Repaso Para sa Pamilya
Repaso Para sa Pamilya
Tama ba ang Desisyon Niya?
Basahin ang Genesis 39:1-23. Ngayon, tingnan mo ang larawan, at isulat ang iyong sagot sa mga patlang na nasa ibaba.
1. Sino ang babae sa eksenang ito?
․․․․․
2. Sino ang lalaki?
․․․․․
3. Ano ang ipinasiya ng lalaki?
․․․․․
PARA SA TALAKAYAN:
Bakit gayon ang pasiya ng lalaki? Pinagdusahan ba niya ito? Tama kaya ang pasiya niya? Kung oo, bakit? Kailan ka puwedeng magdusa dahil sa paggawa ng tama?
KILALA MO BA SI HARING SAUL?
4. Ilarawan ang hitsura ni Saul.
CLUE: Basahin ang 1 Samuel 9:1, 2.
․․․․․
5. Bakit pinalitan ni Jehova si Saul?
CLUE: Basahin ang 1 Samuel 13:13, 14.
․․․․․
PARA SA TALAKAYAN:
Para sa Diyos, ano ang mas mahalaga kaysa sa panlabas na hitsura ng isa?
CLUE: Basahin ang 1 Samuel 16:6, 7.
Paano makakatulong sa iyo ang pangmalas ng Diyos para mapanatili mo ang tamang pangmalas sa iyong hitsura?
CLUE: Basahin ang 1 Timoteo 4:8.
MGA BATA, HANAPIN ANG LARAWAN
Saang mga pahina makikita ang mga larawang ito? Masasabi mo ba kung ano ang nangyayari sa bawat larawan?
MULA SA ISYUNG ITO
Sagutin ang mga tanong, at isulat ang nawawalang (mga) talata sa Bibliya.
PAHINA 4 Tungkol sa trabaho, ano ang ipinapayo ng Bibliya? Eclesiastes 3:․․․
PAHINA 7 Ano ang dapat nating pagsikapan? Juan 6:․․․
PAHINA 10 Nagtakda ang Diyos ng isang araw para gawin ang ano? Gawa 17:․․․
PAHINA 28 Kapag ikinasal ang magkasintahan, magiging ano sila? Genesis 2:․․․
● Nasa pahina 14 ang mga sagot
MGA SAGOT SA PAHINA 31
1. Asawa ni Potipar.
2. Jose.
3. Huwag humiga sa tabi ng asawa ni Potipar.
4. Si Saul ay matangkad at magandang lalaki.
5. Sinuway ni Saul ang Diyos.