Repaso Para sa Pamilya
Repaso Para sa Pamilya
Tama ba ang Naging Pasiya?
Basahin ang Marcos 14:66-72. Ngayon, tingnan mo ang larawan. Isulat ang iyong sagot sa mga patlang na nasa ibaba.
1. Saan naganap ang pangyayari sa larawan?
CLUE: Basahin ang Marcos 14:53, 54.
․․․․․
2. Nang makilala ng mga tao si Pedro bilang tagasunod ni Jesus, ano ang ginawa niya?
․․․․․
3. Ano ang nangyari nang tumilaok ang manok sa pangalawang beses?
․․․․․
PARA SA TALAKAYAN:
Bakit kaya gayon ang naging reaksiyon ni Pedro? Paano mo maiiwasan ang gayunding pagkakamali?
KILALA MO BA SI HARING JEHOSAPAT?
4. Paano itinuwid ni Jehosapat ang sistemang hudisyal sa Juda?
CLUE: Basahin ang 2 Cronica 19:5-11.
․․․․․
5. Ano ang naging pagkakamali ni Jehosapat?
CLUE: Basahin ang 2 Cronica 18:1-3; 19:1-3.
․․․․․
PARA SA TALAKAYAN:
Ano ang matututuhan mo kay Jehosapat kapag pumipili ka ng kasama?
CLUE: Basahin ang 1 Corinto 15:33.
MGA BATA, HANAPIN ANG LARAWAN
Saang mga pahina makikita ang mga larawang ito? Masasabi mo ba kung ano ang nangyayari sa bawat larawan?
MULA SA ISYUNG ITO
Sagutin ang mga tanong na ito, at isulat ang nawawalang (mga) talata sa Bibliya.
PAHINA 4 Dapat nating linisin ang ating sarili mula sa ano? 2 Corinto 7:․․․
PAHINA 5 Ano ang magagawa ng dalawang magkasama? Eclesiastes 4:․․․
PAHINA 19 Sa ano hindi inilalagak ng matatalino ang kanilang pag-asa? 1 Timoteo 6:․․․
PAHINA 27 Higit kang maligaya sa paggawa ng ano? Gawa 20:․․․
● Nasa pahina 24 ang mga sagot
MGA SAGOT SA PAHINA 31
1. Sa looban ng bahay ng mataas na saserdote.
2. Ikinaila ni Pedro na kilala niya si Jesus.
3. Nanangis si Pedro.
4. Naglagay si Jehosapat ng may-takot sa Diyos na mga hukom sa mga lunsod, at ng mga Levita at saserdote sa Jerusalem.
5. Nakipag-alyansa siya sa ubod-samang haring si Ahab.