ANG PANGMALAS NG BIBLIYA
Pagtatangi ng Lahi
Saan nagmula ang mga lahi ng tao?
“Tinawag ni Adan na Eva ang pangalan ng kaniyang asawa, sapagkat siya ang magiging ina ng lahat ng nabubuhay.”
—Genesis 3:20.
ANG SINASABI NG MGA EKSPERTO
Ayon sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), “iisang lahi lang ang tao at nanggaling sa iisang ninuno.”
ANG SABI NG BIBLIYA
Lumalang ang Diyos ng dalawang tao, sina Adan at Eva, at sinabi niya sa kanila: “Magpalaanakin kayo at magpakarami at punuin ninyo ang lupa at supilin iyon.” (Genesis 1:28) Kaya sina Adan at Eva ang unang mga magulang ng lahat ng tao. Nang maglaon, nagkaroon ng baha at nalipol ang halos lahat ng tao. Walong tao lang ang nakaligtas
May lahi bang nakahihigit sa iba?
“Ginawa [ng Diyos] mula sa isang tao ang bawat bansa ng mga tao, upang tumahan sa ibabaw ng buong lupa.”
—Gawa 17:26.
ANG SABI NG ILAN
Noong ika-20 siglo, may mga grupong nagtaguyod sa ideya ng pagtatangi ng lahi. Halimbawa, ikinatuwiran ng mga Nazi na ang kanilang lahi ay nakahihigit sa iba. Pero kabaligtaran ito ng isinasaad ng dokumento ng UNESCO, na nabanggit sa simula, na nagsasabing “ang lahat ng lahi ng tao ay pantay-pantay dahil iisa lang ang pinagmulan nila.”
ANG SABI NG BIBLIYA
Sinasabi sa Gawa 10:
Nagtakda si Jesus ng pamantayan para sa mga Kristiyano nang sabihin niya sa kaniyang mga alagad: “Lahat kayo ay magkakapatid.” (Mateo 23:8) Idinalangin niya na magkaisa ang kaniyang mga tagasunod at “mapasakdal sila sa isa,” nang hindi nahahati o nababahagi.
Mawawala pa kaya ang pagtatangi ng lahi?
“Mangyayari sa huling bahagi ng mga araw na ang bundok ng bahay ni Jehova ay matibay na matatatag . . . ; at doon ay huhugos ang lahat ng mga bansa.”
—Isaias 2:2.
ANG INIISIP NG ILAN
Dahil sa patuloy na alitan ng lahi, naitatanong ng mga tao sa maraming bansa kung may nagawa nga ba ang lipunan para ayusin ang problemang ito. Ang ilan ay hindi na umaasang magiging pantay-pantay ang lahat ng lahi.
ANG SABI NG BIBLIYA
Hindi hahayaan ng Diyos na magpatuloy ang pagkakapootan dahil sa lahi. Kapag namahala na ang kaniyang Kaharian, ang mga tao “mula sa lahat ng mga bansa at mga tribo at mga bayan at mga wika” ay maglilingkod sa kaniya nang may pagkakaisa, anupat nagpapakita ng tunay na pag-ibig sa kanilang kapuwa. (Apocalipsis 7:9) Ang Kaharian ng Diyos ay hindi lang basta nasa puso. Isa itong gobyerno na magdudulot ng malaking pagbabago sa lupa
^ par. 15 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 3 ng aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova. Available din sa www.dan124.com/tl.