“Sa Pagkakataong Ito, Naging Makabuluhan Ito sa Akin”
“Sa Pagkakataong Ito, Naging Makabuluhan Ito sa Akin”
Noong 1994, inilathala ng mga Saksi ni Jehova ang isang brosyur na tumatalakay sa hamon ng pagharap sa kamatayan ng isang minamahal. Nagdulot ito ng kaaliwan sa marami mula noon.
Kamakailan, isang liham ang tinanggap mula sa isang nagpapasalamat na mambabasa sa Pennsylvania, E.U.A., na ganito ang isinulat: “Nang una kong makuha ang brosyur, naisip ko, ‘Napakahusay ng publikasyong ito.’ Pero, hindi ko natanto ang kahalagahan nito hanggang noong mamatay ang aking anak na babae dalawang linggo na ang nakalipas. Dahil sa ako ay nanlulumo nang husto at naghahanap ng tulong, binasa ko ang brosyur. Sa pagkakataong ito, naging makabuluhan ito sa akin. Binanggit nito ang lahat ng mga bagay na pumipighati sa akin, at inaliw ako nito.”
Sinasagot ng brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal ang mga tanong na gaya ng: Paano ko mapagtitiisan ang aking pagdadalamhati? Paano makatutulong ang iba? Anong pag-asa mayroon para sa mga patay?
Marahil ay maaaliw ka rin o ang isa na kakilala mo sa pagbabasa ng 32-pahinang brosyur na ito. Makahihiling ka ng isang kopya kung pupunan mo at ihuhulog sa koreo ang kalakip na kupon sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.