Alam Mo Ba?
Alam Mo Ba?
(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa ibinigay na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nakalimbag sa pahina 22. Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.)
1. Sino ang nakita ni apostol Juan “sa gitna ng mga patungan ng lampara,” na nagbibigay sa kaniya ng mga mensahe para sa pitong kongregasyon? (Apocalipsis 1:13)
2. Sa halip na hayaang ‘madaig ng masama’ ang ating sarili, ano ang ipinapayo ni Pablo na gawin natin? (Roma 12:21)
3. Ano ang ibig sabihin ni Jesus nang sabihin niya: “Kung may isa sa ilalim ng awtoridad na pumipilit sa iyo na maglingkod ng isang milya, sumama ka sa kaniya ng dalawang milya”? (Mateo 5:41)
4. Sa halip na pagtitirintas ng buhok at mga gintong palamuti, ano ang ipinayo ni Pedro na igagayak ng Kristiyanong mga asawang babae sa kanilang sarili? (1 Pedro 3:3, 4)
5. Ano ang itinawag ni Isaias kay Abraham, na nagpapahiwatig na siya ang ninuno ng bansang Israel? (Isaias 51:1)
6. Bakit si David, nang siya ay nasa kuweba ng Adulam, ay tumangging inumin ang tubig na kinuha para sa kaniya mula sa Betlehem ng tatlong mandirigma? (2 Samuel 23:15-17)
7. Ano ang ginagawa ni Bat-sheba nang una siyang makita ni David? (2 Samuel 11:2)
8. Sa halip na tinta, ano ang sinabi ni Pablo na ipinansulat sa mga puso ng mga Kristiyano sa Corinto? (2 Corinto 3:3)
9. Ano ang ipinang-alis ni Jehova sa mga balang ng ikawalong salot, anupat walang isa man ang naiwan sa Ehipto? (Exodo 10:19)
10. Sa anong mga dahilan pinatay ni Jehova si Saul? (1 Cronica 10:13)
11. Saang daungang lunsod lumipat ng bangka si Pablo bilang isang bilanggong patungo sa Roma? (Gawa 27:5)
12. Paano ipinakita ni Jehova ang kaniyang pagmamalasakit sa mga babaing balo at batang lalaking walang ama sa sinaunang Is-rael? (Exodo 22:22-24; Deuteronomio 24:17-21)
13. Ano ang ipinangalan sa parang na binili ng mga saserdote sa pamamagitan ng salaping itinapon ni Judas sa templo? (Mateo 27:3-8; Gawa 1:19)
14. Bakit matinding sinaway ni Pedro si Simon sa pag-aalok ng salapi kapalit ng awtoridad na magkaloob ng banal na espiritu? (Gawa 8:20, 21)
15. Gaano na katanda si Sara nang isilang niya si Isaac? (Genesis 17:17)
16. Saang lupain nandayuhan si Elimelec at ang kaniyang asawa, si Noemi, dahil sa taggutom, kung saan napangasawa ng kanilang anak na si Mahalon si Ruth? (Ruth 1:1-4)
Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit
1. Si Jesu-Kristo, na inilarawan ni Juan bilang “isang tulad ng anak ng tao”
2. “Patuloy na daigin ng mabuti ang masama”
3. Inilalarawan niya ang pangangailangang maging handang magpasakop sa lehitimong mga kahilingan
4. ‘Ang walang-kasiraang kasuutan ng tahimik at mahinahong espiritu’
5. ‘Ang bato na pinagtabasan sa inyo’
6. Dahil kumakatawan ito sa kanilang dugo, na kanilang isinapanganib upang makuha ito
7. Naliligo
8. “Sa pamamagitan ng espiritu ng isang Diyos na buháy”
9. Isang napakalakas na hanging kanluran ang nagtaboy sa mga ito tungo sa Dagat na Pula
10. Kumilos siya nang walang-pananampalataya kay Jehova sa pamamagitan ng di-pagsunod sa kaniyang mga tagubilin at pagsangguni sa isang espiritista
11. Sa Mira sa Licia
12. Naglaan siya para sa kanilang kapakanan at pagkain
13. Akeldama, o “Parang ng Dugo”
14. Nagpamalas siya ng maling motibo sa pagsisikap na bilhin ang “walang bayad na kaloob ng Diyos,” at ang kaniyang puso ay “hindi tuwid sa paningin ng Diyos”
15. Siya ay 90 taóng gulang
16. Moab