Makapanggagaling Kaya sa Daigdig na Ito ang Pagkakaisa?
Makapanggagaling Kaya sa Daigdig na Ito ang Pagkakaisa?
ANG pangarap kayang pagkakaisa ng daigdig ay matutupad sa pamamagitan ng pagsisikap ng daigdig na ito? Posible kaya na isa sa mga pangunahing bahagi ng pamamalakad ng daigdig ay makaugit sa sangkatauhan upang marating ang tunguhing iyan?
Libu-libong taon ang ginugol ng daigdig na ito sa pagsubok sa iba’t-ibang pamahalaan, at sa mga sistemang pangkabuhayan at panlipunan. Ang alinman ba sa kanila ay naging isang tagapagkaisa? Mababaligtad ba ng alinman sa kanila ang mga bagay na nagdudulot ng pagkakabaha-bahagi sa sangkatauhan? Kung hindi, ano kaya ang makagagawa nito?
Ang Makapolitikang Kasaysayan
Ang isang makapangyarihang lakas sa pamumuhay ng tao ay ang politikal na pangunguna. Subali’t, ipinakikita ng kasaysayan na ito’y hindi naging isang puwersa na tagapagkaisa ng mga tao. Bagkus, pagkaraan ng libu-libong taon ng pagsubok sa lahat ng posibleng subuking mga pamamalakad sa politika, ang daigdig ay lalong baha-bahagi ngayon kaysa kailanman. Mayroon ngayong lalong maraming independenteng mga bansa at iba’t ibang klase ng mga pamamalakad politika kaysa kailanman sa kasaysayan.
Kung ang pamahalaan ng tao ay makapagiging tagapagkaisa ng daigdig, dapat sana’y napatunayan na niya ngayon iyan. Sa halip, sa buong nakalipas na panahon ay dumanak ang dugo sa sunud-sunod na digmaan—libu-libo. At sa modernong panahon ay wala kahit na unti-unting progreso sa pagkakaisa, anupa’t ang ika-20 siglong ito ang sa lahat ay may pinakamalubhang pagkakabaha-bahagi. May dalawang kakila-kilabot na digmaang pandaigdig, na lumipol sa buhay ng 70 angaw na mga tao. At hindi pa ito, sang-ayon sa aklat na War in Peace sapol noong Digmaang Pandaigdig II sa mga 130 digmaan sa mahigit na isang daang bansa ang nangamatay ay humigit-kumulang 35 angaw na tao. Gunigunihin iyan! Sa panahon ng umano’y kapayapaan!
Ang isang pinaka-ugat na dahilan nito ay ang pagkakabaha-bahagi ng mga tao sa politika at sa kani-kaniyang bansa. Kaya’t ang sangkatauhan ay watak-watak at nagkakasalu-salungatan. Sang-ayon sa historyador na si Arnold Toynbee ang nasyonalismo “ang sa katunayan ay numero unong relihiyon,” sapagka‘t maraming tao ang sumasamba at sumusunod dito. Sinabi ni Toynbee na ang pagsambang ito sa soberanong mga estado ang humihila sa kani-kanilang mga miyembro laban sa
isa’t-isa “sapagka’t ang relihiyong ito ay isang katunayan ng labis na pagpapakundangan sa sarili.” At inaakala niya na itong “labis na pagpapakundangan sa sarili ang pinagmumulan ng lahat ng gusot.”Ang pagkakabaha-bahagi sa politika ay higit na mapanganib ngayon dahil sa ang sangkatauha’y nasa nuclear age. Pinangangambahan ang digmaang nuclear sa lahat ng bansa, lalo na kung isasaalang-alang ang kapasidad ng mga armas nuclear ngayon. Sa The Fate of the Earth, si Jonathan Schell ay sumulat: “Ang nangyari sa Hiroshima ay wala pang isang ika-milyong bahagi ng isang digmaan kung gagamitin ang kasalukuyang dami ng mga armas nuclear sa daigdig.”
Isinusog pa ni Schell: “Ang politika ay nasa sukdulan ng kabalighuan sapagka’t sa isang panig ay nagtatayo ito para sa hinaharap nguni’t sa kabilang panig naman ay naghahanda ito na magwasak. Tuwing mangangalandakan ang isang politiko na magtatayo ng isang lalong mahusay na daigdig para sa ating mga anak at mga apo . . . ang panganib ng pagkalipol ay naroon upang isalubong sa kaniya ang pagtutol na: Nguni’t baka wala nang mga anak o mga apo.”
Ang mismong kalagayang ito sa panahon natin ay inihula ni Jesu-Kristo sa Lucas 21:25, 26: “Sa lupa’y manggigipuspos ang mga bansa, na hindi alam kung paano lulusutan iyon dahilan sa hugong ng dagat at mga daluyong, samantalang nanlulupaypay ang mga tao dahil sa takot at paghihintay sa mga bagay na darating sa tinatahanang lupa.” Anong angkop na paglalarawan sa kasalukuyang baha-bahaging kalagayan ng sangkatauhan!
Dahilan sa nakasisindak na kalagayang iyan, marahil ay maitatanong: Yamang walang pamamalakad politika na tagapagkaisa sa sangkatauhan, magagawa kaya iyan ng United Nations? Ang sagot ay hindi. Bakit? Sapagka’t, ang totoo, ang UN ay isang larawan lamang ng ating nag-aaway-away na daigdig. Inamin ng pangkalahatang kalihim ng UN: “Tunay na tayo’y lumihis nang malayo sa UN. Charter.” Binanggit niya na ang mga resolusyon ng kapulungang ito “ay patuloy na sinasalungat o ipinagwawalang-bahala ng mga nag-aakalang sila’y may sapat na lakas na gawin iyon.” Ang resulta, aniya: “Tayo’y nasa panganib at malapit na sa isang bagong anarkiya na pambuong daigdig.” Samakatuwid, batay sa kaniyang kasaysayan, ang kakayahan ng UN na maging tagapagkaisa ng sangkatauhan ay pinag-aalinlanganan kahit na ng kaniyang sariling mga opisyales.
Kung haharapin natin ang buong katotohanan, aaminin natin na ipinakikita ng kasaysayan na walang pamamalakad politika ng di-sakdal na mga tao ang makagagawa na pagkaisahin ang sangkatauhan, gaano mang kataimtim ang mga lider na gawin iyon. Sa Awit 146:3 ang kinasihang Salita ng Diyos ay nagpapayo: “Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga pangulo, ni sa anak man ng makalupang tao na hindi makapagliligtas.”
Ang Kaguluhan ng Kabuhayan
Maaasahan ba natin ang ano mang sistema ng kabuhayan ng sanlibutang ito bilang isang tagapagkaisa, upang ang buong sangkatauhan ay makinabang sa kakayahan ng lupa na mapag-anihan nang sagana? At sumasagot na naman ng hindi ang kasaysayan. Walang isa man sa sistemang pangkabuhayan ng tao ang nakapagbigay ng modelo para sa pagkakaisa upang makamit ng tao ang pinakamagaling. Lahat ng sistema ng kabuhayan ay walang naidulot kundi malaking kalungkutan at kahirapan sa angaw-angaw.
Noong nakalipas na mga ilang taon ay sunud-sunod na krisis ang sumapit sa kabuhayan ng buong mundo. Lumaking totoo ang mga pagkakautang ng mga bansang maralita, nguni’t hindi naman nila napasulong ang kanilang kakayahan na magbayad. Kahit na ang karamihan ng mga bansang mauunlad ay lumaki ang Apocalipsis 6:6: “Ang buong kita sa maghapon ay isang takal na harina ang mabibili.” (The New English Bible) Oo, sa maraming lugar ay halos hindi makabili ng isang pan de unan ang maghapong kita.
mga pagkakautang. Laganap ang karalitaan. Angaw-angaw ang walang hanapbuhay. Sa taun-taon ay angaw-angaw ang patuloy na namamatay sa gutom o sa sakit na dala ng malnutrisyon. Para sa karamihan ng mga taong maralita sa buong lupa, napatunayan ang makahulang salita ng Diyos saAnuman ang pansamantalang isulong pagkatapos ng pag-urong o panghihina ng kabuhayan, patuloy din na ang kalagayan ay gaya ng iniulat ng The New York Times: “Ang ekonomya ng daigdig ay nakaharap sa pinakamalubhang panganib sa pagkakaugnay-ugnay at kaunlaran nito sa panahon pagkatapos ng digmaan. Ang implasyon, pag-urong ng kabuhayan, ang pagdami ng walang hanapbuhay at pambihirang mga kagipitan sa pangangalakal at pananalapi ang naglalagay sa mga simulain at mga institusyon sa mahigpit na kaigtingan kung tungkol sa pagtutulungan sa kabuhayan ng mga bansa.” At ang editor ng isang pahayagang Pranses, si André Fontaine, ay nagpahayag: “Wala akong nakikitang Gobyerno sa daigdig ngayon na sa tingin ay may kakayahang lumutas sa mga pangunahing suliranin sa kabuhayan sa panahon natin. Iyan ay dahilan sa ang mga iyan ay talagang mga suliraning pandaigdig, at walang bansa na makakalutas niyan sa ganang sarili niya.”
Iyan ang pinaka-sentro ng bagay na
iyan. Ang mga suliranin ng kabuhayan ng daigdig ay nangangailangan ng nagkakaisa at pambuong globong pagkilos. Subali’t napakaraming iba’t-ibang mapag-imbot na mga intereses ang kasangkot at nakahahadlang upang malunasan magpakailanman ng mga lider ng daigdig na ito.Ang mga Suliraning Panlipunan ay Lumulubha
Ang mga suliraning panlipunan ay nagpapakita rin ng patuloy na pagkakawatak-watak ng sangkatauhan. Ang pagkakapootan at pagtatangi-tangi, ang krimen at karahasan, terorismo at digmaan—sa lahat ng kontinente—ay pawang mga sintomas ng isang may sakit na sanlibutan. Ang buhay sa maraming malalaking siyudad ang lalo nang mapanganib ngayon. Nang isang opisyal ng pulisya sa Italya ang nagsikap na magpalakas-loob sa isang preso nang sabihin sa kaniya ng opisyal na baka malapit na siyang palayain, ganito ang iniulat ng La Nazione, tungkol sa nakapagtatakang epekto niyaon sa preso: “Hindi ko gustong lumabas. Ito’y mahihirap na panahon. Mas gusto ko pang manatili rito sa bilangguan. Kaydali-daling mapatay ka sa labas.”
Mayroon ding mga kahinaan ang tao na sanhi ng pagkakabaha-bahagi ng pami-pamilya at sumisira ng kaurian ng buhay sa lahat ng uri ng pamamalakad politika. Patuloy na dumarami ang diborsiyo saanman, sa mga ilang dako halos kalahati ng lahat ng mga bagong pag-aasawa ang humahantong sa ganiyan. Ang labis na pag-inom upang makatakas ang isa sa mga problema sa buhay ay uso sa Silangan at sa Kanluran. Ang resulta ay na araw-araw ang mga taong nagmamaneho ng lasing ang sanhi ng pagkamatay ng mga 300,000 biktima taun-taon sa buong daigdig.
Ang pagkasugapa sa droga ay nagdulot ng kadalamhatian sa angaw-angaw. Ang palasak na kaluwagan sa sekso ay nagbunga ng katakut-takot na may sakit sa babae, ang iba’y hindi na ngayon talagang napagagaling. At may kasama rin ito na pagkabuntis ng mga babaing disgrasyada at pagpapalaglag.
Ang kalagayan ay gaya ng inihula ng Bibliya para sa panahong ito nang sabihin: 2 Timoteo 3:1-5.
“Sa mga huling araw ay darating ang mapanganib na mga panahong mahirap pakitunguhan.” Ang hulang ito ay nagpapakita ng mga kalagayan na gaya ng nababasa mo sa pang-araw-araw na pahayagan. Binanggit na ang mga tao ay ‘magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mapagmataas, masuwayin sa mga magulang, walang utang-na-loob, di-tapat, walang katutubong pagmamahal, di-marunong tumupad ng kasunduan, walang pagpipigil sa sarili, maibigin sa kalayawan kaysa maibigin sa Diyos.’—Ang mga suliraning panlipunan ay lalong pinalulubha ng paggugol ngayon ng 800 bilyong dolar isang taon sa mga armas. Iyan ay mahigit na dalawang bilyong dolar isang araw! Datapuwa’t, angaw-angaw na mga bata ang namamatay sa malnutrisyon taun-taon, at marami ring mga adulto. Sa gayon, hindi natin maiiwasan ang katotohanan ng bagay na ito: Ang panlipunang mga problema at mga pang-aapi ay dumarami. Daan-daang angaw na mga taong bigo at inaapi ang wala nang pag-asa. At walang panlipunang sistema ng sanlibutang ito ang makalulutas sa mga problemang ito sapagka’t hindi hinaharap nang may pagkakaisa.
Tiyak, maliwanag na ngayon na walang politikal, pangkabuhayan o panlipunan na sistema ng daigdig na ito na makapagsisilbing tagapagkaisa sa sangkatauhan. Subali’t komusta naman ang mga relihiyon ng sanlibutang ito? Maaasahan ba natin sila bilang isang tagapagkaisa? Tunay sa ano maaari tayong tumingin bilang isang tagapagkaisa sa kahabag-habag ang pagkakabaha-bahaging sangkatauhan? Ang susunod na dalawang artikulo ang tatalakay sa mga tanong na ito.
[Larawan sa pahina 7]
Kaya ng sangkatauhan ngayon na lipulin ang lahat ng buhay sa lupa
[Larawan sa pahina 8]
Daan-daang angaw ang nagugutom