Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ikaw ba’y Naghihilik?

Ikaw ba’y Naghihilik?

Ikaw ba’y Naghihilik?

IKAW BA’Y malakas maghilik? Ang ilang tao ay malalakas maghilik at hindi pa nga nalalaman ito. Kaya, wala silang kabatiran kung bakit sila nagigising na nakadarama ng panghihina at naliliyo. Ang kanilang sakit ay kilala bilang sleep apnea. Bagaman ang isang taong may karamdamang ito ay natutulog, ang mga kalamnan sa lalamunan na nagpapanatili sa mga daanan ng hangin na bukás ay nakapahingalay sa punto na ang daanan ng hangin ay nagsasara. Hanggang isang minuto ang maaaring lumipas bago ang tao ay mangapos ng hangin at bahagyang nagigising. Hindi nalalaman ng karamihan na dumaranas ng apnea na ang kanilang pagtulog ay napuputol. Ang tanging himaton ay maaaring manggaling sa isang kasama sa silid na madalas nagigising dahil sa hilik. Ang mga dalubhasa ay naniniwala na ang apnea ay pinagmumulan ng mga aksidente sa kotse at sa trabaho at na ito ay maaaring maging isang salik sa mga atake serebral at mga atake sa puso.

Mayroon bang lunas? Ang Complete Home Medical Guide (Columbia University College of Physicians and Surgeons) ay nagpapayo: “Ang mga lalaki ay 20 ulit na mas apektado kaysa mga babae. Mahigit sa kalahati ng mga dumaranas nito ay sobra ang timbang, na lalo pang nakahahadlang sa normal na daloy ng hangin. Samakatuwid, ang pagbabawas ng timbang ay isang mahalagang bahagi ng terapi.” Iminumungkahi ng aklat ding iyon na sa grabeng mga kaso, baka makabubuti ang isang operasyon upang bawasan ang bara sa daanan ng hangin.