Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Alam Mo Ba?

Alam Mo Ba?

Alam Mo Ba?

(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa binanggit na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nasa pahina 27. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.)

1. Ano ang itinalaga ni Jehova na hindi maglilikat? (Genesis 8:22)

2. Ikapu ng anong mga yerba ang sinabi ni Jesus na ubod-ingat na ibinibigay ng mga Pariseo, samantalang ipinagwawalang-bahala naman “ang katarungan at ang pag-ibig sa Diyos”? (Lucas 11:42)

3. Sa anong paraan sinabi ni Jesus na babalik siya? (Apocalipsis 16:15)

4. Gaano karaming Filisteo ang pinabagsak ni Samson sa pamamagitan ng isang “sariwang panga ng lalaking asno”? (Hukom 15:15)

5. Ano ang tawag kay Jesus dahil siya lamang ang tuwirang nilalang ni Jehova? (Juan 3:18)

6. Anong mga tagubilin ang ibinigay ni Pablo sa mga taga-Tesalonica may kinalaman sa mga taong tamad? (2 Tesalonica 3:10, 12)

7. Ano ang sinabi ni Jesus na dapat gawin ng lahat upang “makapasok sa makipot na pinto”? (Lucas 13:24)

8. Anong lunsod ang naiugnay sa dulong hilagang bahagi ng Israel? (1 Samuel 3:20)

9. Paano binabalaan ng Diyos ang mga astrologong dumalaw kay Jesus na hindi na sila dapat bumalik sa mapamaslang na Haring Herodes? (Mateo 2:12)

10. Yamang hindi marami ang mga titulo bago o pagkatapos ng pangalan ni Jesus sa Kasulatan, anong mga kombinasyon ang hindi kailanman nasumpungan doon?

11. Bakit hinihiling sa isang tagapangasiwa ng kongregasyon na “magkaroon ng mainam na patotoo mula sa mga tao sa labas”? (1 Timoteo 3:7)

12. Saan natagpuan at naturuan ni Felipe ang bating na Etiope? (Gawa 8:26)

13. Ano ang parusa kay Saul dahil sa pagsuway sa utos ni Jehova na lipulin ang lahat ng Amalekita kasama ang mga kawan at mga bakahan nito? (1 Samuel 15:23, 26)

14. Bakit namuhay si Abraham bilang dayuhan at pansamantalang residente sa kalakhang bahagi ng kaniyang buhay? (Hebreo 11:10; 12:22)

15. Si Barabas, na pinalaya ni Pilato sa halip na si Jesus, ay nagkasala sa anong mga krimen? (Lucas 23:25; Juan 18:40)

16. Ano ang pangalan ng lalaking taga-Lida, na paralisado at “nakaratay sa kaniyang teheras sa loob ng walong taon,” na pinagaling ni Pedro? (Gawa 9:32-34)

Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit

1. “Ang paghahasik ng binhi at pag-aani, at ang lamig at init, at ang tag-araw at taglamig, at ang araw at gabi”

2. Yerbabuena at ruda

3. “Gaya ng isang magnanakaw”

4. 1,000

5. Ang “bugtong na Anak ng Diyos”

6. “Kung ang sinuman ay ayaw magtrabaho, huwag din naman siyang pakainin.” “Sa paggawa nang may katahimikan ay dapat silang kumain ng pagkain na kanila mismong pinagpagalan”

7. “Magpunyagi kayo nang buong-lakas”

8. Dan

9. Sa pamamagitan ng isang panaginip

10. “Panginoong Kristo Jesus” at “Haring Kristo Jesus”

11. Upang “hindi siya mahulog sa kadustaan at sa silo ng Diyablo”

12. Sa daan sa disyerto na bumabagtas mula sa Jerusalem hanggang Gaza

13. Itinakwil siya ni Jehova “mula sa pananatiling hari sa Israel”

14. Sapagkat hinihintay niya “ang lunsod na may tunay na mga pundasyon,” ang makalangit na Jerusalem

15. Sedisyon, pagpaslang, at pagnanakaw

16. Si Eneas