Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

MAY NAGDISENYO BA NITO?

Ang Buntot ng Agama Lizard

Ang Buntot ng Agama Lizard

ANG agama lizard ay madaling nakatatalon patungo sa mga dingding. Pero kapag madulas ang pinanggalingan niya, namamali ito ng talon. Gayunman, nagagawa pa rin niyang maka-landing nang maayos sa dingding. Bakit? Dahil sa kaniyang buntot.

Pag-isipan ito: Kapag tumatalon ang agama mula sa magaspang na lugar​—kung saan nakakakapit siya—​pinatatatag niya ang kaniyang katawan at pinananatiling nakababa ang kaniyang buntot para makatalon siya sa tamang posisyon. Kapag madulas naman ang pinanggalingan niya, nadudulas siya at nagkakamali ng talon. Pero habang nasa ere, itinatama niya ang posisyon ng kaniyang katawan sa pamamagitan ng pagpapaling paitaas ng kaniyang buntot. Hindi simple ang prosesong ito. “Kailangan ng [agama] lizard na mai-adjust nang tamang-tama ang posisyon ng kaniyang buntot para manatili itong nakapatayo,” ang sabi ng isang report mula sa University of California, Berkeley. Miyentras mas madulas ang pinanggalingan niya, lalong kailangan niyang ipaling nang mas mataas ang kaniyang buntot para maka-landing siya nang maayos.

Ang kakayahang ito ng buntot ng agama ay makatutulong sa mga inhinyero na makapagdisenyo ng mabilis pero di-sumesemplang na mga sasakyang robot na magagamit sa paghahanap ng mga nakaligtas sa lindol o iba pang sakuna. “Ang mga robot ay hindi kasinliksi at kasintatag ng mga hayop,” ang sabi ng mananaliksik na si Thomas Libby, “kaya kapag nakapagdisenyo ng mga robot na mas matatag, malaking pagsulong ito.”

Ano sa palagay mo? Ang buntot ba ng agama lizard ay resulta ng ebolusyon? O may nagdisenyo nito?