May Nagdisenyo ba Nito?
Buto—Kamangha-mangha ang Tibay
● Inilarawan ang buto bilang isang ‘obramaestra ng inhinyeriya pagdating sa tibay.’ Bakit?
Pag-isipan ito: Ang tao ay may humigit-kumulang 206 na buto at 68 kasukasuan. Ang pinakamahabang buto ay ang femur, o buto sa hita; ang pinakamaliit ay ang stapes, isang buto sa loob ng tainga. Gaya ng makikita sa isang bihasang gymnast, nababanat at nakakakilos ang isang malusog na katawan sa tulong ng mga buto, kalamnan, cartilage, at kasukasuan. “Hinlalaki pa lang, tiyak na makukumbinsi na ang sinuman na talagang napakatalino ng arkitekto ng ating katawan (sinuman siya)!” ang sabi ng National Space Biomedical Research Institute.
Kayang-kaya rin ng buto kahit ang matinding puwersa. “Parehung-pareho ang pagkakabuo [rito] at ng reinforced concrete,” ang sabi ng Institute. “Ang bakal na ginagamit sa reinforced concrete ang nagbibigay ng tensile strength, habang ang semento, buhangin, at bato naman ang nagbibigay ng compressional strength. Pero ang compressional strength ng buto ay mas matatag kaysa sa pinakamatibay na reinforced concrete.” “Gusto sana namin itong gayahin,” ang sabi ni Robert O. Ritchie, propesor ng materials science sa University of California, Berkeley, E.U.A.
Di-gaya ng kongkreto, ang buto ay isang napakahalagang parte ng halos lahat ng nabubuhay na organismo. At marami itong nagagawa. Kaya nitong kumpunihin ang sarili, mabuo at madebelop sa tulong ng hormon, at malaki pa nga ang papel nito sa paggawa ng mga selula ng dugo. Gaya ng kalamnan, mas lumalakas ito habang nadaragdagan ang bigat na sinusuportahan nito. Kaya naman mas mabibigat ang buto ng mga atleta kaysa sa mga taong walang ehersisyo.
Ano sa palagay mo? Produkto ba ng ebolusyon ang buto? O may nagdisenyo nito?
[Larawan sa pahina 25]
Istraktura ng buto (pinalaki)
[Picture Credit Lines sa pahina 25]
Leg bone: © MedicalRF.com/age fotostock; close-up: © Alfred Pasieka/Photo Researchers, Inc.; gymnast: Cultura RF/Punchstock