Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“Tumanggap ng mga Pagpapala sa Pamamagitan ng Haring Ginagabayan ng Espiritu ni Jehova”

“Tumanggap ng mga Pagpapala sa Pamamagitan ng Haring Ginagabayan ng Espiritu ni Jehova”

  “Tumanggap ng mga Pagpapala sa Pamamagitan ng Haring Ginagabayan ng Espiritu ni Jehova”

“Ang tao ay nanunupil sa tao sa kaniyang ikapipinsala.” Ang mga pananalitang ito na mababasa sa Bibliya sa Eclesiastes 8:9 ay angkop na naglalarawan sa kasaysayan ng pamamahala ng tao. May pag-asa pa kayang bumuti ang pamamahala ng tao? O ang mga kabiguan noong nakaraan ay mauulit lamang sa hinaharap? Sasagutin ang mga tanong na ito sa pahayag pangmadlang bibigkasin sa 2008/2009 “Ginagabayan ng Espiritu ng Diyos” na Pandistritong Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova. Ang pahayag na pinamagatang “Tumanggap ng mga Pagpapala sa Pamamagitan ng Haring Ginagabayan ng Espiritu ni Jehova,” ay magtutuon ng pansin sa isa na talagang mamamahala sa makatarungan at maibiging paraan—si Jesu-Kristo na nagbigay ng kaniyang buhay alang-alang sa atin.—Mateo 20:28.

Bakit naiiba si Jesus sa ibang tagapamahala? Ganito ang sagot ng propeta ng Diyos na si Isaias: “Sasakaniya ang espiritu [ng Diyos na] Jehova, ang espiritu ng karunungan at ng pagkaunawa, ang espiritu ng payo at ng kalakasan, ang espiritu ng kaalaman at ng pagkatakot kay Jehova; at magkakaroon siya ng kasiyahan sa pagkatakot kay Jehova. At hindi siya hahatol ayon lamang sa nakita ng kaniyang mga mata, ni sasaway man ayon lamang sa narinig ng kaniyang mga tainga. At sa katuwiran ay hahatulan niya ang mga maralita, at sa katapatan ay sasaway siya alang-alang sa maaamo sa lupa.”—Isaias 11:2-4.

Kaakit-akit ba sa iyo ang paglalarawang ito? Kung gayon, inaanyayahan ka na dumalo at makinig sa pahayag pangmadla sa isa sa walumpung pandistritong kombensiyon na gaganapin sa Pilipinas pasimula sa katapusan ng buwang ito. Upang malaman ang lokasyon ng kombensiyon na pinakamalapit sa inyo, makipag-ugnayan sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar o sumulat sa mga tagapaglathala ng magasing ito sa isa sa mga adres na nakatala sa pahina 5.

[Larawan sa pahina 32]

www.watchtower.org