Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
■ Ang mga hula ni Isaias at ng iba pang sinaunang mga propeta tungkol sa pagbabalik ay may pangkatapusang katuparan ba sa espirituwal na paraiso ng bayan ng Diyos ngayon, o ito ba’y mayroon ding literal na katuparan sa Paraiso ng “bagong lupa” sa hinaharap?
Ang aklat na Man’s Salvation Out of World Distress at Hand, na lathala noong 1975 ng Watch Tower Society, ay nagsasabi tungkol sa Isaias kabanata 35: “Pagkatapos na ang bihag na mga Judio’y magbalik na galing sa Babilonya noong 537 B.C.E. saka nagkaroon ng munting katuparan ang hula tungkol sa pagpapaganda ng ‘ilang,’ ‘tigang na lupain’ at ‘disyerto’ ng Juda. Ang malaki at pangkatapusang katuparan, ang espirituwal na katuparan, ay nagsimulang natupad sa nalabi ng espirituwal na mga Israelita pagkatapos na bumalik sila buhat sa kanilang pagkahiwalay mula sa biyaya ng Diyos nang sila’y makalaya buhat sa Babilonyang Dakila noong taóng 1919 C.E.” Ibig bang sabihin na walang ano mang bahagi ng mga hulang ito ang matutupad sa literal na Paraiso sa lupa sa panahon ng Sanlibong Taóng Paghahari ni Kristo? Hindi!
Ang pangungusap na iyan sa aklat na Man’s Salvation ay kailangang suriin ayon sa konteksto. Ang hula ni Isaias ay nagkaroon ng munting katuparan nang ang Israel ay bumalik galing sa pagkabihag sa Babilonya, nguni’t ang malaking katuparan ay nagsimulang naganap noong 1919 C.E. nang ang espirituwal na Israel ay makalaya buhat sa pagkabihag sa Babilonyang Dakila. Ang pagbabalik sa kanilang “lupain,” na kanilang espirituwal na paraiso, ay pangkatapusan na noon at tapos na, sapagka’t hindi na sila mahuhulog pa uli sa pagkaalipin sa ano mang bahagi ng pandaigdig na imperyo ni Satanas ng huwad na relihiyon.
Gayunman, ito at ang iba pang mga hula tungkol sa pagbabalik ay may mga bahagi na matutupad din sa literal na paraan sa lupang Paraiso. Halimbawa, sa Isaias 35:1-7 ang pagkakita ng bulag, ang paggaling ng bingi at lumpo ay hindi nagkaroon ng literal na katuparan nang maganap ang pagbabalik buhat sa sinaunang Babilonya, at hindi rin naman literal na natutupad sa isinauling espirituwal na paraiso sa ngayon. Subali’t ang mga Saksi ni Jehova ay naghihintay nang may kasabikan sa katuparan ng mga pangakong ito sa lupang Paraiso. Kaya naman ang Awit 119 sa ating 1966 na aklat-awitan ay totoong paborito nating lahat!
Tungkol sa iba pang mga hula hinggil sa pagbabalik, ang aklat ng Samahan na God’s Kingdom of a Thousand Years Has Approached (1973) ay nagsasabi: “Hindi magkatugma kung kakasihan ng Diyos ang mga hula na gaya niyaong nasa Isaias 11:6-9, at Ezekiel 34:25 at Oseas 2:18 at matutupad lamang ito sa makasagisag o espirituwal na paraan at hindi literal na matutupad sa aktuwal na buhay, na anupa’t parang imposibleng mangyari ang literal na katuparan.”
Mapapansin na kinasihan ang mga manunulat ng Kasulatang Griego Kristiyano upang ang mga bahagi ng Isaias 65:17-25) Nang may bandang huli, inilahad ni apostol Pedro ang pagsapit ng araw ni Jehova, na doon ang kasalukuyang “mga langit” at “lupa” ay mapaparam, at isinusog pa niya: “Nguni’t mga bagong langit at isang bagong lupa ang hinihintay natin ayon sa pangako niya [ni Isaias], at sa mga ito’y tatahan ang katuwiran.” (2 Pedro 3:10-13) Sa ganito’y ipinakita ni Pedro na may mga bahagi ang hula ni Isaias na matutupad sa “bagong lupa.” Ang tunay na kaligayahan, mahabang buhay, matiwasay na mga tahanan, saganang pagkain, kasiya-siyang gawain, kapayapaan sa pagitan ng tao at ng mga hayop—lahat na pagpapalang ito ay tiyak ‘ayon sa pangako ng Diyos.’
mga hulang ito tungkol sa pagbabalik ay ikapit sa “bagong lupa,” bagaman ang pangunahing katuparan nito ngayon ay sa espirituwal na paraiso. Halimbawa, binanggit ni propeta Isaias ang mga pagpapalang darating sa “mga bagong langit at isang bagong lupa.” (Isa pa, tungkol sa ‘piging para sa lahat ng bayan,’ ang Isaias 25:6-8 ay nagsasabi pa: “Tiyak na papahirin ng Soberanong Panginoong Jehova ang mga luha sa lahat ng mukha.” Bagaman ang malaking katuparan nito ay sa espirituwal na paraiso (at nakikibahagi rito ang “malaking pulutong”), ipinakikita ni apostol Juan na ang bahaging ito ng hula ni Isaias ay mayroon ding tiyak na katuparan sa sangkatauhan sa “bagong lupa.” (Apocalipsis 7:9, 16, 17; 21:1-4) Sa panahong iyon, isang pangglobong Paraiso ang muling lalalangin at makakatulad ng Paraiso ng Eden.—Genesis 2:8; Mateo 19:28.
Ang bayan ni Jehova ay nagsasaya ngayon dahilan sa lubusang pagsasauli ng kanilang espirituwal na paraiso. At hindi magwawakas ang kaligayahan sa pisikal na Paraiso, “sapagka’t ang lupa ay tiyak na mapupuno ng kaalaman tungkol kay Jehova gaya ng tubig na tumatakip sa mismong dagat.”—Isaias 11:9; 51:3.