Alam Mo Ba?
Alam Mo Ba?
(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa binanggit na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nasa pahina 24. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.)
1. Bakit binanggit ng tagapagtipon na “ang panali na tatlong-ikid ay hindi madaling mapatid”? (Eclesiastes 4:12)
2. Sa ilalim ng Kautusang Mosaiko, anong dalawang katangian ang kailangang taglay ng mga hayop na ipinahihintulot na kainin? (Deuteronomio 14:6)
3. Sino ang ama ni Josue? (Josue 1:1)
4. Nang pahintulutan siya ni Jehova na saktan si Job sa pisikal na paraan, ano ang ginawa ni Satanas kay Job? (Job 2:7)
5. Sino ang nagsabi kay Haring Ahasuero ng tungkol sa 50-sikong tulos na ginawa ni Haman para kay Mardokeo, sa gayo’y naudyukan ang hari na ibitin doon si Haman? (Esther 7:9)
6. Ayon kay Jesus, paano makikilala ang huwad na mga propeta? (Mateo 7:15, 16)
7. Anong titulo ni Jehova, na nagdiriin sa kaniyang papel bilang maringal at pinagpipitaganang Hukom ng lahat, ang masusumpungan lamang sa aklat ng Daniel? (Daniel 7:22)
8. Anong mamahaling mga bagay ang dinadala kay Haring Solomon ng kaniyang pangkat ng mga barko ng Tarsis sa kanilang mga paglalakbay tuwing ikatlong taon? (1 Hari 10:22)
9. Sino ang kasama ni Aaron sa pag-alalay sa nakataas na mga kamay ni Moises hanggang sa ibigay ni Jehova sa Israel ang tagumpay laban sa mga Amalekita? (Exodo 17:12)
10. Sa pamamagitan ng anong paraan nalaman ng mga alagad kung sino ang papalit sa lugar ni Hudas Iscariote? (Gawa 1:23-26)
11. Sino ang mataas na saserdote sa Israel noong panahon na maging propeta si Samuel? (1 Samuel 3:1)
12. Noong panahon ng pagtatalaga ng pagkasaserdote sa Israel, naglagay ng dugo si Moises sa anong tatlong bahagi ng katawan ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki? (Levitico 8:23, 24)
13. Sa halip na gawin si Eva na isang bukod na nilalang mula sa alabok ng lupa, siya’y binuo ng Diyos mula sa ano? (Genesis 2:21, 22)
14. Ano ang sinabi ni Pablo na “ugat ng lahat ng uri ng nakapipinsalang mga bagay”? (1 Timoteo 6:10)
15. Gaya ng ipinakikita sa Kasulatan, ano ang sukat ng lupa na kayang araruhin ng dalawang toro sa loob ng isang araw? (1 Samuel 14:14)
Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit
1. Upang idiin na yaong mga gumagawang magkakasama sa pagkakaisa at layunin ay may higit na lakas at kakayahang harapin ang mga problema
2. Dapat may hati ang kuko ng mga ito at ngumunguya ng dating kinain.
3. Si Nun
4. “Sinaktan [niya] si Job ng malulubhang bukol mula sa talampakan ng kaniyang paa hanggang sa tuktok ng kaniyang ulo”
5. Si Harbona, isa sa mga opisyal ng korte
6. “Sa kanilang mga bunga”
7. “Sinauna sa mga Araw”
8. Ginto, pilak, garing, mga unggoy, at mga paboreal
9. Si Hur
10. Nanalangin sila at nagpalabunutan
11. Si Eli
12. Sa kanang tainga, sa hinlalaki ng kanang kamay, at sa hinlalaki ng kanang paa
13. Sa isang tadyang na kinuha mula kay Adan
14. “Ang pag-ibig sa salapi”
15. Akre