Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

TAMPOK NA PAKSA

Paano Nagsimula ang Buhay?

Paano Nagsimula ang Buhay?

Paano mo kukumpletuhin ang pangungusap na ito?

ANG BUHAY AY RESULTA NG ․․․․․.

  1. EBOLUSYON

  2. PAGLALANG

BAKA isipin ng ilan na “ebolusyon” ang pipiliin ng isang mahilig sa siyensiya at “paglalang” naman ang pipiliin ng isang relihiyoso.

Pero hindi laging gayon.

Ang totoo, maraming edukadong tao—kasama na ang maraming siyentipiko—ang kumukuwestiyon sa teoriya ng ebolusyon.

Kuning halimbawa si Gerard, propesor ng entomolohiya na tinuruan ng ebolusyon sa kolehiyo. “Kapag may mga exam kami,” sabi niya, “ang isinasagot ko ay y’ong gustong sagot ng mga propesor​—pero hindi naman ‘yon ang pinaniniwalaan ko.”

Bakit nahihirapan, kahit ang mahihilig sa siyensiya, na tanggaping ang buhay ay nagmula sa ebolusyon? Para masagot iyan, talakayin natin ang dalawang tanong na naging palaisipan sa maraming mananaliksik: (1) Saan nagmula ang buhay? at (2) Paano na-develop ang mga bagay na may buhay?