Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Isang Abogado ang Humingi ng Tulong

Isang Abogado ang Humingi ng Tulong

Isang Abogado ang Humingi ng Tulong

Isang abogado, na nalulungkot sa bilang ng mga pag-aasawa na nagwawakas sa diborsiyo, ang sumulat ng ganito sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Brazil: “Marami sa mga kliyente na nagtutungo sa aking opisina ang nasa proseso na ng paghihiwalay. Lubhang nakasisiphayong marinig sa kanila ang mga dahilan upang wakasan ang kanilang pag-aasawa, gaya ng hindi mabuting komunikasyon at kawalan ng tunay na pag-ibig. Wala silang kaalam-alam tungkol sa payo na nasa inyong mga publikasyon.”

Yamang pamilyar siya sa mga Saksi ni Jehova, sumulat ang abogado: “Malulugod ako kung padadalhan ninyo ako ng materyal na maibibigay ko sa aking mga kliyente upang tulungan silang pag-isipan ang pagiging seryoso ng pag-aasawa, muling isaalang-alang ang kanilang desisyon, at minsan pang magtamasa ng isang nagkakasundo at maligayang buhay na magkasama.”

Kung nais mong tumanggap ng mahalagang payo ng Bibliya sa kung paano magtatamasa ng matagumpay na pag-aasawa, malulugod kaming magpadala sa iyo ng isang kopya ng aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya. Tinatalakay nito ang dalawang mahahalagang salik upang maging posible para sa mag-asawa ang magkasamang mamuhay nang maligaya, anupat binubuksan ang pinto sa maraming pagpapala. Maaari kang humiling ng isang kopya ng aklat na ito kung pupunan mo ang kasamang kupon at ihuhulog ito sa koreo sa adres na nasa kupon o sa angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.