Repaso Para sa Pamilya
Repaso Para sa Pamilya
Ano ang Kulang sa Larawang Ito?
Basahin ang 1 Cronica 16:1, 2, 4-10. Ngayon, tingnan mo ang larawan. Anu-ano ang kulang sa larawan? Isulat sa ibaba ang iyong mga sagot. Pagdugtung-dugtungin ang mga tuldok para makumpleto ang larawan, at kulayan ito.
1. ․․․․․
2. ․․․․․
3. ․․․․․
[Dayagram]
(Tingnan ang publikasyon)
PARA SA TALAKAYAN:
Gusto ba ng Diyos na Jehova na maging bahagi ng pagsamba natin ang musika at pag-awit? Bakit iyan ang sagot mo?
CLUE: Basahin ang 2 Cronica 5:13, 14; Efeso 5:19.
May alam ka bang ibang ulat sa Bibliya kung saan ang pag-awit ay bahagi ng tunay na pagsamba?
CLUE: Basahin ang Exodo 15:1-20; Marcos 14:26; Gawa 16:25.
Anong saloobin ang makatutulong sa iyo na umawit kay Jehova kahit mahiyain ka o pakiramdam mo’y hindi ka gaanong magaling kumanta?
CLUE: Basahin ang Awit 33:1-3.
PARA SA PAMILYA:
Papiliin ang bawat miyembro ng pamilya ng paborito niyang awit ng papuri kay Jehova. Bilang isang pamilya, kantahin ang mga awit na iyon hanggang sa maging pamilyar kayo roon.
Ipunin at Pag-aralan
Gupitin, tiklupin, at ingatan
BIBLE CARD 17 JONAS
MGA TANONG
A. Si Jonas ay inutusang mangaral sa ․․․․․, kung saan mahigit ․․․․․ tao ang nakatira.
B. Bagaman tinakasan noon ni Jonas ang atas niya, ano ang lakas-loob niyang ginawa para iligtas ang iba?
C. Kumpletuhin ang sinasabi ng Bibliya: “Si Jonas ay napasa mga panloob na bahagi ng . . .”
[Chart]
4026 B.C.E. Nilalang si Adan
Nabuhay noong mga 840 B.C.E.
1 C.E.
98 C.E. Isinulat ang huling aklat ng Bibliya
[Mapa]
Tumakas mula sa Gat-heper patungong Tarsis
Gat-heper
TARSIS
Nineve
JONAS
MAIKLING IMPORMASYON
Isang propeta ni Jehova na naglingkod noong nagpupuno si Haring Jeroboam II. (2 Hari 14:23-25) Tinuruan ni Jehova si Jonas na huwag lang ang sarili ang isipin kundi pati ang pangangailangan ng iba. (Jonas 4:6-11) Matututuhan natin sa karanasan ni Jonas na si Jehova ay napakamatiisin, maawain, at mabait sa makasalanang mga tao.
MGA SAGOT
A. Nineve, 120,000.—Jonas 1:1, 2; 4:11.
B. Sinabi niya sa mga magdaragat na ihagis siya sa dagat para kumalma ito.—Jonas 1:3, 9-16.
C. “ . . . isda nang tatlong araw at tatlong gabi.”—Jonas 1:17.
Mga Tao at mga Lugar
4. Kami sina Melissa, 9 na taon, at Edilo, 7 taon. Nakatira kami sa Cuba. Mga ilang Saksi ni Jehova ang nakatira sa Cuba? Ito ba ay 51,000, 91,000, o 131,000?
5. Saan kami nakatira? Bilugan ito. Markahan ang lugar kung saan ka nakatira, at tingnan kung gaano ka kalayo sa Cuba.
A
B
C
D
Mga Bata, Hanapin ang Larawan
Saang mga pahina makikita ang mga larawang ito? Masasabi mo ba kung ano ang nangyayari sa bawat larawan?
Kung gusto ninyong mag-print ng karagdagang kopya ng “Repaso Para sa Pamilya,” pumunta sa www.dan124.com
● Nasa pahina 14 ang mga sagot sa “REPASO PARA SA PAMILYA”
MGA SAGOT SA PAHINA 30 AT 31
1. Tolda na kinaroroonan ng Kaban.
2. Alpa.
3. Trumpeta.
4. 91,000.
5. C.