May Nagdisenyo ba Nito?
Ang Pakpak ng Tutubi
● Hindi gaanong nagbabago ang altitud ng ilang tutubi kahit hindi ito kumakampay sa loob ng 30 segundo. Ang dahilan? Isang pambihirang pakpak na hindi maitutulad sa anumang eroplano sa ngayon!
Pag-isipan ito: Ang napakanipis na mga pakpak ng tutubi ay may mga pileges kaya hindi ito bumabaluktot. Nakita ng mga siyentipiko na nakatutulong din ito sa tutubi para lumipad nang walang kahirap-hirap. Ipinaliwanag ng magasing New Scientist na malayang nakakadaloy ang hangin sa mga espasyo sa mga pileges. Nakatutulong ito sa tutubi na manatili sa ere kahit hindi gaanong ikinakampay ang pakpak.
Matapos pag-aralan ang pakpak ng tutubi, sinabi ng aerospace engineer na si Abel Vargas at ng kaniyang mga kasama na “napakahalaga ng disenyo ng mga likas na pakpak sa pagdidisenyo ng pagkaliliit na mga aparatong lumilipad.” Nilalagyan ng kamera o iba pang gadyet ang gayong mga aparato o robot na kasinlaki ng palad. Marami itong gamit gaya ng pagkuha ng impormasyon sa mga lugar ng sakuna at pagmomonitor ng polusyon.
Ano sa palagay mo? Nagkataon lang ba ang napakanipis at may pileges na pakpak ng tutubi? O may nagdisenyo nito?
[Larawan sa pahina 25]
Ang dragonfly microdrone (isang napakaliit na aparatong lumilipad) ay may timbang na 120 miligramo (.004 onsa), lapad na anim na sentimetro (2.4 pulgada), at may napakanipis na pakpak na silicon na kumakampay sa pamamagitan ng kuryente
[Credit Line]
© Philippe Psaila/Photo Researchers, Inc.