Repaso Para sa Pamilya
Ano ang Mali sa Larawang Ito?
Basahin ang Lucas 17:11-19. Anong tatlong bagay ang mali sa larawan? Isulat sa ibaba ang iyong mga sagot, at kulayan ang larawan.
PARA SA TALAKAYAN:
Ano ang ginawa ng isang ketongin na hindi ginawa ng mga kasama niya?
CLUE: Basahin ang Lucas 17:15, 16.
Paano mo siya matutularan?
CLUE: Basahin ang Colosas 3:15; 1 Tesalonica 5:18.
Sino ang hindi mo dapat kalimutang pasalamatan araw-araw?
CLUE: Basahin ang Awit 107:8; Santiago 1:17.
PARA SA PAMILYA:
Magsulat ang bawat miyembro ng pamilya ng kahit isang dahilan kung bakit sila nagpapasalamat sa Diyos na Jehova, sa isang kapamilya, at sa isang kaibigan. Pagkatapos, ilista ang mga puwede mong gawin para maipakita ang iyong pasasalamat sa kanila.
Ipunin at Pag-aralan
BIBLE CARD 21 MOISES
MGA TANONG
A. Anong mga aklat ng Bibliya ang ipinasulat ni Jehova kay Moises?
B. Ang mga magulang ni Moises ay sina ․․․․․ at ․․․․․. Inampon siya ng ․․․․․ ․․․․․.
C. Kumpletuhin ang sinabi ng Bibliya: Si Moises ay “nagpatuloy [na] matatag na parang . . .”
MAIKLING IMPORMASYON
Siya ang unang tao sa Bibliya na binigyan ng kapangyarihang maghimala. Naglingkod si Moises bilang propeta ng Diyos, hukom, tagapagbigay-kautusan, at lider ng sinaunang Israel. Para sa mga Israelita, isa siyang tao na nakagawa ng maraming dakilang bagay.—Deuteronomio 34:10-12; Exodo 4:1-9.
MGA SAGOT
A. Genesis, Exodo, Levitico, Mga Bilang, Deuteronomio, at Job, gayundin ang Awit 90 at baka pati 91.
B. Amram, Jokebed, anak na babae ni Paraon.—Exodo 1:15–2:10; 6:20.
C. “. . . nakikita ang Isa na di-nakikita.”—Hebreo 11:27.
Mga Tao at mga Lugar
4. Ako si Mampionona, walong taóng gulang. Nakatira ako sa Madagascar. Mga ilang Saksi ni Jehova ang nakatira sa Madagascar? Ito ba ay 10,000, 24,000, o 62,000?
5. Bilugan ang marka kung saan ako nakatira. Markahan ang lugar kung saan ka nakatira, at tingnan kung gaano ka kalayo sa Madagascar.
Mga Bata, Hanapin ang Larawan
Saang mga pahina makikita ang mga larawang ito? Masasabi mo ba kung ano ang nangyayari sa bawat larawan?
MGA SAGOT
- Ang mga ketongin ay 10, hindi 11.
- Ang mga ketongin sa ulat ay puro lalaki.
- “Isinubsob [ng bumalik na lalaki] ang kaniyang mukha sa paanan ni Jesus, na pinasasalamatan siya.”
- 24,000.
- B.