MAY NAGDISENYO BA NITO?
Ang Balat ng Ahas
PALIBHASA’Y walang paa, kailangan ng mga ahas ang matibay na balat na tatagal sa palaging pagkiskis habang gumagapang ang mga ito. May mga ahas na umaakyat sa magagaspang na puno, ang iba naman ay sumusuot sa magagaspang na buhangin. Bakit kaya napakatibay ng balat ng ahas?
Pag-isipan ito: Depende sa uri ng ahas, nagkakaiba-iba ang kapal at kayarian ng balat nito. Pero ang balat ng lahat ng uri ng ahas ay pare-parehong matigas sa labas at papalambot sa loob. Ano ang bentaha nito? “Kapag ang isang materyales ay matigas sa labas at papalambot sa loob, mas pantay na naa-absorb ang puwersang tumatama rito,” ang sabi ng mananaliksik na si Marie-Christin Klein. Dahil sa naiibang kayarian ng balat ng ahas, puwedeng ikiskis ng ahas ang kaniyang balat sa lupa para makausad, pero pantay na naa-absorb ng balat ang puwersang likha ng pagkiskis sa matatalas na bato kaya hindi ito nasisira. Kailangang maging matibay ito dahil karaniwan nang tuwing dalawa hanggang tatlong buwan lang nagpapalit ng balat ang ahas.
Ang mga materyales na may katangiang gaya ng sa balat ng ahas ay kapaki-pakinabang sa medisina
Ano sa palagay mo? Ang balat ba ng ahas ay resulta ng ebolusyon? O may nagdisenyo nito?