Abril 19, 2000
Isang Araw na Dapat Alalahanin
NOONG gabi bago siya mamatay, pinasimulan ni Jesus ang pag-alaala sa kaniyang kamatayan. Ito ay isang simpleng seremonya. Samantalang isinasagawa ito ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad: “Patuloy ninyong gawin ito sa pag-alaala sa akin.”—Lucas 22:19.
Sa taóng ito, ang anibersaryo ng pangyayaring ito ay pumatak sa Miyerkules, Abril 19, paglubog ng araw.
Dahil dito, ang mga Saksi ni Jehova sa palibot ng daigdig ay magtitipon sa pantanging gabing ito upang ipagdiwang ang Memoryal na ito sa paraang hiniling ni Jesus. Kayo ay malugod na inaanyayahang makisama sa kanila bilang mga tagamasid. Pakisuyong makipag-alam sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar para sa eksaktong oras at dako ng pulong.