MGA BANSA AT MGA TAO
Pagbisita sa Cambodia
MGA nakalutang na nayon, matataong palengke, mga kalsadang punô ng motorsiklong may kargang kung ano-ano mula sa buháy na manok hanggang sa refrigerator
Ang mga taga-Cambodia ay kilaláng mababait, palakaibigan, at malapít sa isa’t isa. Sa di-pormal na pag-uusap, baka magtawagan pa nga sila ng kuya, ate, tiya, tiyo, lola, o lolo
Kanin ang pangunahing pagkain sa Cambodia. Karaniwan nang tatlo o apat na ulam ang inihahain, at kadalasan nang may kasamang sabaw. Paborito nila ang isda. Sa hapag-kainan, karaniwang inihahain ang mga ulam na matamis, maasim, at maalat.
Mga 2,000 taon na ang nakararaan, ang mga mángangalakál na taga-India at mga pilgrim na papuntang Tsina ay nagsimulang dumaong sa baybayin ng Cambodia at ipinagpalit nila ang kanilang mga seda at metal sa mga espesya, mababangong kahoy, garing, at ginto. Nang maglaon, naimpluwensiyahan ng India at Tsina ang Cambodia, kung kaya lumaganap ang Hinduismo at Budismo. Sa ngayon, mahigit 90 porsiyento ng mga tagarito ay Budista.
Ang mga Saksi ni Jehova sa Cambodia ay nagbibigay ng mensahe ng pag-asa mula sa Bibliya. Marami na silang natulungan gamit ang aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Makukuha ito sa mga 250 wika, pati na sa wikang Cambodian.
Ang aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?, inilalathala ng mga Saksi ni Jehova, ay makukuha sa wikang Cambodian.