Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Repaso Para sa Pamilya

Repaso Para sa Pamilya

Repaso Para sa Pamilya

Ano ang Mali sa Larawang Ito?

Basahin ang Juan 6:5-13. Anong tatlong bagay ang mali sa larawan? Isulat sa ibaba ang iyong mga sagot at kulayan ang larawan.

1. ․․․․․

2. ․․․․․

3. ․․․․․

PARA SA TALAKAYAN:

Ano ang iniutos ni Jesus na tipunin ng kaniyang mga alagad, at bakit? Ano ang itinuturo nito sa atin tungkol kay Jesus? Paano mo maiiwasang mag-aksaya?

PARA SA PAMILYA:

Basahin ang ulat ng Bibliya nang magkakasama. Kung posible, ipabasa sa isa ang bahagi ng tagapaglahad. Iba-iba rin ang babasa sa bahagi ng bawat tauhan. Isa kay Jesus, isa kay Felipe, at isa kay Andres.

Ipunin at Pag-aralan

Gupitin, tiklupin, at ingatan

BIBLE CARD 1 JOSUE

MGA TANONG

A. Paano pinabagsak ni Josue at ng kaniyang hukbo ang mga pader ng Jerico?

B. Buuin ang sinabi ni Josue: “Kung para sa akin at sa aking sambahayan, . . .”

C. Ano pa ang ibang pangalan ni Josue?

[Chart]

4026 B.C.E. Nilalang si Adan

Nabuhay noong mga 1500 B.C.E.

1 C.E.

98 C.E. Isinulat ang huling aklat ng Bibliya

[Mapa]

Lumipat mula Ehipto patungong Lupang Pangako

EHIPTO

LUPANG PANGAKO

JOSUE

MAIKLING IMPORMASYON

Anak ni Nun. Naglingkod siya kay Moises at nang maglaon ay inatasang manguna sa Israel. (Exodo 33:11; Deuteronomio 34:9; Josue 1:1, 2) Walang takot na inakay ni Josue ang bayan ng Diyos sa Lupang Pangako. Nagtiwala siya sa mga pangako ni Jehova, sumunod sa Kaniyang mga tagubilin, at naglingkod nang tapat sa Kaniya.

MGA SAGOT

A. Sinunod nila ang Diyos at nagmartsa sa palibot ng lunsod.​—Josue 6:1-27.

B. “. . . maglilingkod kami kay Jehova.”​—Josue 24:15.

C. Hosea at Jehosua.​—Bilang 13:8, 16.

Mga Tao at mga Lugar

4. Ako si Victor. Ako ay pitong taóng gulang at nakatira sa Malawi, sa Aprika. Mga ilang Saksi ni Jehova ang nakatira sa Malawi? Ito ba ay 750, 7,500, o 75,000?

5. Saan ako nakatira? Bilugan ito. Markahan ang lugar kung saan ka nakatira, at tingnan kung gaano ka kalapit sa Malawi.

A

B

C

D

Mga Bata, Hanapin ang Larawan

Saang mga pahina makikita ang mga larawang ito? Masasabi mo ba kung ano ang nangyayari sa bawat larawan?

● Nasa pahina 22 ang sagot sa mga tanong sa pahina 30 at 31

MGA SAGOT SA PAHINA 30 AT 31

1. Batang lalaki at hindi batang babae ang dapat may hawak ng pagkain.

2. Sa halip na limang mansanas, dapat ay limang tinapay.

3. Sa halip na dalawang mais, dapat ay dalawang isda.

4. 75,000.

5. C.