“Hindi Ko Na Ito Mailapag!”
“Hindi Ko Na Ito Mailapag!”
● Sa buong daigdig, maraming kabataan ang nagpapahalaga sa aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 2. * Ganito ang sinabi ng ilan sa kanila:
“Natutuwa ako dahil tinuturuan kami ng aklat na makipag-usap sa aming mga magulang. Sinunod ko ang mga mungkahi rito, at naging mas maayos ang komunikasyon namin ng mga magulang ko.”—Roberto, Mexico.
“Nang simulan kong basahin ang aklat, hindi ko na ito mailapag! Gusto ko yung ‘Ang Plano Kong Gawin!’ sa dulo ng bawat kabanata, at yung ‘Personal Kong Nota’ sa dulo ng bawat seksiyon. Nakatulong sa ’kin ang aklat na ito para maipagtanggol ko sa school ang aking mga paniniwala.”—Joelah, Estados Unidos.
“Habang nagbabasa ako, lalo akong nata-touch. Hanga ako sa sinabi ng maraming kabataan, pati na rin sa mga kahon na ‘Alam Mo Ba?’ at ‘Tip.’ Ipinapakita ng librong ito na interesado sa mga kabataan ang Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova.”—Hui-won, Timog Korea.
“Sa lahat ng librong inilathala ng mga Saksi ni
Jehova, ito ang pinakamasarap basahin! Alam na alam n’yo kung ano ang nasa isip ng mga tin-edyer at kung ano ang mga problema nila sa pamilya, school, at mga kaibigan.”—Shana, Canada.“Tuwing nag-aaway ang mga magulang ko, nagmumukmok ako sa kuwarto at umiiyak. Pero nang mabasa ko ang kabanata 24, ‘Paano Kung Nag-aaway Sina Tatay at Nanay?,’ sinabi ko sa mga magulang ko ang epekto sa ’kin ng pag-aaway nila. Nagulat sila. Binasa rin nila ang kabanatang ’yon. Ngayon, naiintindihan na nila ang feelings ko, at bihira na silang magtalo.”—Mariana, Czech Republic.
“Talagang na-touch ako sa mga pahinang ‘Mabuting Halimbawa.’ Nakatulong ito sa ’kin na maituwid ang mga kahinaan ko. Halimbawa, sa Kristiyanong kongregasyon, hiráp akong makipagkaibigan sa mga hindi ko gaanong kakilala. Pero sinasabi ng pahina 97 kung paano kinaibigan ni Lydia si Pablo at ang mga kasama nito sa pamamagitan ng pagiging mapagpatuloy. Ngayon, ganiyan na rin ang ginagawa ko.”—Mónika, Hungary.
[Talababa]
^ par. 2 Inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
[Kahon/Larawan sa pahina 25]
“SEX BAGO ANG KASAL—BAKIT MALI?”
Si Katrina, isang 16-anyos na taga-Estados Unidos, ay inatasang magbigay ng report sa kaniyang speech class sa kahit anong paksang gusto niya. Ginamit niya ang aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 2, at pinili niya ang paksang “Sex Bago ang Kasal—Bakit Mali?” Sinabi ng kaniyang mga magulang: “Sa kaniyang report, ipinaliwanag ni Katrina ang ibig sabihin ng ‘abstinence,’ ang mga panganib ng premarital sex, at ang masasamang resulta ng paglabag sa mga pamantayang moral ng Diyos. Binasa rin ni Katrina mula sa aklat ang sinabi ng ilang kabataan matapos nilang labagin ang mga pamantayan ng Diyos. Inanyayahan din niyang magtanong ang kaniyang mga kaklase, at saka niya sila sinagot. Pagkatapos ng report, nagbigay ng maikling sulat ang guro ni Katrina. Ganito ang ilang nakalagay roon: ‘Salamat sa pagsasabi ng katotohanan at sa pagbubukas ng aming isipan. Panatilihin mong matibay ang iyong pananampalataya.’”