Alam Mo Ba?
Alam Mo Ba?
(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa ibinigay na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nakalimbag sa pahina 27. Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.)
1. Ano ang hangganan sa gawing hilaga ng Lupang Pangako at ang pinakamataas na dako sa paligid ng Palestina? (Josue 12:1)
2. Anong katangian, na taglay ni Jehova at kanais-nais sa mga tao, ang hindi tanda ng kahinaan? (Awit 18:35)
3. Gaano karaming mandirigmang Asiryano ang pinatay ng anghel ni Jehova sa isang gabi? (2 Hari 19:35)
4. Sino ang nagbuhos ng mamahalin at mabangong langis sa paa ni Jesus at pinunasan ito sa pamamagitan ng kaniyang buhok? (Juan 12:3)
5. Anu-ano ang pangalan ng mga komadronang Hebreo na sumuway sa utos ni Paraon na patayin ang mga sanggol na lalaki at pagkatapos ay pinagpala ni Jehova ang kani-kanilang pamilya? (Exodo 1:15-21)
6. Sinong hari sa Juda, bagaman kung minsan ay kumikilos nang may kamalian sa panahon ng kaniyang 41-taóng paghahari, ang minalas bilang isa sa mga tapat na hari? (1 Hari 15:14, 18)
7. Sa isang hula ng pagsasauli, anong hayop ang sinasabing “kakain ng dayami gaya ng toro”? (Isaias 65:25)
8. Bakit pinalibutan ng lahat ng lalaki sa Sodoma, mula sa bata hanggang sa matanda, ang bahay ni Lot? (Genesis 19:4, 5)
9. Bilang sagot sa panalangin ni Samuel, ano ang ginamit ni Jehova upang lituhin ang mga Filisteo, anupat sila’y natalo? (1 Samuel 7:9, 10)
10. Anong dahilan ang ibinigay ni Moises nang hilingin niya kay Paraon na palayain ang mga Israelita? (Exodo 5:1)
11. Ang sanga ng anong punungkahoy na namumunga ang kadalasang ginagamit bilang sagisag ng kapayapaan? (Tingnan ang Isaias 17:6.)
12. Sa limang aklat ng Bibliya na isinulat ni Juan, alin ang unang isinulat?
13. Sino ang sinasabi ng kawikaan na ‘isang korona sa may-ari sa kaniya’? (Kawikaan 12:4)
14. Bagaman karapat-dapat, sino ang tumangging gantimpalaan ni Haring David dahil sa pagiging 80 anyos ang edad? (2 Samuel 19:31-36)
15. Anong makasagisag na bilang ng mga anghel ang sinasabing nailigaw ni Satanas? (Apocalipsis 12:4)
Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit
1. Bundok Hermon
2. Kapakumbabaan
3. 185,000
4. Si Maria, ang kapatid nina Marta at Lazaro
5. Sina Sifra at Pua
6. Si Asa
7. Leon
8. Nais nilang halayin ang kaniyang mga bisitang anghel
9. Kulog
10. Upang maipagdiwang nila ang isang kapistahan kay Jehova sa iláng
11. Ang sanga ng olibo
12. Apocalipsis
13. ‘Isang asawang babaing may kakayahan’
14. Si Barzilai, na Gileadita mula sa Rogelim
15. Sangkatlo