Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ang Hindi Kayang Ipaliwanag ng mga Scientist

Ang Hindi Kayang Ipaliwanag ng mga Scientist

Napag-aralan na yata ng mga scientist ang lahat ng tungkol sa uniberso. Pero ang dami pa ring tanong na hindi nila masagot.

Kaya bang ipaliwanag ng siyensiya kung paano nagsimula ang uniberso at ang buhay? Hindi. Sinasabi ng ilan na kaya raw ipaliwanag ng cosmology ang pinagmulan ng uniberso. Pero ganito ang sabi ni Marcelo Gleiser, propesor ng astronomiya sa Dartmouth College at isang agnostiko: “Hindi namin maipaliwanag kung paano nagsimula ang uniberso.”

Parang ganiyan din ang sinabi sa isang artikulo ng magasing Science News tungkol sa pinagmulan ng buhay: “Parang imposibleng malaman kung paano talaga nagsimula ang buhay sa planetang Lupa. Karamihan sa mga bato at fossil na nagpapakita kung ano talaga ang nangyari sa Lupa noong una ay matagal nang naglaho.” Ipinapakita ng mga pananalitang ito na hindi pa rin nasasagot ng siyensiya kung paano nagsimula ang uniberso at ang buhay.

Pero baka maisip mo, ‘Kung dinisenyo ang buhay sa lupa, sino ang disenyador nito?’ Baka maisip mo rin: ‘Kung may matalino at mapagmahal na Maylalang, bakit hinahayaan niyang magdusa ang mga tao? Bakit ang daming relihiyon? Bakit pinapahintulutan niyang gumawa ng masama ang mga sumasamba sa kaniya?’

Hindi masagot ng siyensiya ang mga tanong na iyan. Pero hindi ibig sabihin nito na hindi mo na mahahanap ang mga sagot. Sa katunayan, nahanap ng marami ang nakakakumbinsing sagot sa Bibliya.

Kung gusto mong malaman kung bakit sinabi ng ilang scientist na nag-aral ng Bibliya na naniniwala silang mayroong Maylalang, pumunta sa jw.org. Hanapin ang serye ng mga video na Paniniwala sa Pinagmulan ng Buhay.