Alam Mo Ba?
Alam Mo Ba?
(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa binanggit na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nasa pahina 22. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.)
1. Sinong mag-asawa ang iniulat sa Bibliya na inilibing sa yungib ng Macpela malapit sa Hebron, at sino pa ang kilalang mga inilibing doon? (Genesis 49:29-33; 50:13)
2. Sinong anak na lalaki ni David ang nakilala sa kaniyang namumukod-tanging kagandahan? (2 Samuel 14:25)
3. Ano ang pagkamamamayan na taglay ni apostol Pablo mula sa pagkasilang? (Gawa 22:25-28)
4. Anong babala ang ibinigay kay Adan hinggil sa ipinagbabawal na bunga? (Genesis 2:17)
5. Pagkatapos tanggihan ni Haring Rehoboam ang kahilingan ng bayan, sino ang ipinadala ni Rehoboam sa mapaghimagsik na mga tribo ng hilaga, at ano ang nangyari sa lalaking iyon? (2 Cronica 10:18)
6. Anong punto ang gustong palitawin ni Jesus nang sabihin niyang “walang sinuman ang maaaring magpaalipin sa dalawang panginoon”? (Mateo 6:24)
7. Nang ilaan ni Jehova ang manna para kainin ng mga Israelita, ano ang nangyari sa manna na hindi napulot? (Exodo 16:21)
8. Sino ang nagkanulo kay Jesus? (Lucas 6:16)
9. Sino ang pangunahing idolong diyos ng mga Ammonita? (2 Samuel 12:30)
10. Anong bahagi ng katawan ng tao ang madalas na ginagamit sa Bibliya sa makasagisag na paraan upang lumarawan sa kakayahang maglabas ng dakilang lakas o kapangyarihan? (Jeremias 32:17)
11. Sino ang nagsabi kay Haring Ahasuero na si Vasti ay dapat alisin sa puwesto at palitan ng ibang reyna? (Esther 1:14-20)
12. Paano napatamis ni Moises ang mapait na tubig ng Marah? (Exodo 15:23-25)
13. Saan nagsimula ang martsa ng Pag-alis ng mga Israelita? (Exodo 12:37)
14. Sino ang nag-ulat kay Josias hinggil sa pagsulong ng pagkukumpuni sa templo at nagbasa sa hari ng “aklat ng kautusan” na nasumpungan doon? (2 Hari 22:8-10)
15. Anu-ano ang kulay ng apat na kabayong nakita ni Juan, gaya ng nakaulat sa Apocalipsis, at ano ang inilalarawan ng mga ito? (Apocalipsis 6:2-8)
Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit
1. Abraham at Sara; gayundin sina Isaac, Rebeka, Lea, at Jacob
2. Absalom
3. Romano
4. “Sa araw na kumain ka mula roon ay tiyak na mamamatay ka”
5. Si Hadoram, ang tagapamanihala ng mga tinawag sa puwersahang pagtatrabaho. Pinagbabato siya hanggang sa mamatay
6. “Hindi kayo maaaring magpaalipin sa Diyos at sa Kayamanan”
7. “Kapag uminit na ang araw, iyon ay natutunaw”
8. Hudas Iscariote
9. Malcam
10. Bisig
11. Si Memucan, tagapagsalita ng pitong prinsipe ng Medo-Persia
12. “Itinuro siya ni Jehova sa isang punungkahoy, at inihagis niya iyon sa tubig”
13. Rameses
14. Si Sapan, ang kalihim ng hari
15. Puti—matuwid na digmaan; kulay-apoy—digmaang gawa ng tao; itim—taggutom; maputla—kamatayan