Diyabetis —Maiiwasan Mo ba Ito?
NAPAKABILIS ng pagdami ng mga may diabetes mellitus anupat naging pangglobong epidemya na ito. May dalawang pangunahing uri ang diyabetis. Ang type 1 ay kadalasan nang nagsisimula sa pagkabata, at hanggang ngayon, hindi pa alam ng mga doktor kung paano ito maiiwasan. Tatalakayin sa artikulong ito ang type 2, na taglay ng mga 90 porsiyento ng may diyabetis.
Dati, mga adulto lang ang nagkakaroon ng type 2 diabetes, pero ngayon, kahit ang mga bata ay nagkakaroon na rin. Gayunman, ayon sa mga eksperto, maiiwasan naman ito. Puwedeng makatulong sa iyo ang kaunting kaalaman tungkol sa traidor na sakit na ito. *
Ano ba ang Diyabetis?
Ang diyabetis ay isang kondisyon kung saan tumataas nang husto ang blood sugar ng isang tao. Sinisira ng sakit na ito ang normal na proseso ng paglipat ng asukal mula sa dugo patungo sa mga selula na nangangailangan nito para sa enerhiya. Bilang resulta, sinisira nito ang mahahalagang organ at ang sirkulasyon ng dugo, na kung minsan ay nagiging dahilan ng pagkaputol ng daliri sa paa o ng paa mismo, pagkabulag, at sakit sa kidney. Maraming diyabetiko ang namamatay dahil sa atake sa puso o stroke.
Ang sobrang katabaan ay nagiging dahilan ng type 2 diabetes. Naniniwala ang mga eksperto na malaki ang tsansang magkadiyabetis ang isa kapag naipon ang taba sa tiyan at baywang niya. Kasi, ang taba sa lapay at atay ay nakaaapekto sa kakayahan ng katawan na makontrol ang blood sugar. Ano ang puwede mong gawin para maiwasan ito?
Tatlong Hakbang Para Maiwasan ang Diyabetis
1. Ipasuri ang iyong blood sugar kung kabilang ka sa grupo na may malaking tsansang magkaroon nito. Ang tinatawag na prediabetes
Gayunman, delikado pa rin ang prediabetes. Bukod sa ito ang pasimula ng type 2 diabetes, natuklasan kamakailan na mas malaki rin ang tsansang magkaroon ng dementia ang mga prediabetic. Kung sobra ka sa timbang, hindi nag-eehersisyo, o may kapamilyang diyabetiko, baka may prediabetes ka na. Malalaman mo iyan kapag nagpa-blood test ka.
2. Kumain ng masustansiyang pagkain. Kung posible at praktikal, maaaring makatulong sa iyo ang sumusunod: Kumain nang mas kaunti kaysa sa dati. Sa halip na matatamis na fruit juice at softdrinks, uminom ng tubig, tsaa, o kape. Kumain ng tinapay na whole grain, kanin, at pasta
3. Mag-ehersisyo. Makatutulong ang pag-eehersisyo para bumaba ang iyong blood sugar at mapanatili ang tamang timbang. Palitan ng pag-eehersisyo ang ilang panahon mo sa panonood ng TV, ang mungkahi ng isang eksperto.
Hindi mo na mababago ang iyong genes, pero mababago mo pa ang istilo ng iyong buhay. Sulit ang anumang pagsisikap natin para mapabuti ang ating kalusugan.
^ par. 3 Ang Gumising! ay hindi nagrerekomenda ng anumang partikular na pagkain o ehersisyo. Dapat suriing mabuti ng bawat indibiduwal ang mga opsyon nila at kung kailangan, kumonsulta muna sa doktor bago magpasiya pagdating sa kalusugan.