Langis—Mauubos Kaya Ito?
Langis—Mauubos Kaya Ito?
“Kung walang [enerhiya], ang mga gulong ng industriya ay hindi iikot . . . Hindi makagagawa ng mga kotse, trak, tren, barko o eroplano . . . Kung walang enerhiya, mananatiling malamig at madilim ang mga bahay at hindi maluluto ang pagkain. . . . Kung walang pinanggagalingan ng enerhiya, literal tayong babalik sa Panahon ng Bato.”—Mula sa “U.S. Geological Survey World Petroleum Assessment 2000.”
IPINALALAGAY ng mga eksperto sa enerhiya na darating ang panahon na posibleng maubos ang suplay ng langis. Tinataya ng ilan na ang reserba ng langis sa daigdig ay tatagal mula 63 hanggang 95 taon pa. Samantala, pinakikinabangan sa kasalukuyan ang ibang pinanggagalingan ng enerhiya, anupat ang ilan sa mga ito ay maraming dekada nang ginagamit. Kabilang sa mga agad na napapalitan ay ang sumusunod na mga uri: enerhiya mula sa araw, hangin, alon, hydroelectric, at maiinit na bahagi ng karagatan. Subalit sa kasalukuyan, may malalaking problema pa rin sa produksiyon at distribusyon ng mga ito.
May posibilidad na maubos ang di-napapalitang pinanggagalingan ng enerhiya at kung maubos na nga ito, ang paggamit ng mga napapalitan ay tiyak na malabong mangyari. Handa ang mga kompanya ng langis na samantalahin ang limitadong panahong itatagal ng langis ayon sa kanilang pagtantiya. Nakalulungkot, may mga dahilan upang asahang gayon din ang itatagal ng mga problema sa lipunan at kapaligiran na may kaugnayan sa langis. Sabihin pa, ang ugat ng mga problemang ito ay hindi ang langis mismo. Iyon ay ang kasakiman at kauhawan ng tao sa kapangyarihan na nagpasamâ sa reputasyon ng langis.
Nakatutuwa, ang kinabukasan ng langis—at sa katunayan, ng lahat ng pinanggagalingan ng enerhiya—ay wala sa kamay ng mga bansa. Sa dakong huli, ito’y nasa kamay ng Maylalang at Tagapag-alaga ng lupa, ang Diyos na Jehova, na nangakong sa malapit na hinaharap, lahat ng problema sa kapaligiran at sa lipunan na kaugnay ng paggamit at pag-abuso sa mga yaman ng lupa ay mawawala na. (Apocalipsis 4:11) Gaya ng sabi ng Bibliya, malapit nang dumating ang panahon na ‘ipahahamak ng Diyos yaong mga nagpapahamak sa lupa.’ Ang matuwid na pamamahala ng Diyos ay magdudulot ng “isang bagong langit at isang bagong lupa,” isang daigdig na hindi kakikitaan ng sakim na pagsasamantala at kawalang-katarungan, kung saan ang mga yaman ng lupa ay gagamitin nang walang pag-iimbot para sa kapakinabangan ng lahat ng masunuring sangkatauhan.—Apocalipsis 11:18; 21:1-4.
[Mga larawan sa pahina 12]
Kabilang sa alternatibong pinanggagalingan ng enerhiya ang mga “solar panel” at “wind turbine”