Lakas ng Kabataan—Magpakailanman!
Lakas ng Kabataan—Magpakailanman!
ANG lalaki sa tabi ni Jesus ay malapit nang mamatay. “Jesus,” ang pagsusumamo niya, “alalahanin mo ako pagdating mo sa iyong kaharian.” Sumagot si Jesus: “Katotohanang sinasabi ko sa iyo ngayon, Makakasama kita sa Paraiso.” (Lucas 23:42, 43) Totoo naman na ang lalaking ito na hindi binanggit ang pangalan ay hindi naghihingalo dahil sa sakit sa katandaan; nakabayubay siya dahil sa isang krimen. Gayunpaman, ang mga tumatanda ay lubhang mapatitibay-loob sa kaniyang gipit na kalagayan.
Mapahahanga tayo sa pambihirang pananalig ng lalaking ito! Kahit malapit nang mamatay si Jesus sa tulos katabi niya, hindi nag-aalinlangan ang lalaking ito na talagang mamahala si Jesus bilang Hari sa Kaharian ng Diyos. Gayundin, nangatuwiran siya na balang-araw ay maaari siyang alalahanin ni Jesus nang may pagsang-ayon. Isip-isipin—ang nahatulang lalaking iyon ay magigising mula sa kamatayan sa isang maluwalhating paraiso kapag si Jesus na ang Hari!
Ang sangkatauhan ay nasa kalagayang katulad ng makasalanang taong ito na naghihingalo. Sa anong paraan? Anuman ang ating edad, pinagbabayaran nating lahat ang parusa sa kasalanan at nangangailangan tayo ng kaligtasan. (Roma 5:12) Katulad ng kriminal na ito makababaling tayo kay Kristo Jesus para sa pag-asa—pati na ang pag-asang guminhawa mula sa nakapipighating mga problema na nararanasan sa huling bahagi ng buhay! Ang totoo nga, inialok ni Jesus sa sangkatauhan ang pag-asa na buhay na walang hanggan at ang pisikal at mental na kasakdalan sa isang paraisong lupa.—Juan 3:16, 36.
Bago ang Lahat ng Bagay Para sa Bata at Matanda
Sa ilalim ng Kaharian ni Kristo ang mga naninirahan sa lupa ay “makasusumpong nga . . . ng masidhing kaluguran sa kasaganaan ng kapayapaan.” (Awit 37:11) Walang sinuman ang magsasabi: “Ako ay may sakit.” (Isaias 33:24) Anumang kapansanan na maaaring tinitiis natin ay pagagalingin, sapagkat “aakyat ang pilay na gaya ng lalaking usa, at ang dila ng pipi ay hihiyaw sa katuwaan.” (Isaias 35:6) Manunumbalik sa mga may-edad na ang lakas ng kabataan; ang kanilang laman ay ‘magiging higit na sariwa pa kaysa noong kabataan.’—Job 33:25.
Subalit makatotohanan bang manghawakan sa gayong pag-asa? Buweno, isipin Mateo 9:35, 36; 15:30, 31; Marcos 1:40-42) Malinaw niyang ipinakita ang gagawin ng kaniyang Kaharian. Binuhay-muli pa nga ni Jesus ang ilang tao na namatay na. (Lucas 7:11-17; Juan 11:38-44) Sa paggawa ng gayon, lalo pa niyang tiniyak ang kaniyang pangako na “lahat ng nasa mga alaalang libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig at lalabas.”—Juan 5:28, 29; Gawa 24:15.
ang Isa na nagbigay ng pag-asang Paraiso sa naghihingalong lalaki. Sa maraming pagkakataon, nagdala ang mga pulutong kay Jesus ng mga taong pilay, baldado, bulag, at bingi. Buong-pananabik niyang pinagaling ang “bawat uri ng karamdaman at bawat uri ng kapansanan.” (Isip-isipin na gigising ka sa Paraiso na may bagong katawan, malinaw na paningin, tainga na nakaririnig ng mga huni ng ibon at masasayang boses, mga bisig at binti na wala nang kirot, at malusog na pag-iisip. Wala na magpakailanman ang “kapaha-pahamak na mga araw” ng pagtanda. (Eclesiastes 12:1-7; Isaias 35:5, 6) Maging ang kamatayan ay “papawiin”—‘lululunin ito magpakailanman.’—1 Corinto 15:26, 54.
Ang pagsusuri sa kasalukuyang mga pangyayari sa daigdig sa liwanag ng mga hula sa Bibliya ay nagpapahiwatig na papalapit na tayo nang papalapit sa katapusan ng pagtanda na nararanasan natin. (Mateo 24:7, 12, 14; Lucas 21:11; 2 Timoteo 3:1-5) Malapit na ang panahon na ang mga may-edad nang nanampalataya sa Diyos at nakapaglingkod sa kaniya ay muling magtatamasa ng lakas ng kabataan—pero sa pagkakataong ito ay magpakailanman!
[Kahon/Larawan sa pahina 9]
Ensayuhin ang Iyong Utak!
Kung paanong ang pisikal na ehersisyo ay nagpapalakas sa kalamnan, ang pagsasanay sa isip ay nagpapatalas sa kakayahan ng utak. Upang mapasigla ang utak, kailangan nating gumawa ng bagong mga bagay. Narito ang ilang paraan upang mapatatag at mapatibay ang mga koneksiyon sa selula ng utak.
▪ Linangin ang interes sa bagong mga larangan, tulad ng sining, eskultura, word game, o jigsaw at crossword puzzle; mag-aral ng ibang wika.
▪ Makipag-ugnayan sa iba’t ibang tao; makisalamuha at makipag-usap upang maiwasan ang pagkabagot at mapatalas pa ang isip.
▪ Linangin ang espirituwalidad. “Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay, kundi sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng panalangin at pagsusumamo na may kasamang pasasalamat ay ipaalam ang inyong mga pakiusap sa Diyos; at ang kapayapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng kaisipan ay magbabantay sa inyong mga puso at sa inyong mga kakayahang pangkaisipan sa pamamagitan ni Kristo Jesus.”—Filipos 4:6, 7.
▪ Magbasa ng angkop na materyal; ikuwento sa iba ang nabasa mo.
▪ Alalahanin at ibahagi sa iba ang mga balita sa radyo at telebisyon upang masanay ang iyong panandalian at pangmatagalang memorya.
▪ Gamitin ang kamay na bihira mong gamitin (kaliwang kamay kung laging kanan ang ginagamit mo, o kabaligtaran nito) sa pagpindot ng remote control ng TV, sa paggamit ng telepono, o sa pagsisipilyo.
▪ Hangga’t maaari, gamitin ang lahat ng iyong pandamdam sa loob ng isang araw.
▪ Alamin ang kawili-wiling mga lugar na malapit o malayo at pasyalan ang mga ito.
[Larawan sa pahina 8, 9]
Ipinangako ni Jesus na malapit nang mapawi ang makirot na pagtanda at palitan ng lakas ng kabataan magpakailanman