Pagpapanatili sa Edukasyon sa Kaniyang Dako
Pagpapanatili sa Edukasyon sa Kaniyang Dako
NALALAMAN ng isang may kasanayang pintor kung paano magtitinging may lalim ang kaniyang gawa. Ang mga detalye sa harapan ay higit na pinalilitaw kaysa roon sa nasa gitna at nasa likuran. Nahahawig ito sa mga inuuna natin sa buhay. Ang ilan sa mga ito ay mas mahalaga kaysa iba.
Sinabi ni Jesu-Kristo: “Maligaya yaong mga palaisipMateo 5:3) Kaya, ang espirituwal na mga pamantayan ay dapat na ituring na pinakamahalaga. Kabaligtaran naman nito, ang materyal na mga pag-aari ay dapat na ituring na hindi gaanong mahalaga.
sa kanilang espirituwal na pangangailangan, yamang ang kaharian ng mga langit ay sa kanila.” (Ano ang kaugnayan ng edukasyon sa iba pang bagay sa buhay? Tiyak na ito’y isang mahalagang bagay sa isang Kristiyano. Ang ilang sekular na edukasyon ay karaniwang mahalaga upang matupad ang maka-Kasulatang tungkulin na ibinigay ni apostol Pablo: “Kung ang sinuman nga ay hindi naglalaan para doon sa mga sariling kaniya, at lalo na para doon sa mga miyembro ng kaniyang sambahayan, ay itinatwa na niya ang pananampalataya at lalong malala kaysa sa taong walang pananampalataya.” (1 Timoteo 5:8) Isa pa, ang komisyon na ibinigay ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod, na gumawa ng mga alagad, “na itinuturo sa kanila na tuparin ang lahat ng mga bagay na iniutos [niya],” ay humihiling na ang isa ay ‘kumuha ng kaalaman’ at pagkatapos ay mabisang turuan ang iba.—Mateo 28:19, 20; Juan 17:3; Gawa 17:11; 1 Timoteo 4:13.
Gayunman, ang edukasyon ay dapat na panatilihin sa kaniyang dako. Hindi ito dapat itaguyod para lamang manguna sa klase o magtamo ng kahanga-hangang mga digri. Ang labis-labis na pagbibigay ng halaga sa paghahangad ng edukasyon ay nagbubunga ng kabiguan. Ipagpalagay na, ito ay maaaring magbigay ng ilang pansamantalang materyal na mga pakinabang. Subalit gaya ng nasabi ng pantas na Haring Solomon: “Ginagawa mo ang isang bagay nang iyong buong karunungan, kaalaman, at kasanayan, at pagkatapos ay iiwan mo ang lahat ng ito sa isa na hindi gumawa niyaon.”—Eclesiastes 2:21, Today’s English Version.
Ang mga Saksi ni Jehova ay interesado sa edukasyon, hindi lamang basta magkaroon ng edukasyon, kundi upang pagbutihin ang kanilang kahalagahan sa paglilingkod sa Diyos at upang tustusan ang kanilang sarili. Yamang ang kanilang ministeryo ay isang gawaing hindi pinagkikitaan, marami ang umaasa sa sekular na trabaho para sa kanilang ikabubuhay. Ito ay maaaring maging isang totoong hamon para sa buong-panahong mga ministro ng mga Saksi ni Jehova, na tinatawag na mga payunir. Kailangang mapanatili nila ang isang abalang iskedyul sa ministeryo samantalang gumagawa a—Kawikaan 10:4.
ng sapat na pinansiyal na paglalaan para sa kanilang sarili at sa kanilang mga pamilya kung may-asawa.Pagkatapos timbang-timbangin ang iba’t ibang salik na nasasangkot, pinili ng ilang Saksi ni Jehova na kumuha ng karagdagang edukasyon. Mangyari pa, kailangan nilang maging maingat upang panatilihin ang edukasyon sa kaniyang dako. Ano ang nakatulong sa kanila sa paggawa nito? “Ilang salik ang nakatulong sa akin,” sabi ng isang kabataang taga-Brazil na nagngangalang John. “Kahit na kailangan kong mag-aral sa gabi, hindi ako pumapalya sa pagdalo sa mga pulong Kristiyano. Maliwanag na ipinaalam ko rin sa aking mga kaklase sa simula ng klase na ako ay isa sa mga Saksi ni Jehova.”
Sinamantala ni Eric, na taga-Brazil din, ang mga pagkakataon upang ipakipag-usap sa iba ang tungkol sa kaniyang mga paniniwala samantalang ipinagpapatuloy ang kaniyang pag-aaral. “Itinuturing ko ang paaralan na aking pantanging teritoryo,” aniya. “Ako’y nakapagdaos ng mga pag-aaral sa Bibliya sa ilang guro at mga estudyante, lima sa kanila ay mga bautisado na ngayon, dalawa sa kanila ay naglilingkod bilang hinirang na matatanda.”
Si Richard ay bahagyang-panahong kumuha ng karagdagang edukasyon upang tumanggap ng isang digri sa drafting. “Ang aking pag-aaral ay nakatulong sa akin na makasumpong ng trabaho upang tustusan ang aking sarili at ang aking asawa,” sabi niya, “at binuksan din nito ang isang pinto ng pagkakataon. Habang ako’y naglalakbay patungo sa mga proyekto ng mabilis na pagtatayo ng mga Kingdom Hall at nakikipag-usap sa mga namamahala, nalaman ko na may pangangailangan para sa mga draftsman. b Ang aking napag-aralan ay nagagamit ngayon sa mabungang paraan sa mga proyektong ito. Karagdagan pa, kaming mag-asawa ay umaasang sa dakong huli’y maglingkod alin sa pandaigdig na punong-tanggapan o sa internasyonal na mga proyekto ng pagtatayo ng mga Saksi ni Jehova.”
Kasabay nito, hinaharap ng maraming Saksi ni Jehova ang hamon na paglalaan para sa kanilang sarili at sa kani-kanilang pamilya nang walang karagdagang pag-aaral. “Tinutustusan ko ang aking sarili sa paggawa ng trabahong-bahay dalawang araw sa isang linggo,” sabi ni Mary. “Balintuna nga, mas malaki pa ang kinikita kong pera sa bawat oras kaysa ilang tao na pinagtatrabahuhan ko. Subalit minamalas ko ang aking trabaho bilang isang paraan upang maglaan ng ikabubuhay. Pinangyayari nito na ako’y magpatuloy sa gawaing payunir, at hindi ko ito pinagsisisihan.”
Gayundin ang nadarama ni Steve. “Nang ako’y magsimula sa pagpapayunir,” aniya, “ang ilan ay nagsabi sa akin: ‘Ano ang gagawin mo kapag nag-asawa ka na at magkapamilya? Kikita ka kaya ng sapat na salapi upang mabuhay?’ Ang nangyari, marami akong pinasukang iba’t ibang uri ng trabaho anupat ako’y nagkaroon ng karanasan sa halos lahat ng bagay sa iba’t ibang trabaho. Ngayon na ako’y may asawang susuportahan, natanto ko na ako’y kumikita nang higit kaysa ilang nagtapos sa kolehiyo na nagtatrabaho sa ahensiyang aking pinapasukan.”
Maaaring hilingin ng hindi sumasampalatayang mga ama ang mga anak na minor de edad na kumuha ng karagdagang edukasyon, at sila ay may maka-Kasulatang awtoridad na gawin ito. Gayunman, sa gayong mga kaso, at kasuwato ng Mateo 6:33, ang mga kabataan ay maaaring kumuha ng mga kurso na tutulong sa kanila na maging lalong kapaki-pakinabang sa paglilingkod kay Jehova o magpahintulot pa nga sa kanila na makibahagi sa buong-panahong ministeryo at kasabay nito ay nag-aaral.
Ang Pinakadakilang Edukasyon
Lahat ng mga Saksi ni Jehova, anuman ang kanilang pinag-aralan, ay nagkakaisa sa isang bagay. Kinikilala nila na ang pinakamahalagang edukasyong makukuha ngayon ay nagmumula sa Salita ng Diyos, ang Bibliya. Ang Juan 17:3 ay nagsasabi: “Ito ay nangangahulugan ng buhay na walang-hanggan, ang kanilang pagkuha ng kaalaman tungkol sa iyo, ang tanging Diyos na totoo, at sa isa na iyong isinugo, si Jesu-Kristo.” Anumang sekular na edukasyon ang kinukuha ng isang Kristiyano, ang pagkuha ng kaalaman tungkol kay Jehova at sa kaniyang Anak, si Jesus, ay dapat na maging pangunahin.
Ang huwarang ito ay ginawa ng unang-siglongGawa 13:1) Sa katulad na paraan, si Pablo ay tumanggap ng katumbas sa ngayon na edukasyon sa unibersidad. Gayunman, pagkatapos maging Kristiyano, pinanatili niya ang kaniyang pagsasanay sa kaniyang dako. Sa halip na gamitin ang kaniyang sekular na edukasyon upang pahangain ang iba, ginamit niya ang kaniyang kaalaman tungkol sa sosyolohiya, batas, at kasaysayan upang mangaral sa lahat ng uri ng mga tao.—Gawa 16:37-40; 22:3; 25:11, 12; 1 Corinto 9:19-23; Filipos 1:7.
mga Kristiyano. Si Manaen ay “tinuruang kasama ni Herodes na tagapamahala ng distrito,” gayunman siya’y presente at aktibo na kasama ng mga propeta at mga guro sa kongregasyon sa Antioquia. (Ang unang-siglong mga Kristiyano ay pangunahin nang hindi nakilala sa kanilang mga tinapos. Marami ay “walang pinag-aralan at pangkaraniwan,” hindi sinanay sa rabinikal na mga paaralan. Subalit hindi ito nangangahulugan na sila ay walang pinag-aralan. Sa kabaligtaran, ang mga lalaki at mga babaing ito ay nasasangkapan upang ipagtanggol ang kanilang pananampalataya—isang kasanayan na nagpapatotoo ng matatag ang saligan na pag-aaral.—Gawa 4:13.
Lahat ng mga Kristiyano, samakatuwid, ay lubhang interesado sa edukasyon. Kasabay nito, sinisikap nilang “matiyak ang mga bagay na higit na mahalaga,” pinananatili ang edukasyon—at ang anumang ibang pagsisikap—sa kaniyang tamang dako.—Filipos 1:9, 10.
[Mga talababa]
a Kapansin-pansin na pinili ng mataas ang pinag-aralan na si apostol Pablo na tustusan ang kaniyang sarili sa ministeryo sa pamamagitan ng paggawa ng tolda, isang trabaho na malamang ay natutuhan niya mula sa kaniyang ama. Ang paggawa ng tolda ay mahirap na trabaho. Ang telang ginagamit na mula sa buhok ng kambing, tinatawag na cilicium, ay matigas at magaspang, gumagawa ritong mahirap tabasin at tahiin.—Gawa 18:1-3; 22:3; Filipos 3:7, 8.
b Ang katagang “mabilis na pagtatayo” ay tumutukoy sa lubhang organisadong paraan ng pagtatayo na ginawa ng mga Saksi ni Jehova. Ang mga boluntaryong nagtatrabaho sa mga proyektong ito ay hindi binabayaran; sagana nilang ibinibigay ang kanilang panahon at mga yaman. Taun-taon sa Estados Unidos halos 200 bagong mga Kingdom Hall ang naitatayo, at 200 pa ang binabago ang pagkakayari na ginagamit ang paraang ito.
[Kahon sa pahina 7]
Isang Mahusay na Rekomendasyon
Ang taon bago ang kaniyang gradwasyon sa high school, seryosong pinag-isipan ni Matthew kung paano niya matutustusan ang kaniyang sarili samantalang itinataguyod ang isang karera bilang isang buong-panahong ministro ng mga Saksi ni Jehova. Pagkatapos ng may panalanging pagsasaalang-alang sa bagay na ito, inakala ni Matthew at ng kaniyang mga magulang na ang karagdagang edukasyon ay makatutulong sa pag-abot niya sa kaniyang tunguhin. Kaya, siya’y nag-aplay para sa isang scholarship. Idinagdag ng tagapayo sa paaralan ni Matthew ang isang liham ng rekomendasyon sa aplikasyon para sa scholarship, na nagsasabi:
“Sa nakalipas na dalawa-at-kalahating taon, isang kasiyahan kong maging tagapayo at kaibigan ni Matt. Si Matt ay isang indibiduwal na may matibay na pundasyon . . . Mayroon siyang malalim na pananampalataya at matibay na paniniwala, na nakikita sa kaniyang mga kaugnayan at mga kilos.
“Sa nakalipas na mga taon, si Matthew ay nagsasanay para sa ministeryo. Ang isang ministro sa kaniyang relihiyon ay hindi tumatanggap ng anumang kabayarang salapi. Tunay na ito ay isang gawa ng pag-ibig. Isang walang-imbot na binata, si Matt ay maalalahanin at makonsiderasyon. Ang scholarship na kaniyang hinihiling ay makapaglalaan ng panustos sa lalaking ito ng pananampalataya upang magpatuloy sa kaniyang pagsasanay at boluntaryong gawain.
“May kaugnayan sa boluntaryong gawain at paglilingkod sa pamayanan, si Matt ay nagdaraos ng di-mabilang na mga oras sa bahay-bahay na pangangaral kung mga dulo ng sanlinggo at pagkatapos ng eskuwela at kung bakasyon. Siya’y gumagawa sa pamayanan at sa iba’t ibang uri ng tao. Ipinakita ni Matt ang kaniyang mga kakayahan at mga kasanayan sa pangunguna sa pamamagitan ng pagdaraos ng mga pag-aaral sa Bibliya kapuwa sa bata’t matanda. . . . Nagagawa niyang bigyan ng inspirasyon ang mga tao at tulungan silang maabot ang kanilang tunay na kakayahan. Sa loob ng klase, ang mga guro ay nagkomento na siya sa tuwina’y isang mabuting impluwensiya. Nangunguna siya sa mga talakayan sa klase at isang mahusay na debatista. . . .
“Si Matt ay isa sa pinakamagaling na binata na nagkaroon ako ng kasiyahan na payuhan. Gustung-gusto at iginagalang siya ng kaniyang mga kasamahan at mga guro. Ang kaniyang katapatan ay pinakamataas ang uri.”
[Mga larawan sa pahina 9]
Ang mga Saksi ni Jehova ay pangunahing interesado sa edukasyon upang maging mas mabisang mga lingkod ng Diyos