Malugod Kayong Tinatanggap sa “Lumakad na Kasama ng Diyos” na Pandistritong Kombensiyon
Malugod Kayong Tinatanggap sa “Lumakad na Kasama ng Diyos” na Pandistritong Kombensiyon
▪ Milyun-milyon ang dadalo sa kombensiyong ito sa daan-daang lokasyon sa buong daigdig. Ang una sa 67 tatlong-araw na kombensiyon sa Pilipinas ay idaraos sa Nobyembre 19-21, at ang pinakahuli ay sa Enero 7-9, 2005. Ang isa sa tatlong-araw na mga pagtitipong ito—karaniwang idinaraos mula Biyernes hanggang Linggo—ay malamang na gaganapin sa isang lunsod na malapit sa inyo.
Sa maraming lugar, ang programa ay magsisimula sa pamamagitan ng musika sa ganap na alas 8:30 n.u. bawat araw. Ang tema sa Biyernes ay “Ito ang Daan. Lakaran Ninyo Ito.” Ang pahayag ng pagtanggap, “Nagtipon Upang Maturuan Tayo ni Jehova sa Kaniyang mga Daan,” ay susundan ng isang bahagi na nagtatampok ng mga panayam sa mga matapat na lumalakad na kasama ng Diyos. Pagkatapos ng mga pahayag na “Patuloy na Patunayan Kung Ano Nga Kayo” at “Hayaang Patnubayan ng Salita ng Diyos ang Inyong mga Hakbang sa Bawat Araw,” magtatapos ang pang-umagang sesyon sa pamamagitan ng pinakatemang pahayag, “Lumakad na Kasama ng Diyos sa Maligalig na Panahon.”
Kasama sa panghapong sesyon sa Biyernes ang simposyum na may tatlong bahagi, “Ang Hula ni Oseas ay Tumutulong sa Atin na Lumakad na Kasama ng Diyos.” Kasunod nito ang mga pahayag na “Huwag Paghiwalayin ‘ang Pinagtuwang ng Diyos’” at “Pagpapakita ng Paggalang sa Ating Sagradong mga Pagtitipon.” Pasisiglahin tayo ng panghuling diskurso para sa araw na ito, “Mabuting Balita Para sa mga Tao ng Lahat ng Bansa,” na ipaabot ang mabuting balita sa mga tao anuman ang kanilang wika.
Ang tema sa Sabado ay “Manatiling Mahigpit na Nagbabantay sa Inyong Paglakad.” Ang simposyum sa umaga, “Lumalakad Nang Pasulong Bilang mga Ministro,” ay may bahagi na nagbibigay ng higit pang mga mungkahi upang abutin yaong mga nagsasalita ng ibang mga wika. Ang programa sa umaga ay magtatapos sa pamamagitan ng isang mahalagang diskurso na “Lumalakad na Kasama ni Jehova Ayon sa Pinagkasunduan,” at pagkatapos nito ay may pagkakataon para bautismuhan ang kuwalipikadong mga indibiduwal.
Kasama sa mga pahayag sa Sabado ng hapon ang “Iwasan ang ‘Anumang Dahilan na Ikatitisod’ ” at “Mabubuting Gawain na Nakapagpapaginhawa.” Itinatampok ng bawat isa sa kasunod na mga bahagi, “Si Jehova ang Ating Pastol,” “Binibili ang Naaangkop na Panahon” at “Lumalakad sa Landas ng Tumitinding Liwanag,” ang nakapagpapatibay na mga panayam. Magtatapos ang sesyon sa pamamagitan ng isang nakapupukaw-kaisipang diskurso na “‘Patuloy Kayong Magbantay’—Sumapit Na ang Oras ng Paghatol.”
Ang tema ng programa sa Linggo, “Patuloy na Lumakad sa Katotohanan,” ay itinatampok sa pahayag na “Mga Kabataan—Lumakad sa Landas ng Katuwiran.” Kasunod nito ang kumpleto sa kostiyum na drama na nagtatampok sa ministeryo ni apostol Pablo. Idiriin naman ng kasunod na pahayag ang mga aral mula sa drama. Itatampok sa panghapong programa ang pahayag pangmadla na “Ang Paglakad na Kasama ng Diyos ay Nagdudulot ng mga Pagpapala Ngayon at Magpakailanman.”
Upang malaman ang lokasyon ng kombensiyon na pinakamalapit sa inyong tahanan, maaari kayong sumadya sa Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar o sumulat sa mga tagapaglathala ng magasing ito.