May Nagdisenyo ba Nito?
Ang Malamig na Liwanag ng Alitaptap
● Sa mga rehiyong tropikal at katamtaman ang klima, kilala ang alitaptap sa kumukuti-kutitap na liwanag na ginagamit nito para makaakit ng kapareha. At walang sinabi sa liwanag ng alitaptap ang liwanag ng bombilya at fluorescent na gawa ng tao. Kaya sa susunod na tingnan mo ang bill ng kuryente ninyo, isipin ang nagagawa ng maliit na insektong ito.
Pag-isipan ito: Ang liwanag na inilalabas ng bombilya ay 10 porsiyento lamang ng enerhiya nito; ang mas malaking bahagi nito ay puro init, kaya nasasayang lang. Mas mahusay ang fluorescent dahil 90 porsiyento ng enerhiya nito ay liwanag. Pero hindi pa rin nito mapapantayan ang alitaptap. Kaunti lang kasi ang ultraviolet o infrared rays na inilalabas ng insektong ito. Ibig sabihin, mga 100 porsiyento ng enerhiya nito ay liwanag, kaya halos walang nasasayang!
Ang sekreto ng alitaptap ay nasa kemikal na reaksiyon ng substansiyang luciferin, enzyme na luciferase, at oksiheno. Nangyayari ang reaksiyong ito kapag ginamit ng espesyal na mga selulang tinatawag na mga photocyte ang luciferase sa tulong ng oksiheno. Ang resulta ay ‘malamig’ na liwanag, dahil halos wala itong init. Sinabi ng isang propesor sa paghahalaman at kapaligiran na si Sandra Mason na “siguradong inggit na inggit sa mga alitaptap” si Thomas Edison, imbentor ng bombilya.
Ano ang masasabi mo? Nagkataon lamang ba na malamig ang liwanag ng alitaptap? O dinisenyo ito?
[Dayagram/Mga larawan sa pahina 15]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
PORSIYENTO NG ENERHIYA NA NAGIGING LIWANAG
Bombilya 10%
Fluorescent 90%
Alitaptap 96%
[Picture Credit Lines sa pahina 15]
Alitaptap sa dahon: © E. R. Degginger/Photo Researchers, Inc.; lumilipad na alitaptap: © Darwin Dale/Photo Researchers, Inc.