Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Tapat na mga Kabataan Ako’y naantig ng serye na “Mga Kabataang Inuuna ang Diyos.” (Mayo 22, 1994) Nang ako’y tin-edyer pa, nagkaroon ako ng tumor sa utak. Bilang isa sa mga Saksi ni Jehova, sinabi ko sa mga doktor: “Ayaw kong magpasalin ng dugo.” Bagaman nakakuha ng utos sa hukuman na salinan ako ng dugo, naging matagumpay ang operasyon kahit wala nito. Habang binabasa ko ang tungkol sa tapat na mga kabataang ito na lingkod ng Diyos, napaluha ako. Naranasan nila ang katulad ng naranasan ko! Ang kanilang mga salaysay ay nakaantig sa aking puso at nagpasidhi ng aking pag-ibig sa Diyos.

M. P., Estados Unidos

Ako’y 17 taóng gulang at ako’y nangangamba na mapalagay ang aking sarili sa gayong kalagayan balang araw. Hindi ako natatakot na mamatay, pero ang isipin na ipagwalang-bahala ang mga batas ni Jehova ang nakatatakot sa akin. Kasuklam-suklam na mapadala sa panggigipit. Napalakas ako nang husto ng artikulo.

C. K., Alemanya

Nang mabasa ko ang mga artikulo, hindi ko mapigilang mapaluha. Pagkatapos, maingat na binasa ko ang bukleta na Papaano Maililigtas ng Dugo ang Inyong Buhay? (inilathala ng Watchtower Society). Ngayon ay alam ko na kung paano kikilos kung sakaling mapaharap sa gayunding situwasyon.

Y. G., Alemanya

Yamang ako’y nagdurusa mula sa di-mapagaling na anyo ng leukemia, ang mga karanasan ng mga kabataan na nagpatunay ng kanilang debosyon kay Jehova ay totoong nakapagpapalakas-loob sa akin bilang isang adulto. Maraming salamat.

H. K., Austria

Ako’y 18 taóng gulang. Ako’y naantig at nangatal nang mabasa ko ang mga artikulo kahapon. Hindi ako mahinto sa pag-iyak nang malaman ko na ang tapat na mga batang ito ay namatay. Ang kanilang pananampalataya ang nagpangyari sa akin na tanungin ang aking sarili kung magagawa ko, sa ilalim ng gayong mga kalagayan, na mapanatili ang aking katapatan.

E. A. O., Nigeria

Ako ay totoong namangha dahil sa di-mapasukong katatagan ng lahat ng mga kabataan na binanggit. Pagkatapos kong mabasa ang mga artikulo, umiyak ako nang husto at nagpasalamat kay Jehova na binigyan sila ng lakas na harapin ang gayong mga kahirapan hanggang sa kanilang kamatayan. May kataimtimang masasabi ko na ang mga problema ko bilang isang tin-edyer ay talagang walang kuwenta kung ihahambing.

R. C., Italya

Walang alinlangan na ang mga artikulong ito na nagpapaantig ng damdamin ay makapagpapalakas-loob sa lahat ng kabataan na makababasa ng mga ito. Ang mga kabataang ito ay pawang matatag sa kanilang pagtanggi sa dugo; gayundin naman, nakapagpasiya sila para sa kanilang sarili at nakapagpaliwanag nang mahusay sa ganang sarili nila. Napatibay-loob ako na malaman na anumang mga panggigipit at pagsubok mayroon, hindi tayo bibiguin ni Jehova na bigyan ng lakas at kinakailangang tulong.

R. T., Hapón

Kamangmangan Pinasasalamatan ko ang serye na “Paglaya sa Kamangmangan.” (Pebrero 22, 1994) Nang ako’y umalis mula sa Tsina tungo sa Timog Aprika noong mga taon ng 1950, hindi ako makapagsalita ng anumang mga wika na sinasalita rito. Gayunman, may pagtitiyagang tinuruan ako ng mga Saksi ni Jehova na maunawaan ang Bibliya sa Ingles. Ako’y dumalo rin sa kanilang mga pulong, pati na sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro. Unti-unting sumulong ang aking Ingles, at ngayon ako’y may tiwala sa aking sarili sa bahay-bahay na pagmiministeryo.

W. W., Timog Aprika

Reinkarnasyon Bagaman ako’y isang Muslim, ako’y isang regular na mambabasa ng Gumising! Nais kong ipahayag ang aking taimtim na pasasalamat sa inyong kamakailang serye na “Ikaw ba’y Nabuhay Na Noon? Ikaw ba’y Mabubuhay Muli?” (Hunyo 8, 1994) Nasumpungan kong nakapagtuturo ito. Matagal na akong nagsasaliksik ng impormasyon na magagamit upang ituwid ang ilang kaibigan ko na naggigiit tungkol sa pag-iral ng reinkarnasyon. Sa ibinigay na impormasyon, inaakala ko na tiyak na sasang-ayon sila na yamang may pagkabuhay muli, hindi maaaring magkaroon ng reinkarnasyon.

K. S., Nigeria