Pagtulong sa mga May MCS
Pagtulong sa mga May MCS
ANG pagiging sensitibo sa karaniwang mga sangkap, pabango man o mga sangkap na panlinis, ay higit pa kaysa sa isang suliraning medikal para sa mga nagdurusa; ito’y nagdudulot din sa kanila ng suliraning sosyal. Ang mga tao ay likas na palakaibigan, ngunit pinupuwersa ng multiple chemical sensitivity (MCS) ang maraming dapat sanang masigla at mahilig sa kasayahan na mga tao sa isang malungkot na istilo-ng-buhay. “Nagkaroon na rin ako ng ibang mga suliranin sa kalusugan noon,” ang sabi ni Shelly, isang nagdurusa ng MCS, “ngunit ang suliraning ito ang pinakamalala. Ang pinakamahirap na bahagi ay ang pag-iisa.”
Nakalulungkot, kung minsan ang mga nagdurusa ng MCS ay minamalas na mga kakatwa. Sabihin pa, ang isang dahilan dito ay sapagkat ang MCS ay isang masalimuot na bagay na hindi pa natututuhang tanggapin at harapin ng daigdig. Ngunit ang kakulangan ng kaalaman hinggil sa MCS ay hindi katuwiran upang maging mapaghinala sa mga nagtataglay nito. Ang babasahing American Family Physician ay nagsasabi: “Ang mga pasyenteng ito ay talagang nagdurusa bunga ng kanilang mga sintomas.”
Sa halip na pagdudahan ang mga taong may MCS sapagkat ang kanilang sakit ay nakalilito at hindi nauunawaan, ang isang matalinong tao ay dapat na maimpluwensiyahan ng simulain sa Kawikaan 18:13: “Kapag ang isa ay tumutugon sa isang bagay bago niya marinig iyon, kamangmangan ito sa kaniya at kahihiyan.” Tunay ngang mas mainam na magpakita ng tulad-Kristo na pag-ibig sa lahat niyaong mga maysakit, nang walang pagtatangi! Hindi natin kailanman pagsisisihan na nagpakita tayo ng gayong pag-ibig, anuman ang matuklasan ng siyensiya sa medisina sa hinaharap.
Pagpapakita ng Tulad-Kristo na Pag-ibig
Ang tulad-Kristo na pag-ibig ay gaya ng isang brilyante na may magagandang tapyas na babagay sa bawat okasyon o pangangailangan. Kapag ang isang kaibigan ay may MCS, ang ating tulad-Kristo na pag-ibig ay dapat na kumislap taglay ang empatiya, 1 Corinto 13:4-8.
anupat pinahihintulutan ang ating mga sarili na lumagay sa kaniyang kalagayan. Gayundin, ang pag-ibig ay “hindi naghahanap ng sariling mga kapakanan nito”—o, maaari nating sabihin, ng sarili nitong mga karapatan. Inuuna nito ang kapakanan ng iba. Tinutulungan tayo nito na magkaroon ng ‘mahabang-pagtitiis, na tiisin ang lahat ng bagay, asahan ang lahat ng bagay, at batahin ang lahat ng bagay.’ Ang gayong pag-ibig ay “hindi kailanman nabibigo.”—Si Mary ay wala namang MCS, ngunit ang ilan sa kaniyang mga kaibigan ay may sakit nito. “Para sa akin, gustung-gusto ko ng pabango,” ang isinulat ni Mary, “ngunit pinili kong huwag gumamit Marcos 1:41) Nagkaroon si Trevor ng MCS noong siya ay sanggol pa. Ganito ang sabi ng kaniyang ina: “Ang mga taong nakasama ko sa trabaho ay nagsikap nang lubos upang mapakibagayan ang aking anak.” Si Joy, isa sa mga Saksi ni Jehova na naninirahan sa Australia at labis na nagdurusa sa MCS, ay nagsabi na siya ay napatibay ng mga kaibigan at mga kamag-anak na palagiang dumadalaw sa kaniya at nagpapakita na nauunawaan nila ang kaniyang mga suliranin.
nito kapag dumadalaw sa mga may MCS.” Sa kaniyang sariling paraan, bilang pagtulad kay Jesus, sinasabi ni Mary, “Ibig kong tumulong.” (Sa kabilang panig, ang mga taong may MCS ay dapat na magsikap na maging matiisin sa mga gumagamit ng mga pabango kapag kasama sila. Si Ernest, na sinipi sa naunang artikulo, ay nagsabi sa Gumising!: “Ang aming sakit ay isang pabigat na kailangan naming pasanin. Ang ibang mga tao ay may sarili ring mga suliranin, kaya pinahahalagahan namin kapag tinutulungan nila kami sa aming mga suliranin.” Oo, ang mapitagang paghiling ng tulong, nang hindi ito ipinipilit, ay laging siyang pinakamainam na patakaran. “Kapag may isang gumamit ng pabango o cologne na nagtanong sa akin kung bakit matamlay ako,” ang sabi ni Lorraine, “Sinasabi ko sa kaniya, ‘may suliranin ako sa pabango, at tila lumala ito ngayong gabi.’ Sa mga taong may unawa, kadalasang sapat na iyon.” Sabihin pa, hindi naman nangangahulugan na kapag nagdurusa ka ng MCS ay hindi mo na mapaaalalahanan sa mabait na paraan ang mga kaibigan na kailangan mo ang kanilang tulong.
Sa positibong panig, si Pam, na sinipi kanina, ay sumulat: “Ang lahat ng dinaranas namin ngayon ay pansamantala lamang.” Bakit sinabi ni Pam na “pansamantala lamang”? Sapagkat ang kaniyang salig-Bibliyang pag-asa ay na hindi na magtatagal at aalisin na ng Kaharian ng Diyos sa lupa ang lahat ng pagdurusa. Aalisin pa nga nito ang kamatayan—isang bagay na sa kalaunan ay kailangang harapin kahit ng pinakamalusog na tao.—Daniel 2:44; Apocalipsis 21:3, 4.
Pansamantala, ang lahat na kailangang magbata ng isang karamdaman na walang kagamutan sa kasalukuyan ay makaaasa sa panahon kapag, sa ilalim ng pamamahala ng Kaharian ng Diyos, ‘walang sinumang tumatahan ang magsasabi: “Ako ay may sakit.” ’ (Isaias 33:24) Habang binabata natin ang anumang mga pagsubok na mapapaharap sa atin sa kasalukuyang sistemang ito ng mga bagay, magsikap tayong lahat na maging tulad ni Jesus at magpako ng pansin sa gantimpala na inilagay sa harapan natin.—Hebreo 12:2; Santiago 1:2-4.
[Kahon/Larawan sa pahina 9]
Pagpapakita ng Pag-ibig sa Isa’t Isa
Ang sumusunod na mga simulain sa Bibliya ay maaaring makatulong sa iyo kung ang isang kaibigan o kamag-anak ay may multiple chemical sensitivity (MCS) o kung taglay mo ito mismo:
“Lahat ng mga bagay, kung gayon, na ibig ninyong gawin ng mga tao sa inyo, gayundin ang dapat ninyong gawin sa kanila.”—Mateo 7:12.
“Ibigin mo ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili.”—Mateo 22:39.
“Isaalang-alang natin ang isa’t isa upang mag-udyukan sa pag-ibig at sa maiinam na gawa, na hindi pinababayaan ang ating pagtitipon, gaya ng kinaugalian ng iba, kundi nagpapatibayang-loob sa isa’t isa, at lalung-lalo na samantalang inyong nakikita na papalapit na ang araw.” (Hebreo 10:24, 25) Kailangan nating lahat ang espirituwal na pampatibay-loob, lalo na kapag tayo’y maysakit. Kapuri-puri naman, maraming Kristiyano na may MCS ay nagsisikap mismo na dumalo sa mga pulong ng kongregasyon; ang iba naman na nagdurusa nang mas malubha ay dumadalo kung minsan sa pamamagitan ng isang koneksiyon sa telepono. Sa ilang mga kalagayan, ang mga lugar na walang-pabango ay inirereserba sa mga Kingdom Hall para sa mga taong may MCS. Ngunit ito’y maaaring hindi laging posible o praktikal.
“Huwag ninyong kalimutan ang paggawa ng mabuti . . . , sapagkat sa gayong mga hain ay nalulugod na mainam ang Diyos.” (Hebreo 13:16) Pansinin na ang paggawa ng mabuti ay laging humihiling ng personal na mga pagsasakripisyo. Handa ka bang gumawa ng mga pagsasakripisyo upang tulungan ang isa na may MCS? Sa kabilang panig, ang mga taong may MCS ay kailangang maging makatuwiran sa kanilang mga inaasahan sa iba. Halimbawa, ang Kristiyanong matatanda ay hindi maaaring gumawa ng mga alituntunin hinggil sa paggamit ng mga pabango at mga cologne, ni magagawa nilang laging magpatalastas hinggil dito. Isa pa, ang mga bagong interesadong tao at mga panauhin na gumagamit ng pabango ay dumadalo sa mga pulong ng kongregasyon—at tinatanggap natin sila. Tiyak na hindi natin nanaising hiyain o mailang sila hinggil sa paggamit nila ng mga pabango.
‘Hanapin ang kapayapaan at itaguyod ito.’ (1 Pedro 3:11) Maliwanag, ang mga usapin hinggil sa kalusugan ay hindi dapat mag-alis sa mga Kristiyano ng kapayapaan. “Ang karunungan mula sa itaas ay . . . mapayapa, makatuwiran, . . . punô ng awa,” ang sabi ng Santiago 3:17. Ang mga taong mapayapa, sila man ay may MCS o wala, ay hindi magiging labis-labis o mapaggiit hinggil sa paggamit o hindi paggamit ng mga produktong kimikal. Sa katulad na paraan, iiwasan din ng makatuwirang mga tao na “punô ng awa” ang paggigiit ng kanilang karapatan na gumamit ng mga pabango kung natatanto nila na ang mga ito ay makaaapekto sa kalusugan ng ibang tao. Sa ganitong paraan ay ipinakikita nila na sila rin ay naghahangad ng “mapayapang mga kalagayan” at “nakikipagpayapaan.”—Santiago 3:18.
Sa kabilang panig, ang isang di-mababago at di-makatuwirang saloobin, sa panig man ng nagdurusa ng MCS o ng iba pang tao, ay tulad ng isang kalso na naghihiwalay sa mga tao. Ang gayong saloobin ay hindi makabubuti sa kaninuman at maaari pa ngang makapinsala sa pakikipag-ugnayan ng isa sa Diyos.—1 Juan 4:20.
Sabihin pa, taglay ng mga Kristiyano ang isang kahanga-hangang bentaha—ang espiritu ni Jehova. Habang regular silang nakikiusap kay Jehova para sa kaniyang espiritu, nagkakaroon sila ng kamangha-manghang mga bunga nito, lalo na ang pag-ibig—“isang sakdal na bigkis ng pagkakaisa.” (Colosas 3:14) Kasabay nito, may pagtitiis nilang hinahayaan ang espiritung ito na maglinang ng tulad-Kristo na mga katangian sa iba.—Galacia 5:22, 23.
[Larawan sa pahina 10]
Ang mga taong may MCS ay nangangailangan ng mga kaibigan na gaya rin ng iba