Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kapag may teamwork ang mag-asawa, para silang pilot at copilot na may iisang plano

PARA SA MGA MAG-ASAWA

2: Teamwork

2: Teamwork

ANG IBIG SABIHIN NITO

Kapag may teamwork ang mag-asawa, para silang pilot at copilot na may iisang plano at nagtutulungan para makarating ang eroplano sa destinasyon nito. Kahit mahirap ang sitwasyon, ang iniisip ng bawat isa sa kanila ay “kami” sa halip na “ako.”

SIMULAIN SA BIBLIYA: “Hindi na sila dalawa, kundi isang laman.”​—Mateo 19:6.

“Dapat magtulungan ang mag-asawa para maging matagumpay ang kanilang pagsasama.”​—Christopher.

KUNG BAKIT ITO MAHALAGA

Kapag nagkaproblema, ang mag-asawang hindi nagtutulungan ay magsisisihan sa halip na solusyunan ang problema. Dahil diyan, kahit ang maliit na bagay ay lumalaki.

“Teamwork ang buhay ng pag-aasawa. Kung hindi kami team ng mister ko, hindi na kami mag-asawa kundi mag-roommate lang—dalawang taong magkasama sa iisang bubong pero magkaiba ang takbo ng isip kapag may mahahalagang desisyon.”​—Alexandra.

ANG PUWEDE MONG GAWIN

SURIIN ANG SARILI MO

  • Itinuturing ko bang “akin lang” ang perang kinikita ko?

  • Kailangan ko bang lumayo sa asawa ko para makapag-relax?

  • Malayo ba ang loob ko sa mga kamag-anak ng asawa ko, kahit malapít siya sa kanila?

PAG-USAPAN NINYONG MAG-ASAWA

  • Sa anong (mga) aspekto maganda ang pagtutulungan nating mag-asawa?

  • Saan tayo puwedeng mag-improve?

  • Ano ang puwede nating gawin para mapabuti pa ang ating pagtutulungan?

MGA TIP

  • Isipin ang isang laro ng tennis kung saan nasa magkabilang panig kayo ng court. Ano ang puwede mong gawin para magkasama kayo ng asawa mo sa iisang team?

  • Sa halip na isipin, ‘Paano ako mananalo?’ isiping ‘Paano kami mananalo?’

“Kalimutan n’yo kung sino ang tama at mali. Mas mahalaga ang kapayapaan at pagkakaisa sa inyong pagsasama.”​—Ethan.

SIMULAIN SA BIBLIYA: “[Isipin] ninyo ang kapakanan ng iba, hindi lang ang sa inyo.”​—Filipos 2:3, 4.