ang pagkalantaran—kalimitang pornograpiko.
Paano ito makaaapekto sa iyo kung ihahantad mo ang iyong sarili sa gayong libangan? Ganito ang sabi ng manunulat na si John Langone: “Ipinakita ng maraming pagsusuri . . . na kapag tayo’y nahantad sa erotikong mga babasahin, may hilig tayo na ipakipag-usap nang higit ang tungkol sa sekso. Kung minsan, ang pagkahantad na iyon ay aakayRoma 8:5) Gagawin nitong pilipit ang iyong pangmalas sa pag-ibig at sa sekso at pupunuin ang iyong isip ng maruruming imahinasyon. Ang payo ng Bibliya? “Linisin natin mula sa ating mga sarili ang bawat karungisan ng laman at espiritu, na pinasasakdal ang kabanalan na nasa pagkatakot sa Diyos.” (2 Corinto 7:1) Kaya iwasan ang mga pelikula, mga video, at mga plaka na pumupukaw sa romantikong mga pagnanasa.
sa atin na subuking gawin ang hindi natin pangkaraniwang ginagawa.” Oo, ang ‘pagtutuon ng iyong mga kaisipan sa mga bagay ng laman’ ay makapipinsala lamang sa iyo. (Isang walang-asawang Kristiyanong lalaki ang minsa’y nagbigay ng ganitong praktikal na payo: “Huwag ituon ang iyong isip sa di-mabubuting bagay bago matulog. Ang maraming palabas sa TV kapag gabing-gabi na ay medyo masagwa.” Gayundin ang maraming aklat. Ganito ang pagtatapat ng isang kabataang Kristiyano na nagngangalang Sherry: “Dati-rati’y nagbabasa ako ng mga nobela ng pag-iibigan. Ako’y nangangarap nang gising tungkol sa sekso, nangangarap ng totoong nakasisiyang buhay at pagkakaroon ng iba’t ibang katalik.” Ang kaniyang isip ay punô ng romantikong mga imahinasyon, madali siyang nahulog sa pakikipaghalikan at paghihipuan sa isang kabataang lalaki. Ang mga problemang gaya niyan ay maiiwasan kung magbabasa ka lamang ng kapaki-pakinabang na mga babasahin—gaya ng magasing ito at ng kasama nitong magasin, Ang Bantayan. Ang gayong pagbabasa ay nakatulong sa maraming kabataan na ‘magtuon ng kanilang mga kaisipan ayon sa mga bagay ng espiritu,’ sa halip na sa makasalanang laman.—Roma 8:5.
Iwaksi ang Gayong mga Imahinasyon!
Kung minsan ang mga kaisipan tungkol sa di-kasekso ay bigla na lamang pumapasok sa iyong isip. Ang 17-anyos na si Scott ay nagtapat nang ganito: “May mga pagkakataon na napakahirap para sa akin na ihinto ang pag-iisip tungkol sa sekso.” O baka may nakita ka lamang na guwapong lalaki o magandang babae. Bago mo mamalayan, nasumpungan mo ang iyong sarili na nag-iisip tungkol sa kaniya. Subalit isang bagay na mapansin ang isang taong kaakit-akit at ibang bagay naman na lubusang gawin ang babalang ibinigay ni Jesus, alalaong baga’y, “patuloy na tumitingin sa isang babae upang magkaroon ng masidhing pagnanasa sa kaniya.” (Mateo 5:28; ihambing ang Kawikaan 6:25.) Kapag ikaw ay napakabata pa para mag-asawa, ang labis na pagguguniguni sa nakasasabik na romantikong mga imahinasyon ay makapanlulumo lamang at makasisira ng iyong loob.—Ihambing ang Kawikaan 13:12.
Kaya naman nasabi ni Scott: “Ang nakatulong sa akin ay ibahin ang iniisip ko—ihinto ang pag-iisip na nagpapangyari sa aking mapukaw. Pinaaalalahanan ko ang aking sarili na ang damdaming ito o pagnanasang ito di-magtatagal ay lilipas din.” (Ihambing ang Filipos 4:8.) Sinabi ni apostol Pablo: “Binubugbog ko ang aking katawan at ginagawa itong alipin.” (1 Corinto 9:27) Gayundin, baka kailangan mong higpitan ang iyong sarili kapag pumapasok sa iyong isip ang di-kasekso. Kapag ang mga kaisipan ay nananatili, subuking mag-ehersisyo. “Sapagkat ang pagsasanay sa katawan ay kapaki-pakinabang nang kaunti,” at ang mabilis na paglalakad o ilang minutong calisthenics ang maaaring tanging kailangan mo upang matulungan kang maging timbang muli ang iyong pag-iisip.—1 Timoteo 4:8.
Nasumpungan din ng maraming kabataan na ang “laging maraming ginagawa sa gawain ng Panginoon” ay lalong nakatutulong. (1 Corinto 15:58) Ganito ang sabi ng kabataang si Debra: “Nasumpungan ko na ang solusyon ay maging abala hanggang sa ikaw ay mapagod.” Ang pagiging lubusang abala sa kongregasyong Kristiyano at sa lahat ng gawain nito ay malaki ang magagawa upang matulungan kang panatilihing timbang ang iyong pag-iisip.
Bagaman sinisikap mo, maaaring maging mahirap pa rin sa iyo kung minsan na ihinto ang pag-iisip sa isang di-kasekso. Kung gayon nga, humingi ng tulong sa isang adulto. Marahil maaari mong ipakipag-usap ang bagay-bagay sa isa sa iyong mga magulang. Isaalang-alang kung ano ang sinabi ng kabataang si Carl: “Nakatulong sa akin na ipakipag-usap ang mga bagay sa isang nakatatanda at may karanasan. Mientras prangka ang pag-uusap, mas mabuti.” Higit sa lahat, huwag kaliligtaan ang tulong na maaaring makuha mo mula sa iyong makalangit na Ama. “Kapag nadarama kong sumisibol ang mga pagnanasa sa sekso,” sabi ng isang walang-asawang Kristiyanong lalaki, “talagang nananalangin ako.” Sabi ng Bibliya: “Samakatuwid, lumapit tayo nang may kalayaan sa pagsasalita sa trono ng di-sana-nararapat na kabaitan, upang makapagtamo tayo ng awa at makasumpong ng di-sana-nararapat na kabaitan bilang tulong sa tamang panahon.” (Hebreo 4:16) Hindi, hindi papawiin ng Diyos ang iyong interes sa isang di-kasekso. Subalit sa tulong niya, matutuklasan mo na maraming ibang bagay ang maaaring isipin.
[Talababa]
a Tingnan ang artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Bakit Napakahirap Kong Ihinto ang Pag-iisip sa Hindi Kasekso?” sa labas ng aming Hulyo 22, 1994.
[Larawan sa pahina 17]
Kung lumalabis na ang usapan tungkol sa di-kasekso, magkaroon ng lakas ng loob na ibahin ang paksa