Alam Mo Ba?
Alam Mo Ba?
(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa binanggit na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nasa pahina 27. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.)
1. Anong kaharian ang pinamahalaan nina Ciro, Dario, Ahasuero, at Artajerjes? (Ezra 4:5-7)
2. Bilang paglalarawan sa napakalakas na kapangyarihan ng dila sa pagkontrol sa direksiyon ng buong katawan ng isa, sa ano inihambing ni Santiago ang dila? (Santiago 3:3, 4)
3. Sino ang kauna-unahang taong iniulat na gumamit ng pangalan ng Diyos? (Genesis 4:1)
4. Ayon sa ulat, saan nakatala ang mga pangalan ng mga napatunayang matapat kay Jehova? (Apocalipsis 20:12)
5. Anong hayop ang lubhang nakakatulad ng paglalarawan sa Leviatan sa Job 41:1-34?
6. Ano ang ginawa ni Reyna Vasti na ikinagalit ni Haring Ahasuero at umakay sa pagtanggal sa kaniya bilang reyna? (Esther 1:12, 19)
7. Sa 12 lalaking isinugo ni Moises upang tiktikan ang lupain ng Canaan, sino ang bumalik na may magandang balita? (Bilang 14:6-8)
8. Gaano katagal ikukulong si Satanas sa kalaliman? (Apocalipsis 20:1-3)
9. Ano ang ginamit ni Elias sa pag-aatas kay Eliseo bilang kaniyang kahalili? (1 Hari 19:16, 19)
10. Nang kuwestiyunin ang awtoridad ni Moises at ni Aaron, paano ipinakita ni Jehova na si Aaron at ang kaniyang sambahayan ang pinili upang maging mga saserdote? (Bilang 17:1-11)
11. Sino ang unang ipinangako ni Saul na kaniyang ibibigay upang maging asawa ni David? (1 Samuel 18:17-19)
12. Anong uri ng sagot ang “pumapawi ng pagngangalit”? (Kawikaan 15:1)
13. Gaya ng binanggit ni Jesus, sino ang nagsabi na ang lalaki at ang kaniyang asawa ay “magiging isang laman”? (Mateo 19:4-6)
14. Nang akusahan ng mga Judio si Pablo na hinihikayat daw nito ang mga tao sa ibang paniniwala sa pagsamba sa Diyos, sino ang nagpawalang-saysay sa kaso dahil hindi naman ito paglabag sa batas ng Roma? (Gawa 18:12-16)
15. Sa ilustrasyon ni Jesus hinggil sa maharlika na umalis sa tahanan “upang makakuha ng makaharing kapangyarihan,” ano ang ibinigay sa mga alipin? (Lucas 19:12-24)
16. Anong buwan natapos ni Solomon ang pagtatayo ng templo sa Jerusalem? (1 Hari 6:38)
Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit
1. Persia
2. Maliit na timon ng isang malaking barko
3. Eva
4. “Balumbon ng buhay”
5. Buwaya
6. Patuloy siyang tumatangging humarap sa hari
7. Josue at Caleb
8. 1,000 taon
9. Opisyal na kasuutan niya
10. Sa lahat ng tungkod ng mga pinuno ng 12 tribo, ang tungkod lamang ni Aaron ang umusbong at namunga ng mga hinog na almendras
11. Ang kaniyang panganay na anak na babae, si Merab
12. Mahinahong sagot
13. Diyos
14. Galio, proconsul ng Acaya
15. Mina
16. Bul, ang ikawalong buwan ng sagradong kalendaryo